CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 19

14 2 2
                                    

Lumipas ang ilang araw. Ewan ko ba bakit ganon. Bigla akong nakaramdam ng hiya kay Jonas. Pag tuwing nakikita ko sya. Bigla akong napapaatras. Yung katawan ko nag kukusa. Eto kami ngayon sa harapan ng hapag kainan. Nagsasalo salo ng tanghalian. Lahat sila ay narito. Napatingin ako kay Philip. Nakatingin sya sakin. Nahiya ako bigla. Nakita nya siguro akong nakatingin kay Jonas. Ganon din si Val na napatingin saglit pero ibinaling ang atensyon sa pagkain nya.
Nang matapos kami kumain. Naiwan kami ni Jayson para mag linis. Tinutulungan nya ko doon. Sya ang nag punas ng lamesa at kumuha ng mga hugasin. Habang ako naman ang taga hugas. Habang nag huhugas ako doon biglang nagsalita si Jayson.

" Ok ka lang ba Liah?..

" Hah? Ah oo naman bakit mo natanong Jayson?

" Kanina mo pa kase sinasabunan yung baso. Baka kumintab na yan kakais is mo ng sponge.

At bigla akong parang bumalik sa ulirat.

" Pasensya na may iniisip lang ako.

" Lalaki ba??!..

Nagulat ako sa sinabi ni Jayson.

" Hindi ahh!...

Natawa sakin si Jayson.

" Hindi ba Ate Liah? Bat parang namumula ka?

" Napahawak ako sa pisngi ko. At nalagyan ko tuloy ng bula yung mukha ko.

" Hahhahh!!..

" Jayson ikaw!..

" So tama ako?!..

" Hindi ahhh!!..

" Si Philip ba?

Tuksong sagot ni Jayson sakin habang inilapit ang mukha nya na nakangisi.

" Hindi..

" Si Kuya Val??..

" Hindi ahh..

" Si Jonas noh??!..

" Hindi!!!..

" Hhmm nag sisinungaling ka!

" Jayson.. hindi noh. Sandali wag mo nga kong tuksuhin.

" Eh sino ba kase? Sabihin mo na. Secret lang natin.

" Wala.. walang secret. Mag banlaw kana nito. Para matapos na tayo.

" Eh ayaw mo naman sakin ibigay yung baso. Pinapakintab mo pa ng sponge.

Natawa ko sa sinabi ni Jayson. At biglang pumasok si Sungit. Natahimik ako bigla. At nagpatuloy sa ginagawa ko. Nakatingin lang sakin si Jayson. Pumunta si Sungit sa ref at kumuha ng tubig. Nakatingin sa kanya si Jayson. At lumapit sya dito.

" Kuya Jonas may ginagawa kaba ?

" Hah? Wala bakit?

Ibinigay ni Jayson ang pamunas kay Jonas.

" Naalala ko may assignment pa pala kong naiwan sa kwarto. Kailangan ko na yun tapusin.

" Ano??!

" Sige Salamat!!..

" Sandali!!..

At nagmamadaling umalis si Jayson. Nakatingin lang ako doon. Pati si sungit ay napatingin sakin. Bigla kong inalis ang tingin ko sa kanya.
At lumapit si Jonas sakin. Nagpatuloy ako doon sa ginagawa ko at tahimik na inabot sa kanya ang baso. Tahimik din ginawa ni sungit ang iniwan sa kanya ni Jayson. At tumitingin sya sakin.

" Hanggang kelan mo ba ko iiwasan?

Nagulat ako sa sinabi ni Jonas. Hindi ko sya tiningnan.

" Hindi ahh. Hindi naman kita iniiwasan.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now