CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 21

9 2 2
                                    


Umaga may nag doorbell sa gate ng bahay nila Nanay Emma. Lumabas si Val para tingnan ito. Pagbukas nya. Nakita nya ang isang lalaki na my itsura at nakasalamin. 

" Magandang umaga ahh dito ba nakatira si Liah?

Maya maya ay sumilip si Philip para tingnan kung sino ang nag hahanap kay Liah.

" Ako nga pala si Darwin. Ang boyfriend ni Liah"..

Natigilan sila sa narinig sa lalaki. Napakunot noo si Philii doon. Habang si Val naman ay naging seryoso ang mukha. Ngingiti ngiti naman ang lalaking bisita.

Sa loob ng bahay sa sala naroon sina Nanay Emma at Tatay Bert kausap si  Darwin. Naroon din si Val at Philip na nakatayo sa likuran nila nanay Emma. Nakakibit balikat si Philip doon na seryosong nakatingin kay Darwin. Habang si Val naman ay seryoso ding nakatingin lang at nakapamulsa.

" Salamat po sa pag tanggap sa akin dito sa bahay nyo po. Kababata po ako ni Liah. Kasama po nila ko mamaya sa pag alis nila ni Pat. 

" Ah ganon ba. Nasabi nga sakin ni Liah na may dadating na bisita. Umalis sila ni Pat may bibilhin lang daw.

" Ganon po ba maghihintay na lang po ako dito sa kanila.

" Kumain ka na ba iho?.. dito kana kumain ng tanghalian. sabi ni Nanay Emma.

" Ahh sige po Maraming Salamat po Nay.

Ngumiti si Nanay Emma.

" Pwede kabang mag kwento samin tungkol kay Liah? Sabi mo kababata mo sya.. sabi naman ni Tatay Bert doon.

" Ahh sige po..

Sa gilid naman ng sala sa may pinto naroon nakasilip sina Jayson Carlo Gift Jesper. Nang lumapit si Jonas sa kanila.

" Hoy! Anong ginagawa nyo??..

" Kuya Jonas .. sabay nguso ni Jayson paturo sa bisita nila Nanay Emma.

" Sino yan??.. tanong ni Jonas.

" Boyfriend daw sya ni Liah.. biglang sagot ni Carlo.

Napatingin bigla si Jonas kay Carlo.

" Biruin mo may Boyfriend pala si Liah. Di man lang natin alam.. sabi naman ni Jesper doon na nakayuko nakasilip sa gilid ni Carlo. Nakatingin lang si Jonas sa kanya at di sumagot.

" Malay mo naman sabi nya lang yun. Kung meron Boyfriend si Liah siguradong babanggitin nya yun satin.. sabi naman ni Gift na  nakapatong ang braso nito sa balikat ni Jayson.

" Pwede.. hindi rin ako naniniwala sa sinabi nya biyfriend sya ni Liah.. sabi naman ni Carlo na napahawak ng baba. Nakatingin lang sa kanya si Jonas. At ibibaling na nya ang tingin sa bisitang lalaki.

" Si Liah po kababata ko sya. Magkapitbahay po kase kami sa dati nilang tinitirhan. Single Mom po ang Mama nya. Na kaibigan naman ng Mamma ko. Parehas ko kaming nag aaral sa iisang eskwelahan at laging magkalaro. Tapos po nag sumpaan po kami na maging mag boyfriend at girlfriend non. Kaso po lumipat na po sila ng tirahan kaya hindi na kami nag kita. Hanggang sa nag highschool sya at college wala nakong balita sa kanya. Kelan ko lang po sya nahanap dahil kay Pat. Malapit po sa pinagtatrabahuan ni Pat yung trabaho ko. Ngayon palang po kami magkikita ni Liah after a long years.

" Ah ganon pala.. sabi ni Nanay Emma.

" Bakit mo nasabing Boyfriend ka ni Liah kung matagal na pala kayong di nagkikita. Bata pa kayo non at walang muwang.. sabi naman ni Philip.

" Ahh kase wala naman syang boyfriend ngayon kaya babalik ako as boyfriend nya.. sagot naman ni Darwin na ngumiti pa.

Nainis naman si Philip sa sagot nito kaya nagsalita sya doon ng mahina ng..

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now