CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 24

7 1 0
                                    

Umaga bumaba si Liah para mag almusal. Pag daan nya sa hallway nakita nya si Jonas na naglalakad papuntang pinto. Napatigil sya at napatingin dito. Dahil may dala dala itong bag at mukhang may pupuntahan. Pag lingon ni Jonas nakita nya si Liah na nakatingin. Natigilan sya saglit at tumalikod. Binuksan ang pinto at lumabas na. Nakatingin lang si Liah doon hanggang sa tuluyan ng makalabas ng pinto si Jonas. Nakaramdam si Liah ng lungkot. At napatungo na lamang sya at tumuloy papunta sa kusina. Habang nag titimpla ng gatas doon nakatulala si Liah. Bigla na naman nyang naalala si Jonas ng tumingin ito sa kanya kanina. Nalungkot na naman sya doon. Ilang araw na mula nung huli silang nakapag usap. Nung araw na muntik na syang masagasaan at niyakap sya nito. Yun ang huling araw na hindi na sya kinakausap ni Jonas.

" Bakit ganon nalang ako kalungkot mula nung huli nya kong kinausap " sabi ni Liah sa sarili nya.

" Good Morning.. napalingon si Liah at nakita nya doon si Philip.

" GoodMorning " sagot naman ni Liah. Kumain sila sa lamesa ni Philip ng dumating si Jayson.

" GoodMorning " sabi nito. " GoodMorning sagot naman ni Liah. At nagtimpla ng gatas si Jayson doon. Nang matapos umupo sya at sumabay kina Liah mag almusal.

" Naabutan nyo ba si Kuya Jonas kanina. tanong ni Jayson doon. Napatingin naman si Liah kay Jayson.

" Hindi bakit Jayson? biglang sagot naman ni Philip at napatingin sa kanya si Liah.

" Ah kase umuwi muna si Jonas sa parents nya. Nagpaalam sya kagabi kina Tatay Bert at Nanay Emma. Nalaman ko rin lang kagabi. Nung nasalubong ko sya galing sa kwarto nila. Hindi ba nya sinabi sa inyo? 

" Hindi .. sagot ulit ni Philip. Napatungo naman si Liah doon.

" Sabagay hindi naman talaga sya nag papaalam kapag naalis. sabi ni Jayson habang nakatingin sa kanya si Philip.

" Maiba tayo ng topic alam nyo naba yung bagong groceries store malapit dito.. kwento ni Jayson habang nakikinig sa kanya si Philip. Napatingin ito ng pasimple kay Liah na nakatungo doon at nakatingin sa baso ng gatas na nasa harapan nito. Pinagmamasdan lang sya ni Philip. Sa kwarto napaupo sa gilid ng kama si Liah. Naalala nya si Jonas ng makita nya ito kaninang palabas ng pinto at nakatingin sa kanya. Na nagdiretso ito sa paglabas ng hindi man lang nag salita ng kahit na ano.

"Bakit wala kang sinabi sakin na aalis ka pala. Kahit nakita mo na ko kanina.. nasabi nalang doon ni Liah. Tumayo sya at naglakad papunta sa terrace. Napatingin sya sa kabilang terrace ni Jonas.

" Bat ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako... Gusto na nga ba kitaa??.. "
Napatingin si Liah sa langit.

" Ano bang nangyayari sakin. Nalilito nakoo.. "
at nanatili syang nakatingin lang doon.  Kinabukasan maaga gumising si Liah at pumunta sa office ng kanilang Boss. Naroon pa ang 3 pa nyang ka workmate na mga writer's. At nag tungo na sila sa isang mall para sa book signing nila. Habang naroon sa lamesa kaharap ang fans na nag papabook sign sa kanila. Napatingin si Liah sa kaliwa nya. Parang nakita nya doon si Val na nakatayo pero biglang may humarang doon.

" Hi Author L/A pa sign po.. sabi ng dalagang nasa harapan nya at nakangiti.

" Ahh Hello..
At kinuha ni Liah at librot nag sign sya dito..

" Thank you sa pag support "
sabi ni Liah at tumango ang fan. Napatingin di Liah sa pwesto kung saan nya nakita kanina si Val pero wala ito doon. Nagtaka si Liah kung namalikmata lang ba sya. Makalipas ang ilang minuto. Nag uwian na ang mga tao. naiwan nalang sina Liah doon ng may napansin sya. Lumapit si Liah sa mga upuan at nakita nya doon si Philip na nakaupo.

" Anong ginagawa mo dito?.. "
Itinaas ni Philip ang libro ni Liah at nagsalita.

" Pa sign naman author. Fan mo din ako "
Napangiti doon si Liah. Sa upuan nag sign si Liah sa libro at nakatingin lang sa kanya si Philip. Maya maya ay iniabot nya na ito kay Philip.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now