CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 11

6 2 2
                                    

Umaga nagising ako. Ang ganda ng sikat ng araw. Napatingin ako sa terrace. Naririnig ko ang huni ng mga ibon na nakadapo sa doon. Napangiti ako. Pag tingin ko sa kaliwa ko. May nakalagay doon na box ng cookies. Napangiti ako. Naisip ko si Val.

Lumipas ang oras dumating si Pat. Sinamahan sya ni Carlo doon sa kwarto ko. Pero iniwan din kami para makapag usap.

Pat: Ano bang nangyari sayo bat nagkasakit ka?
Liah: Nabasa ako ng ulan. Kanda malas ako ng araw na yun. Nasira pa ang takong ng sapatos ko. Talagang hinukluban ako ng langit at lupa.
Pat: Anong nangyari sa story mo?
Liah: Nagsimula yun doon. May bumangga lang naman sakin na lalaki at nahulog parehas yung ginawa kong story sa tubig. Kung kelan malapit nako sa office. Pag dating ko pa doon. Imbis na maawa sakin ang Boss ko pinagalitan pako. At di pa tinanggap ng publishing ang story ko. Ang perfect diba. Whole complete package ng kamalasan.
Pat: Ikaw na Liah. Ikaw na ang reyna ng kamalasan that day.
Liah: Kaya nga.. tanggap ko na.
Pat: Oo nga pala eto para sayo fruits.
Liah: Salamat..

Nilapag ni Pat ang dala nya sa desk ko. Nakita nya doon ang box ng cookies.

Pat: Wow sinong nag bigay?
Liah: Ah si Val..
Pat: Uy Val..
Liah: Tumigil ka dyan.

Naupo si Pat sa tabi ko.

Pat: Dyan nag sisimula yan.
Liah: Ewan ko sayo.
Pat: Nga pala sino nag alaga sayo nung may sakit ka?
Liah: Si Nanay Emma at Val.
Pat: Uy si Val talaga napaka sweet. Sya talaga yung ano noh. Perfect maging boyfriend.
Liah: Ano perfect boyfriend?
Pat: Eh kase lahat kaya nyang gawin. Waffu Marunong mag alaga. Mabait. Marunong makisama. Kahit sinong babae ma fafall sa kanya. Ikaw ba hindi kaba na fafall dyan?!
Liah: Tumigil ka nga dyan. Mamaya may makarinig sayo.
Pat: Eh ano naman ngayon. Malay mo si Val ang perfect guy for you.
Liah: Stop na.
Pat: Ah basta. Kapag nagtapat sayo. Wag kana mag dalawang isip dyan. Grab mo agad sya.
Liah: Anong grab ko sya.. ?!
Pat: I mean i grab mo na yun opportunity magka jowa ka.
Liah: Tumigil ka nga dyan. Puro pag ibig ang nasa isip mo. Hindi yun ganon gaya ng iniisip mo.
Pat: Bakit na experience mo na?
Liah: Wala kalimutan mo na ang sinabi ko. Change topic na tayo.
Pat: Sige si Philip naman ang pag usapan natin.
Liah: Ano?!..
Pat: Akala mo ba bulag ako. Doon sa laro natin ang dami kong napansin. Panay ang tingin sayo ni Philip. Pati na ang pag protect sayo doon ni Val. Haba ng buhok mo!
Liah: Ano?!.. tumahimik ka nga. Iba nasa isip mo.
Pat: Wag ako Liah. Matagal na din tayo magkaibigan. Ngayon ko lang nakita ang mga to sayo. May inililihim kaba sakin?
Liah: Ano bang mga sinasabi mo.
Pat: Liah magaling ka gumawa ng Love story ng iba. Pero sarili mong Love story wala ka. Gawin mo namang masaya ang buhay mo noh!.
Liah: Ano bang mga pinag sasabi mo dyan. Nagpunta kaba dito para pangaralan ako tungkol sa Lovelife. Unahin mo ang sarili mo. Hindi yung ako ang pinuproblema mo.
Pat: Alam mo boring ka talaga kausap. Halatang ayaw mo lang pag usapan. Sige ikaw bahala. Basta kapag need mo ng Love Advince nandito lang ako.
Liah: Ano ka Love Guru?
Pat: Pwede din!

Natawa nalang ako doon at natawa din si Pat.
Nang makaalis si Pat. Wala akong magawa doon. Bumangon ako at naupo. Kinuha ko ang box ng cookies at kumain ako doon. Napangiti ako habang kumakain.

Lumipas ang oras gabi na. Pumasok si Val sa kwarto ko.

Val: Kamusta kana?
Liah: Ok ok nako.. Bukas lalabas nako dito sa kwarto.
Val: Mabuti kung ganon.
Liah: Ah Val salamat sa cookies.
Val: Huh?
Liah: Ang sarap ng cookies.
Val: Liah hindi galing sakin ang cookies.
Liah: Huh hindi sayo galing?
Val: Oo hindi sakin.

Biglang naalala ni Val nung umaga. Palabas sya ng kwarto ng makita nya si Jonas lumabas galing sa kwarto ni Liah.

Val: Kay Jonas siguro galing ang cookies. Nakita ko sya kanina umaga. Lumabas galing dito sa kwarto mo.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now