CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 5

6 2 1
                                    

Sa kwarto ni Jonas. Pumasok sya doon. At nag diretso sa banyo. Hinugasan nya ang sugat nya. Maya maya ay may kumatok sa pinto. Lumabas sya ng banyo at lumapit dito. Pag bukas naroon si Jayson. At bigla akong pumasok sa loob. Napaatras naman si Jonas.

" Anong ginagawa mo?!

Liah: Ang sugat mo kailangan magamot.
Jonas: Ayoko lumabas kana!
Liah: Hindi hindi ako lalabas!
Jonas: Ano?!

At hinila ko sya paupo sa kama nya.

Jonas: Bitawan mo nga ako!
Liah: Sige magalit ka sakin ok lang. Tanggap ko ako ang may kasalanan. Pero hindi pwedeng hayaan yang sugat mo!

Natulala sakin si Jonas.

" Ano?!..

Jayson: Kuya Jonas sige na kailangan magamot ang sugat mo. Baka maimpeksyon pa yan. Hayaan mo si Liah gamutin yan.

Napatingin lang si Jonas kay Jayson. At di na ito nag salita pa. Nagkatinginan naman kami ni Jayson doon. At tumango sya sakin. Ngumiti lang ako kay Jayson. At sinimulan ko ng kumuha ng bulak at naglagay ng gamot dito. Di naman tumitingin si Jonas sakin. Nakatingin lang ito ng diretso at nakasimangot. Binalewala ko nalang ito at idinampi ang bulak sa sugat nya sa leeg. Napailing ito sa hapdi. Nakatingin lang si Jayson doon sa amin. Habang ginagamot ko ang sugat ng masungit na yun. Maya maya ay nagpaalam saglit si Jayson. At lumabas sya ng kwarto. Nang makaalis si Jayson. Tumingin sakin si Jonas. Napatulala naman ako sa kanya. Biglang kumabog ang dibdib ko. Sa takot sa tingin nyang yon. Napatungo ako at nailang. Pero bigla nya hinawakan ang kamay ko. Napatulala ako sa kanya.

" Ikaw.. !

Di ako nakasagot. Na pipe ako.

" Tama na..

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya. Nakatitig naman sakin doon si Jonas.
At hinila nya ko palabas ng pinto. At padabog na pinagsarhan nito. Wala akong nagawa kundi mapatulala nalang doon. Syang labas ni Jayson sa kwarto. Napatingin sya sakin. At napangiti nalang ako ng pilit sa kanya.

Nang makapasok ako sa kwarto naupo ako sa desk ko. Naalala ko ang nangyari kanina sa masungit na lalaking yon. Naawa ako sa kanya ng malaglag sya sa ladder para lang makuha si Zico. At naalala ko din ng tumingin sya sakin habang ginagamot ang sugat nya. Kumabog na naman ang dibdib ko. Siguro sa takot lang to sa kanya. At napabuntong hininga nalang ako doon.

Tanghalian na. Kumakain na kami doon nila Tatay Bert Nanay Emma Jayson at ng Sungit na yun. Nakatungo ako doon at iniiwas ko ang tingin ko sa lalaking yun. Tumitingin kase sya sakin. Ano na naman ba ang problema nya. Ang hirap nya kase kausapin. Laging nakasimangot at lagi umaalis pagkausap. Kakausapin ko nalang sya kapag may pagkakataon. Hihingi din ako ng sorry sa kanya. Para maayos na to.
At napatingin ako sa kanya. Sabay alis agad ng tingin. Baka mahuli pa nya kong natingin sa kanya.
Matapos kumain naghugas ako ng plato. Napapaisip ako doon kung ano ang sasabihin ko apology sa lalaking iyon.

" Ahh sorry nga pala. Sana wag ka na magalit sakin nung nabangga kita habang naglalakad ako. Stress kase ko non at iniisip ang problema ko. Sana wag kana magalit sakin. Sige sabihin mo sakin kung ano dapat kong gawin. Para mapatawad moko..
Hayst ano ba tong sinasabi ko. Tama ba toh?

At napabuntong hininga ako doon. Pinagpatuloy ko ang pag huhugas ng plato. Nang matapos pinunasan ko ang mga to. Nang biglang pumasok sa kusina ang lalaking yon. Natahimik ako doon. Habang sya naman ay nagpunta sa ref at uminom ng tubig. Kinabahan naman ako. Pero nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Habang ang lalaking ito ay nakatingin sakin. Inilalagay ko ang tray sa taas ng kabinet pero mataas ito. Diko mailagay ng maayos kahit tumingkayad nako. Pinilit ko itong ilagay. Pero biglang may humawak dito. Natulala ako don dahil nahawakan nya ang kamay ko.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now