CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 13

7 2 0
                                    

Lumipas pa ang mga araw. Hindi ako masyadong nag lalalabas ng bahay. Malimit lang ako nasa loob ng kwarto ko. Mula nung araw na nag alala sakin ang lahat. Nahihiya ko sa kanila. Lagi kong naaalala ang sinabi sakin ni sungit. Pati na din ang sinabi sakin ni Philip. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Sa totoo lang ayoko muna isipin. Ayoko magulo ang isip ko. Isa pa hindi pako handa. Siguro takot lang ako.

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko ito. Pagtingin ko si Val.

Liah: Val bakit?
Val: Pwede ba ko pumasok?
Liah: Sige..

Pumasok sya at naupo kami.
Pinaupo ko sya sa chair ng desk ko. At ako naman sa kama.

Liah: Ano yun Val?
Val: Napapansin ko kase lagi ka lang nasa loob ng kwarto. Ok ka lang ba?
Liah: Ah oo ok lang ako May ginagawa lang kase ko.

Pero sa totoo lang. Naiwas lang talaga ko. Kaya di ako nag lalalabas.

Nakatingin lang sakin si Val. Para bang binabasa nya ang iniisip ko.

Liah: Ah bakit Bal?
Val: Wala, wala lang. Gusto sana kita yakagin lumabas.
Liah: Huh lumabas? Saan?
Val: Off ko ngayon. Meron akong pinupuntahan pag nag dadayoff. Gusto sana kitang isama. Kung ok lang?
Liah: Sige anong oras ba?

Napangiti sakin si Val.
Ilang minuto ang lumipas nakabihis nako. Pag labas ko ng kwarto. Sakto palabas din si Val sa kwarto nya. Parang napatulala sya sakin doon

Liah: Bakit Val?
Val: Ah wala lang.. ang ganda mo kase sa suot mo.

Natahimik ako doon.
Nahiya ako.

Liah: Ah ganon ba. Salamat

Napangiti naman si Val sakin. At bumaba na kami sa hagdan. Nakita namin non sina Nanay Emma at Gift. Napatingin sila samin.

Nanay Emma: Oh may lakad ka Liah. Ikaw din Val?
Val: Nanay Emma may pupuntahan lang po kami ni Liah. Isasama ko lang po sya.
Nanay Emma: Ah ganon ba. Sige lumakad na kayo.
Liah: Sige po Nanay Emma.
Gift: Liah ang ganda mo.
Liah: Naku Salamat Gift.
Val: Maganda talaga si Liah.

Napatingin ako kay Val at napangiti nalang. Habang nakatingin naman samin sina Nanay Emma at Gift.

Val: Sige po Nanay Emma Gift.
Gift: Ge Bro.
Nanay Emma: Wag kayo magpagabi masyado huh.
Val: Opo Nanay Emma.
Liah: Sige po..

At lumabas na kami ni Val. Nakatingin lang samin sina Nanay Emma at Gift habang palabas kami ng pinto.

Nagpunta kami sa mall. May binili syang libro.

Liah: Mahilig ka palang mag basa ng libro.
Val: Ah oo collection ko din sya.
Liah: Ano mga libro ba ang binabasa mo?
Val: Iba iba. Depende minsan sa mood ko.
Liah: Ah maganda yan. Di madami ka ng collection.
Val: Oo sa kwarto ko. May book sheeves ako doon. Gusto mo ba makita?
Liah: Sige!
Val: Mamaya pakita ko sayo pag uwi natin.
Liah: Ok sige..

Napangiti sakin si Val. Napangiti lang din ako sa kanya.
Sununod naming pinuntahan ang cinema. Nanood kami ng horror movie. Napapakapit ako kay Val. Sa tuwing nagugulat ako. Napapangiti naman sya sakin doon. Pinagmamasdan ako.
Pagkatapos manood. Kumain kami sa fastfood. Tinitingnan ako ni Val doon. Napapangiti sya sakin. Nagtataka naman ako.

Liah: Bakit Val?
Val: Liah may ketchup ka sa gilid ng lips mo.
Liah: Huh?

Hinawakan ko ito para punasan. Nakatingin naman sakin si Val dahil mali yung pinunasan ko. Kumuha sya ng tissue at idinampi ito sa gilid ng lips ko. Natulala naman ako sa ginawa nya. Napangiti lang sakin si Val. Namula ako doon at nahiya.

Habang nag lilibot sa mall. Tahimik kami parehas. Napapaisip ako. Feeling ko para kaming nag deDate.
Sabi ko sa isip ko.

" Hindi Liah nililibre ka lang nya. Kase Dayoff nya. Yun lang yon. Ano ba tong iniisip mo.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now