CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 10

7 2 0
                                    

Lumipas pa ng ilang araw. Natapos ko na ang sinusulat ko. Nakaready nako para dalhin ito sa Boss ko. Nakaligot nakabihis nako doon. Para umalis pagkatapos ng tanghalian. Pero hindi maganda ang panahon ng araw na iyon. Umuulan at madilim ang langit. Pero kailangan ko dalhin ang sinulat ko. Importante ang story ko na ito. Dahil isa ito sa mga ipupublish ng isang kilalang publishing book. Isa ako sa mga writer na napili nila. At ngayon ang araw ng meeting para dito. Napatingi ako sa terrace.

" Ano ba yan. Panay ang ulan.

Paglingon ko naandoon si sungit. Dayoff nya ngayon. Nakatingin sya sakin.

" Ano na naman ang tinitingin tingin mo dyan?

" Wala. Tinitingnan ko lang ang ulan.

" Hindi yan basta titigil. Kahit tingnan mo pa.

" Ewan ko sayo. Dyan ka na nga.

At umalis nako doon. Nakatingin lang si sungit. Pag labas ko ng pinto sakto lumabas din si sungit. Napatingin ako sa kanya. At humarap naman sya sakin.
Hindi nalang ako nagsalita. At nag lakad nako papunta sa baba. Naandoon din sya sa likod ko. Magkasunod lang kami. Nang makababa sa hagdan. Nagdiretso nako sa pinto. Doon din papunta si sungit. Kinuha ko ang payong at lumabas ng pinto. Napahinto ako saglit doon. Nakatingin ako sa paligid.

"Hayst bakit ngayon pa umulan. Nakakainis naman!

Pagtingin ko doon. Nasa tabi ko si sungit at nakapayong din.

" Lalabas ka daw kase kaya umulan.

" Huh anong sabi mo?!

" Diko na uulitin ang sinabi ko!..

Napasimangot naman ako doon. At nginisian ako ni sungit. Nang aasar na nàman sya. At naglakad na ito paalis. Hindi ko alam kung saan sya pupunta. Nakatingin lang ako doon. At naglakad na din ako paalis. Nag commute ako. Ilang minuto ang lumipas malapit nako sa office ng Boss ko. Nang biglang may bumangga sakin na lalaking tumatakbo. Nabitawan ko ang bitbit kong paper bag kung saan naroon ang 2 sample ng story ko. Nalaglag ito sa basa. At tuloy tuloy lang ang lalaki sa pag takbo.

" Huh ang story ko!..

Dinampot ko agad ito pero nabasa ito parehas. Mangiyak ngitak ako doon.

Lumipas ang oras. Nakaupo ako sa isang coffee shop. Napatingin ako sa dala kong paper bag. Naroon ang basa story ko. Napabuntong hininga nalang ako. Naalala ko ang nangyari sa meeting sa office. Nadissappoint sakin ang Boss ko dahil sa basang story ko. Sinabi din ng publishing na hindi muna nila kukunin ang story ko. Puro kamalasan ang nangyari sakin ngayon araw. Siguro hindi talaga para sakin yon. Sumabay pa ang langit. Na parang pinipigilan ako. Nabasa pako ng ulan. Napabuntong hininga nalang ako.
Sa kawalang gana. Nag lakad nalang ako pauwi. Feeling ko para akong mag isa sa mundo. Wala ko sa sarili ko. At diko nakikita ang mga taong nasa paligid ko. Biglang may bumangga sakin. Natumba ako.

" Ano ka ba? Bulag ka bat dimo nakikita dinadaanan mo?

At nag diretso na sa pag lalakad ang lalaki. Naiwan naman ako doon na naka upo. Bumangon nalang ako. At dinampot ang nabitawan kong paper bag. Nagpatuloy ako sa pag lalakad.

Lumipas ang ilang minuto. Naglalakad si sungit malapit na sa bahay. Nang makita nya kong nakaupo sa bench habang nakapayong. Nilapitan nya ko doon.

" Lutang ka na naman!..

Hindi ako sumagot doon. Nakatungo lang ako. Tinitingnan nya lang ako.

" Anong nangyari sayo? Mukha kang basang sisiw dyan?

Hindi ako sumagot.

" Bakit na pipe kana?

Tumingin ako sa kanya.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now