CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 7

7 2 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at busy ang lahat sa kanilang mga trabaho. Ganon din ako na malapit ko na matapos ang sinusulat ko. Nakaharap ako sa laptop ko. At napasandal. Ininat ko ang mga kamay ko at hinawakan ang leeg kot nag inat inat.

" Kamusta na kaya sila. Hindi ko sila masyadong nakakasama.

Pagkatapos kase ng birthday ni Jayson. Di na kami masyadong nagkakasama nila Val. Lagi na kase kong nag kukulong dito sa kwarto dahil kailangan ko ng tapusin ito. Minsan lang ako nakakasabay sa kanila kumain. Bigla kong naalala sina Val Philip at Jonas doon sa laro. Sabay sabay silang lalapit sakin. Ano bang nasa isip nila. Bakit ganon ang mga ikinikilos nila. Wag nila sabihing..
Bigla ako natigilan.

" Imposible naman yun nasa isip ko. Imposibleng may gusto sakin si Val. Si Philip naman. Ewan ko din sa kanya. Lalo na yung si Sungit. Hindi yun mag kaka girlfriend. Sa ugali nya.
Ano ba tong iniisip ko. Nakakahiya. Hayst mas kailangan kong isipin itong trabaho ko. Focus Liah. Wag ka mag isip ng kung ano ano. Hindi ka maganda para magustuhan nila. Oo tama ganon nga.. hayst ano ba tong pinagsasabi ko.

At nagpatuloy lang ako sa pag susulat.

Alas onse na at nagpunta ko sa kusina. Nakita ko si Nanay Emma doon na nag luluto.
Napatingin ito sakin.

Nanay Emma: Oh Liah nagugutom ka naba.
Liah: Ah di pa naman po Nanay Emma. Iinom lang po ako ng tubig. Saka naalala ko po kayo. Baka wala po kayong katulong sa pag luluto.
Nanay Emma: Naku wag mo ng alalahanin yun. Kaya ko naman. Busy ngayon sa trabaho sina Val. At si Jayson uuwi yun. Kaya kailangan ko magluto.
Liah: Pasensya na po Nanay Emma. Di nako nakakatulong nitong mga nakaraang araw.
Nanay Emma: Ok lang yun. Alam naman namin na busy ka rin sa trabaho mo. Pero wag mo din pababayaan ang sarili mo. Kumain ka ng maayos. Kung nagugutom ka sa gabi sa pag susulat mo. Bumaba ka lang dito at kumain.
Liah: Opo Nanay Emma. Salamat po.

Ngumiti si Nanay Emma sakin. At tumulong ako doon sa kanya mag ayos ng lamesa. Lumipas ang minuto dumating na si Jayson at kumain na kami nila Tatay Bert at Nanay Emma. Matapos ay ako ang naghugas ng plato at nag linis doon. Nang matapos ako ay umakyat nako sa kwarto. At nagpatuloy sa pagsusulat. Lumipas ang oras at diko namalayan na ala sais na. Dali dali akong bumaba sa kusina at nadatnan si Nanay Emma at si Val doon.

Val: Liah.
Liah: Hi Val..

At lumapit ako sa kanya na nag aasikaso ng lamesa. Tinulungan ko sya doon.

Val: Kamusta yung trabaho mo. Malapit kana matapos?
Liah: Ah oo malapit na.
Val: Mabuti naman. Ok lang samin kahit di ka muna tumoka dito. Kailangan mag focus ka sa sinusulat mo
Liah: Naku ok lang. Nahihiya din ako. Saka ok lang para din ma relax ako. Gusto ko din nakakatulong pa din ako dito sa kusina.

Napangiti sakin si Nanay Emma na nagluluto doon.
Syang dating nila Jesper Philip Gift.

Jesper: Wow ang bango Nanay Emma. Ano po ulam natin ngayon
Nanay Emma: Tinolang manok.
Jesper: Aww sarap.. Hi nga pala Liah.
Liah: Hi Jesper..
Philip: Hi Liah
Liah: Hi Philip. Magandang gabi
Gift: Liah na miss ka namin. Magandang gabi.
Liah: Ako din Gift Magandang gabi

At nagpuntahan na sila sa kanilang mga gagawin. Si Philip na nag diretso sa ref para uminom ng tubig. Si Gift na kinuha ang mangga na nasa lababo at hinugasan ito. Si Jesper naman ay kinuha ang mga baso doon.

Nanay Emma: Si Jayson?
Val: Tulog po sya kanina. Diko lang po alam kung gising na ngayon.
Nanay Emma: Abay gisingin nyo na.
Jesper: Gising na po sya. Nilalaro si Zico.
Val: Gising na pala sya.
Jesper: Oo Bro. Bababa na yun.
Liah: Si Carlo at Jonas nga pala.
Val: Mamaya pa ang uwi ng dalawang yun.
Liah: Ah ganon ba.
Val: Bakit Liah?
Liah: Ah wala lang. Na miss ko lang sila.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now