KENJIE POV
"DADA, magkamukha poba kami ni Daddy?" Tanong ni Zyliel habang binibihisan ko siya sa uniporme niya.
Natigilan ako at tinignan ko sa mata ang anak ko. Kahapon lang namin pinag-usapan ni Denzell ang tungkol sa big balls na 'yon pero heto't bumabalik na naman ang takot ko dahil mismong anak kona ang nagtatanong sa magaling niyang ama.
"Dada, do I look like Daddy?" Muli nitong tanong. "I have a dream last night. He told me that he's my father and I'm his son. He is using a mask po. But his eyes Dada, we looked the same like what you've said on me before. Tama kapo Dada, buhay po ang Daddy ko." Bumakas ang masaya niyang mukha.
Masakit man para sakin pero kahit sa ganitong pagkakataon ay may maamin manlang ako kay Zyliel.
Hinaplos ko siya sa mukha at pilit ang ngiting iginawad ko sa kaniya.
"Oo, Baby. You look alike your Daddy."
"Talaga po?" Nagugulat na sambit niya pero makikita mo talaga sa reaksyon niya na masaya siya.
Na hindi korin alam kung dapat ba akong maging masaya.
Pilit akong tumango at pilit din akong ngumiti.
"Can I meet him, Dada? I am so excited to see my Daddy, Dada!"
Sa sandaling iyon hindi kona alam kung anong sasabihin ko. Masyado akong nagugulat sa mga sinasabi ni Zyliel sakin.
"H—Hindi pa alam ni Dada kung kelan, e."
Hindi pa ako handa, Kenjie. Hindi pa handa si Dada sa mga puwedeng mangyari.
"Why po?" Nawala ang sigla sa mukha ni Zyliel at napalitan iyon ng lungkot. "Is Daddy busy? Hindi niya poba tayo nami-miss?" Ngumuso niya, "Does he know us, Dada?"
Gusto kong mapaiyak sa mga tanong ni Zyliel sa akin. Nangangapa ako ng isasagot dahil pakiramdam ko hindi ko kayaning sagutin ang lahat ng iyon lalo na ang makitang nalulungkot ang anak ko.
Ano bang sasabihin ko? Dapat kona bang sabihin kay Zyliel ang totoo?
Kung sasabihin koman sa kaniya, anong mararamdaman niya? Iyon ang inaalala ko. Ang mararamdaman ni Zyliel kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo.
That his father toyed with me. Baka isipin niya na sa kabila ng panlolokong nagawa ng ama niya sakin maisip niya na isa siyang pagkakamali.
Ngumiti ako at dalawang kamay kona ang humaplos sa mukha ni Zyliel.
"Darating din ang araw na makikilala mo ang Daddy mo, Zyliel."
At dalangin ni Dada na maging maayos parin ang lahat kapag nalaman mo ang totoo, anak.
"Gustong gusto kona po siyang makita at makilala, Dada. Gabi-gabi kopo hinihiling na sana makilala ko at makita kona ang Daddy ko. Ipagmamalaki kopo siya sa mga kaklase kong sinasabing ampon lang ako kasi wala akong Daddy."
Ipagmamalaki moba kapag nalaman mo na ang iyong ama ay malaki ang balls, Zyliel?
Ngumiti ako, "Don't worry, Baby. You can meet him. Not now, but soon."
Niyakap ko siya. He hugged me back.
Alam kong nananabik na ang anak kong makita ang kaniyang ama lalo na't sa edad niya ay kailangan niya ng amang mag-aaruga sa kaniya.
"Let's go, Baby." Yaya ko matapos ang yakapan namin.
Tumango naman siya pero kita ko parin ang lungkot sa kaniyang mata.
Hindi ko mapigilan ang masaktan sa tuwing nakikita ko siyang ganiyan.
Kung maaari lang sana ay mas gugustuhin kona lang na makaramdaman ng sakit at lungkot na iyon, 'wag lang maramdaman ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOK
RomancePlayboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbunga ang pinagsaluhan nilang dalawa. Nabuntis siya ni Zedric. Balak sana niyang ipa...