CAN YOU HEART MY HEART / Chapter 16

10 2 2
                                    


Maaga kaming pumunta sa orphanage. Ito yung orphanage na tinutulungan nila Tatay Bert at Nanay Emma matagal na. Tinutulungan nila ang mga batang inaalagaan dito.
Kumpleto kaming naroon. Sumama din si Pat para tumulong.
Pag dating namin sinalubong kami ng mag asawang tagapangalaga nito.
Ipinakilala ako at si Pat nila Tatay Bert sa kanila.

Tatay Tomas: Mabuti naman at nakarating kayo Bert.
Tatay Bert: Ah syempre naman. Para ito sa mga bata. Namimiss na din namin sila.
Nanay Linda: Naku namimiss na din kayo ng mga Bata. Hindi kami mag sasawang magpasalamat sa inyo. Sa walang sawa nyong pag mamahal at pagtulong sa kanila.
Nanay Emma: Hindi hindi kami mag sasawa tumulong. Hanggat may batang nangangailangn ng tulong. Tutulong at tutulong kami.
Tatay Bert: Tama ang sabi ng Mahal ko.

Nakangiti kami lahat doon at nakikinig.

Tatay Tomas: Tayo nat pumasok sa loob. Nag aantay na sa inyo ang mga bata.

At sumunod kami kina Tatay Tomas at Nanay Linda. Sa loob sinalubong kami ng mga bata doon. Nagtakbuhan sila palapit samin. Naglapitan ang mga bata kina Val. Namangha naman kami ni Pat sa nakita namin yon. Pinagmamasdan namin sila. Habang kausap nila ang nga Bata

Batang Lalaki: Kuya Jonas na namiss kita!
Jonas: Ako din na miss kita. Namiss ko kayong lahat Darren.
Batang Lalaki 2: Kuya Val. Kamusta ka na po. Inaantay po kita. Kapag dadalaw kayo dito.
Val: Talaga pasensya na di kaagad nakakadalaw dito dahil sa trabaho. Hayaan mo nandito na naman kami. Maglalaro tayo buong maghapon Jon
Jon: Sige Kuya!
Batang Lalaki 3: Kuya Philip. Tingnan mo oh. Nagaling nako mag drawing.
Philip: Patingin nga.
Sino ba to Ian?
Ian: Ikaw po yan. Tingnan mo po ang laki ng abs.
Philip: Aww ako ba to? Oo nga kamukha ko nga.

Natawa sa kanya ang bata. Ganon din kami ni Pat na nakatingin sa kanila.

Ian: Syempre idol kase kita Kuya.
Philip: Talaga ako din idol din kita. Ang galing mo mag drawing.
Ian: Salamat po Kuya.

At hinawakan ni Philip ang ulo ng bata at hinimas ito.
Nakatingin lang kami ni Pat doon. Napatingin sakin si Philip at ngumiti ito. Napangiti din ako sa kanya.

Darren: Kuya Jonas sino sya Girlfriend mo ba yan?

Turo sakin ng bata.
Nagulat si Jonas at Val doon sa narinig sa bata. Habang si Philip naman ay tahimik lang na nakatingin. Hiyang hiya naman ako. Si Pat naman ay natawa. Pero tinakpan agad ang bibig nya.

Jona: Ano bang sinasabi mo bata ka. Tara magkwentuhan nalang tayo doon.

Hinawakan ni Jonas ang kamay ni Darren at naglakad paalis.

Nanay Linda: Ah Bert Emma Tayo na. May kailangan tayong pag usapan
Tatay Bert: Sige..
Nanay Emma: Oh dito muna kami. Pumunta nalang kayo doon sa loob ah pagkatapos nyo dyan.
Val: Sige po Nanay.

At pumunta na sa loob sina Tatay Tomas Nanay Linda Tatay Bert at Nanay Emma. Naiwan kami doon kasama ng mga bata.

Bata lalaki 4: Kuya J sabi mo sakin pag balik mo kukwentuhan moko ng mga nakakatawa mong joke.
J: Talaga sinabi ko ba yun Jared?
Jared: Hala opo kaya.
J: Joke lang!.. Tara kukwentuhan kita.
Jared: Ayun Yehey!!

Napangiti kami nila Pat doon.

Bata Lalaki 5: Kuya Carlo lalo ka pong na pogi. Siguro may girfriend kana.
Carlo: Uy wala pa nga eh. Sino ba gusto mo para sakin Patrick?
Patrick: Wala ba sa kanilang dalawa kuya?

Nagulat ako sa sinabi ng bata. Tumaas naman ng kamay si Pat. At ngiting ngiti.
Tinuro naman ako ni Patrick doon.

Patrick: Sya gusto ko kuya para sayo.

Nagulat din si Val. Habang si Philip ay nakatingin lang doon at tahimik na nakatingin gaya ng iba.

Carlo: Ah joke lang yon. Binibiro lang kita. Tara mag laro na tayo doon.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now