KENJIE POV
Sino?
Napakunot noo ako kung sino 'yong naghahanap sa'kin. Bukod kasi kay Denzell ay wala nang sinuman ang nakakaalam sa pagbabalik ko.
At bakit pa dito sa restaurant ni Denzell? Paano nito nalaman na nandito ako?
Para masagot ang mga tanong ko. Tumango ako kay Dana.
"Sige, Dana. Susunod ako, tapusin kolang 'to."
"No. You have to go there, Kenjie. Lemme prepare that." Ani Kaizer na hindi talaga matanggal ang ngiti sa labi.
"Salamat, Kaizer." Ngiti ring saad ko.
"My pleasure."
Tinanggal ko ang apron na nakasuot sa akin bago ako lumabas.
"Nasaan?" Tanong ko kay Dana.
"Ayun po siya, nasa tabi nina Mara at Kenjie."
Sinundan ko kung saan nakaturo ang kaniyang kamay. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakatalikod ito sa akin. Nakasuot parin sa ulo ang hoody nito.
"Salamat."
Agad kong tinahak ang daan papunta ro'n. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
Natanaw ako ni Zyliel, "Dada. Are you done cooking po?"
Nang tuluyang makalapit ay hinawakan ko ang mukha niya, "Oo. Tapos na si Dada magluto nang paborito mong manok."
"Really, Dada. I wanna eat na. I'm so hungry," ngumungusong sambit niya.
"Hi, Kenjie." Anang pamilyar na tinig.
Nanlaki ang mata ko at nag-init ang mukha ko. Kabado ang pakiramdam ko.
Sinulyapan ko siya. Doon niya lang tinanggal ang hoody nito at ang sunglass niya.
Tila nanlambot ang mga tuhod ko matapos ko siyang makita.
"A—Ate Zini," nangangatal kong tawag.
Ate Zini is Ze- sister.
"It's been so long time, Kenjie. I miss you so much," tumayo ito at saka ako niyakap.
Natulala lang ako sa nangyari. Dinig na dinig ko ang malakas na tambol ng dibdib ko.
Kumalas siya sa akin. Nakangiti parin. "Where have you been? Bakit ngayon lang uli kita nakita?"
Lumingon siya kay Zyliel at muli akong tinignan. "Are you the father of this cute and handsome child?" Tanong nito na lalong nagpa-kaba sa akin.
Hindi na naman ako nakasagot agad.
"Or, maybe, you're the mother?"
Huminga ako ng malalim at sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi dapat ako magpaka-halata kay Ate Zini at baka mabuko niya ako.
"A—Ate Zini, paano mo nalamang nandito ako?" Pag-iwas ko sa mga tanong niya.
I heard her sighed, "Madalas ako dito kumakain. And I saw this very cute child." Doon na siya ngumiti. Kakaiba ang ngiti niya.
"Nagkataon na dito sila umupo sa palagi kong p'westo. Aalis na sana sila but I refused. I asked him who is his parent? And he told your whole name." Dagdag niya.
Napalunok ako.
"Why? Aren't you that excited to see me?" Lumungkot ang mukha nito saka ngumuso. "Was it because of my young brother? Hindi naman ako siya, e."
Bumuntong hininga ako, "H—Hindi naman sa ganun, Ate Zini."
"Bakit parang hindi ka manlang naging masaya na makita ako?" Pinalungkot niya talaga ang boses niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOK
RomancePlayboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbunga ang pinagsaluhan nilang dalawa. Nabuntis siya ni Zedric. Balak sana niyang ipa...