Prologue

91.7K 1.7K 298
                                    

P R O L O G U E

"You're pregnant," anang Doctor sa akin.

Hindi na ako nabigla sa sinabi niya. Ngunit hindi parin ako makapaniwala.

Lalaki ako. Sa paanong paraan ako nabuntis?

"P-Paano ako nabuntis, Doc?" Tanong ko.

"Limitado ang mga uring kagaya mo. Isa kang hermaphrodite. Na-examine namin na may abnormalities ang chromosomes mo kung kaya't may kakayahan ang tulad niyong magdalang tao."

"So, I'm pregnant."

Ngumiti ang Doctor, "Yes. You're two months pregnant. Congratulations."

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa mga nalaman ko. Hindi ako handa at hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ang ganito.

Bago pa ako makaalis ay pinayuhan agad ako ng Doctor. Maselan ang pagbubuntis ng mga kagaya kong Hermaphrodite. Kaya dapat ay maging maingat ako at maging aware sa pagbubuntis ng mga tulad namin.

Matapos ako komunsulta ay dumiretso agad ako sa iskul. Habang nakasakay ay andami kong iniisip. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Hindi pa ako handang maging ama. O, tamang sabihin na maging ina.

Hindi kona alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako sa hindi ko malaman kung anong dapat na gawin.

Pagkarating ko sa iskul ay agad akong bumaba at binigay ang pamasahe ko sa taxi driver. Ngayong nasa iskul na ako, sinasakop parin ang sistema ko ang labis na pag-iisip.

"Kenjie," boses iyon ng pinsan kong si Denzell.

Lumingon ako sa kaniya.

"Kamusta? Anong sabi ng Doctor sa iyo?" Agad niyang tanong sa akin.

Tinitigan kolang siya. Nagda-dalawang isip ako kung sasabihin koba sa kaniya ang totoo o hindi.

"Hoy, Kenjie! Natulala kana naman sa kagandahan ko! Ano nga? Na-food poison kaba dahil sa sunod sunod mong pagsuka?"

Hindi parin ako sumagot.

"Luh! Baka naman totoo 'yong biro kong buntis ka?" Natatawang aniya.

Gusto ko siyang sabunutan dahil nagka-totoo ang biro niyang iyon. Sana biro ngalang iyon. Sana hindi nalang totoo.

"Oy loka, napipi kana! Ano ba talagang nangyari, ha?"

Biglang bumugso ang damdamin ko at napaiyak nalang ako.

"Buntis ako, Denzell. Buntis ako," sambit ko sa kabila ng pag-iyak ko.

"What!?" Para siyang nakakita ng multo sa narinig. "Paano ka naman mabubuntis, e, wala ka namang matres, aber?"

"Hindi korin alam, Denzell. Hindi korin alam. Sinabi sa akin nang Doctor na kasali ako sa mga uring Hermaphrodite na may kakayahang magdalang tao."

Nang mahimigan ni Denzell na totoo lahat ng sinasabi ko ay agad siyang nag-seryoso. Hindi ko naman hilig ang magbiro lalo na sa usaping hindi naman nakakabiro. Kilala ako ni Denzell. Seryoso akong tao at hindi ko kailanman inisip ang magbiro lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Sinong ama?" Tanong niya na ikinabigla ko.

Kinabahan ako. Hindi ko alam kung sasabihin koba sa kaniya kung sinong ama ng dinadala ko.

"Kahit hindi mo sabihin, kilala kona siya. Si Zedric, diba?"

Dahan dahan akong tumango.

"Paano na 'yan? Paano mo ngayon sasabihin sa kaniya na buntis ka? Alam kong hindi 'yon maniniwala."

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon