CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 3

13 1 0
                                    

Nakatulog ako. Pag dilat ko magtatanghalian na. Napabangon ako at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina. Nakita ko si Nanay Emma na nag aasikas para sa pananghalian. Tumulong ako doon mag hiwa ng gulay. Tinitingnan nya ko at napangiti sya sakin.

Nanay Emma: Kamusta ka naman dito Liah. Maayos kaba nakatulog.
Liah: Ah opo Nanay Emma. Nakakapag adjust naman na po ako. Saka maayos po akong nakatulog.
Nanay Emma: Mabuti naman at ganon. Masaya kami at maayos ka dito.
Liah: Ah opo Nanay Emma. Masaya po dito. Gusto ko po dito.
Nanay Emma: Mabuti naman kung ganon.

Ngiti nito sakin. Ganon din ako na napangiti sa kanya.
Nang matapos magluto kumain na kami nila Tatay Bert Nanay Emma Jayson at Philip.
Napapatingin ako kay Philip.
Ewan ko ba bakit napapatingin ako sa kanya. Bumabalik na naman ba ko sa dati.
Nang matapos kami kumain. Naiwan ako doon at ako ang nag hugas ng plato. Napapatulala na naman ako. At naalala ko na naman si Philip. Naalala ko sya nung highschool. Kapag pinagmamasdan ko syang nakaupo mag isa sa batong upuan. Nakatingin sya sakin. Binigkas ng marahan ang pangalan ko.

" Philip...

Nakatulalang sabi ko doon. Napatungo ako at napabuntong hininga nalang.
Nang matapos pumunta nako sa kwarto at naupo sa desk ko. Inopen ko ang laptop. Napatulala na naman ako. Bakit bako nagkakaganito ngayon. Ang tagal na non. Bakit bumabalik sakin ulit ang mga yon. Ano bang nangyayari sakin. Napashakehead ako at nagpatuloy nalang sa pag susulat.

Ilang oras ang lumipas napainat ako. Nangalay na naman ang leeg ko at mga kamay. Para kong nagutom. Tumayo ako at naalala ko nga pala ang cookies kong inorder. Kinuha ko to at kumain ako. Nang bigla akong natahimik. May nadinig kase ako sa pintuan na parang kumukuskos.
Lumapit ako doon at pinakinggan ko ito. Maya maya ay dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pag bukas biglang pumasok sa loob ang isang cute na pusa. At nagpunta ito malapit sa desk ko.

" Hah kanino to pusa?

Nilapitan ko ito at pinagmasdan.

" Ang cute mo naman..

Sabi ko doon. Diko alam napadaan sa harapan ng pinto ng kwarto ko si Philip at napatingin doon.
Binigyan ko ng cookies ang pusa.

" Kanino kaya pusa to?

" Kay Jayson yan.

Napatingin ako sa pinto. At nakita si Philip.

" Pwede ba ko pumasok?

" Ah oo sige pumasok ka..

Pagpasok ni Philip tumayo sya sa tabi ng pusa.

" Sya si Zico. Alaga sya ni Jayson. Malimit lang sya nasa kwarto. Baka di napansin ni Jayson na lumabas.

" Ganon ba. Ang cute ng pusang ito. Saka mataba..

Sabay tingin ko kay Philip na nakangiti. Napangiti din sya sakin habang nakaupo ako sa sahig.
Maya maya at parang naging seryoso ang mukha nya. At nagsalita.

" Liah may gusto nga pala kong sabihin sayo..

Napatulala ako sa kanya. At biglang kinabahan..

" Yung tungkol noon hindi ko nasabi sayo..

" Zico!..

Napalingon kami parehas ni Philip. Pumasok si Jayson sa kwarto.

" Nandito ka lang pala.

Nagkatinginan kami ni Philip. At tumingin nalang ako kay Jayson.

" Pumasok pala sya dito.

" Narinig kong may kumukuskos sa pinto. Pag bukas ko bigla syang pumasok. Naamoy nya yatang kumakain ako ng cookies.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now