CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 8

7 2 0
                                    

Dumating na ang araw ng sleepover ni Pat. Sinalubong ko sya sa pinto. Naroon si Val kausap si Pat.

" Magandang Gabi Liah!

"Ang saya mo ah! Ano tong mga dala mo?

" Beer para mamaya!

" Mag susulat ako mamaya. Hindi ako pwedeng uminom.

Nakatingin naman samin si Val.

" Sige si Val nalang yayayain ko.

"Ay naku ikaw talaga. May trabaho yan bukas. Wag ka nga ano.

" Salamat nalang Pat. Enjoy nalang kayo ni Liah sa sleepover mo dito

" Ah Salamat Val.

" Tara na umakyat na tayo sa taas.

Sabi ko doon.

" Oo nga..

Sabi ni Val sabay ngiti sakin. Ngumiti rin ako kay Val at nagpunta na kami sa hagdanan.

Sa kwarto nagbihis na si Pat ng pajama nya. Ganon din ako. At inayos nya ang dala dala nyang chicken at beer in can. Habang ako naman ay naupo sa desk ko.

Pat: Ano ba Liah sabi ko sayo. Pag dating ko dito mag eenjoy tayo at titigilan mo muna yang pagtatrabaho mo.
Liah: Oo na eto na.
Pat: Ioff mo na kase yan!
Liah: Oo na.

At inoff ko na ang laptop. Pagkatapos ay naupo nako sa harapan nya. Iniabot nya sakin ang beer in can. At kinuha ko ito. Si Pat naman ay binuksan ang kanya kumuha ng chicken at kumain.

Pat: Gising pa kaya si Carlo at Jesper.
Liah: Baka tulog na sila. Si Carlo kase kasama yun ni Jonas sa trabaho at sila yung huli umuuwi sa pito.
Pat: Ang sipag ng Mahal ko.
Liah: Wow Mahal talaga ah. Cliname mo talaga si Carlo.
Pat: Oo naman ako pa.

Maya maya ay may kumatok sa pinto. Napalingon kami parehas ni Pat. At tumayo akot binuksan ito. Pag tingin ko.

Liah: Val ano yun?
Val: Meron akong biniling orange kanina. Heto para sa inyo ni Pat.
Liah: Ah Salamat Val.

At lumapit si Pat doon.

Pat: Salamat Val. Ang sweet mo!

Ngiting sabi nito.

Val: Ah wala yon. Sige mauna nako Liah Pat.
Pat: Sandali ayaw mo ba sumali samin kahit saglit lang?
Val: Ah wag na. Salamat.
Pat: Sige na kahit tikman mo lang yung chicken na binili ko.
Val: Wag na salamat nalang.

At biglang hinawakan ni Pat si Val. Hinila nya ito papasok sa loob.

Liah: Hoy Patricia wag mo hilain si Val!
Val: Ok lang ako Liah. Sige pag bibigyan ko lang si Pat
Pat: Ayan mabuti naman.. tara!

Wala nakong nagawa doon.
At naupo na kami sa sahig. Pinakuha ni Pat si Val ng chicken at nilapagan nya ito ng beer.

Liah: Hoy Patricia anong ginagawa mo?!

At inurong ko pabalik ang beer in can kay Pat.

Pat: Bakit ba Liah? Wag ka nga kill joy. Beer lang to noh!
Liah: Kahit na may trabaho pa yan bukas.

Nakatingin lang samin si Val.

Pat: Ano kaba. Hindi nga tumanggi si Val. Saka bakit ba pinag babawalan mo sya. Jowa ka ba nya?

Bigla akong natigilan. Napatingin naman sakin si Val.

Liah: Ah ano bang sinasabi mo dyan. Wag ka nga mag salita ng ganyan. Nakakahiya kay Val.
Pat: Oh sige. Kelan kapa naging nanay nya?
Liah: Loka loka ka talaga.
Pat: Ang overprotected mo kase. Para kang nanay at jowa nya. Kung mag bawal dyan.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now