CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 28

11 1 2
                                    


Gabi sa kwarto ni Carlo. Naroon si Gift at Jayson. Kausap nila ito habang nakahiga sa kama. Maya maya ay dumating sina Jesper at Philip.

" Oh Bro anong nangyari sayo. May lagnat ka daw? "

sabi ni Jesper na naupo sa tabi ni Gift. Nasa kanan naman si Jayson nakaupo. Tumayo lang doon si Philip sa harapan nila. 

" Oo eh. Umuwi ako kanina. Biglang sumama ang pakiramdam ko. "

sagot naman ni Carlo habang nakahiga doon.

" Nakainom ka naba ng gamot?

tanong naman ni Philip.

" Oo nakainom nako. Bumili muna ko bago umuwi dito. Pinaghanda pa nga ako ni Liah ng prutas eh. "

" Nandito sya kanina? "

Tanong naman ni Jayson.

" Oo, nagluluto nga sila ni Val ng lugaw para sakin. "

" Ah talaga.. " sabi naman ni Jesper.

" Nasa kusina silang dalawa bago ako umakyat dito. Nakita ko nagluluto nga sila ni Val. "

kwento naman ni Gift. Tahimik lang na nakikinig si Philip na nakapamulsa.

" Kanina nung dumating ako. May hawak na bouquet ng flowers si Liah. Siguro bigay yun sa kanya ni Val. "

kwento ulit ni Carlo sa kanila. Napatingin si Jesper sa tahimik lang na nakikinig na si Philip.

" Talaga binigyan ni Val ng bouquet ng flowers si Liah. Bakit anong okasyon? "

Tanong naman ni Jayson.

" Hindi ko alam. Nadatnan ko nga silang nasa sala. Nakaupong magkatabi sa sofa. Tapos nakahawak si Liah sa braso ni Val. Hinihila hila nya ito. At may sinasabi syang Sige na!.. "

Nakatingin lang si Philip kay Carlo. Napatingin ulit sa kanya si Jesper na ibinalik ulit ang tingin kay Carlo.

" Ano naman kaya yun? "

sabi ni Jayson.

" Baka naman may pinapagawa lang si Liah kay Val. "

sabi naman ni Gift.

" Eh bakit ganon nalang kung humawak si Liah sa braso ni Val. Parang ang close close na nilang dalawa. Medyo nag selos nga ako non nung makita ko sila. "

" Tumigil ka nga dyan Carlo. Wag ka ng sumabay. "

biglang sabi naman ni Jesper doon. Sabay tingin kay Philip. Nakatingin lang ito kay Carlo at hindi nagsalita.

" Anong wag sumabay, saan?? "

Napatingin naman sina Jayson at Gift kay Jesper.

" Ah wala, kalimutan mo na ang sinabi ko. "

sagot nalang ni Jesper. Natahimik sila saglit.
Maya maya ay biglang pumasok si Jonas.

" Oh Jonas kanina ka pa dumating? "

tanong ni Carlo sa kanya.

" Kanina pa ko dyan sa labas ng pinto. May pinag uusapan kase kayo kaya hindi ako agad pumasok. "

Napatingin si Philip kay Jonas na nasa tabi lang nito. Napatingin din lang si Jonas sa kanya. Nakatingin naman ang lahat sa kanilang dalawa.

" Ehemm! "

biglang sabi ni Jesper doon.

" Ano yan dala mo na nasa plastic Jonas? "

Tanong ni Jesper.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now