Chapter 13 | Don't Mess With Me

24.3K 1K 120
                                    

[KENJIE POV]

KASALUKUYAN akong naghuhugas ng mga pinggan nang pumasok si Mara sa loob.

"Kuya Kenjie, si Zyliel po, umiiyak." Bungad niya.

"Bakit? Anong nangyari?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Ewan kopo. Naglalaro lang naman po siya kanina nang biglang marinig ko ang iyak niya."

Agad ko namang binitawan ang hugasin at daling hinatak ang pintuan palabas ng kitchen.

"Nasaan siya, Dana?" Tanong ko, kahit papaano ay nag-aalala ako. Hindi ko kasi kaya na nakikitang umiiyak ang anak ko.

"Iyon po siya." Sinundan ko naman ang hintuturo niya.

Natanaw ko si Zyliel na umiiyak habang may pumupunas sa kaniyang mukha nang sinumang hindi ko kilala.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng anak ko nang makita kong wala parin siyang tigil sa paghikbi.

"Zyliel," anas ko nang makalapit ako. Lumuhod ako at mabilis na niyakap ang anak ko.

"Zyliel, baby." Hinaplos ko ang kaniyang mukha na may bakas paring luha. "Are you okay? I'm sorry. I'm really sorry. Busy kanina si Dada, e. Sorry." Ani ko at hindi mapigilang mag-alala ng makita ang namamasa niyang hitsura.

"K—Kenjie."

Napahinto ako ng marinig ko ang boses na iyon. Nagsimulang dumagundong ang puso ko sa kaba.

Kahit hindi koman siya lingunin ay kilalang kilala ko kung kanino nagmamay-ari ang boses na iyon.

Binuhat ko si Zyliel saka ako tumayo. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya. Umaasa parin akong hindi siya ang iniisip ko ngunit nakita ko ang mukha niyang gulat din na nakatitig sa akin.

Siya si Zedric Zyair. Ang ama ng anak kong si Kendric Zyliel.

Kahit man suot nito ay hoodie at eyeglass, alam kong si Ze- ang nasa harapan ko.

Napansin ko ang dahan-dahan niyang paglunok.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"Z—Zyair," tawag ko sa pangalan niya. Trying to act normal and I succeeded.

Hindi dapat ako kinakabahan ng ganito. Hindi dapat ako magpapa-apekto sa presensya niya.

"Is he your son?" Tanong niya na lalong naghatid sakin ng ibayong kaba.

"O—Oo," sagot ko.

At ikaw ang ama, Ze-.

"H—How come?" Tanong niya, kapansin pansin ang pangangatal ng boses niya.

Dahil sa larong inumpisahan mo kaya may nabuo, g*go!

Napansin ko ang pagtungo niya ng sulyap kay Zyliel kaya agad akong na-alarma kung kaya't itinago ko si Zyliel sa parang hindi niya makikita ang mukha nito.

"Personal na bagay na 'yon, Zyair." Seryosong ani ko at ramdam ko ang pagtindi ng emosyong dala ko.

Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Hindi siya nakapag-salita.

Mula sa pagkayakap ni Zyliel sa akin, hinarap niya ang lalaking kausap ko, ang dakila niyang ama na malaki ang balls.

"Sino siya, Dada?" Tanong nito nang ibaling naman ang tingin sa akin.

Napamaang ako. Ano bang dapat na sabihin ko?

Ngumiti ako para hindi mahalatang kinakabahan ako, "Customer natin siya, Baby." Sagot kong hindi lumilingon kay Ze-.

Muling tumingin si Zyliel kay Ze- at maamo itong ngumiti.

"Hello po," kaway ng anak ko sa kaniya. "Ako nga po pala si Kendric Zyliel. Four yirsh owld. Batang may laban."

Matatawa na sana ako pero hindi akma sa ganitong scenario.

Ngumiti rin pabalik si Ze-, ngiting halos magkatulad sila ni Zyliel.

"Hi. My name is Zedric Zyair. Nice meeting you again, Kendric Zyliel."

Ako naman ang napakunot ang noo. Nice meeting you again? Don't tell me, nagkita na sila.

Sh*t!

"Kaano-ano po kayo ni Dada?" Muling tanong ni Zyliel. Hindi ko inaasahan.

Napangisi si Ze-. Alam kong nakaisip 'to ng kalokohan. At mukhang hindi nga ako nagkakamali.

"I'm your Dada's first timer in bed."

Napamaang ako sa sinabi niya. Pinandilatan ko siya ng sobrang sama.

Buw*sit na malaking balls na'to! Wala siyang karapatang ipangalandakan na first time ko siya lalo na sa anak ko!

"Dada. What is he saying? Is he your first timer? What's that, Dada?" Curious na tanong ni Zyliel.

Nanlumo ako. Nangangapa ng maisasagot.

"N—No, Baby."

Fishtea! Nabulol pa ako!

Tinignan ko muna ng masama si Ze- na magpa-hanggang ngayon ay nakangisi parin.

Anong nginingisi-ngisi niya r'yan?! Kung hilahin ko kaya 'yang labi niya?! Kainis!

I tried to calm myself down. "Don't listen to him. He's just a stranger, Baby."

"But he knew you, Dada."

Anak ng—!

Tumunog ang ngisi ng loko!

"He knew me but it doesn't mean that I know him. Baka stalker siya ni Dada, Baby."

I flashed a smile when I saw Ze- forehead furrowed.

Don't you dare play with me again, Mister Playboy.

Baka ibang Kenjie na 'tong kaharap mo ngayon.

"Excuse us . . . Sir."

Muli akong ngumiti bago siya nilagpasan.

Kahit ramdam kong nasa akin parin ang paningin niya, hindi ako nagpadala sa emosyon ko.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon