KENJIE POVMABILIS kong tinahak ang pintuan palabas ng Z-Treasures. Narinig kopa ang pagtawag ni Archer sakin ngunit hindi kona siya pinansin. Agad naman akong nag-abang ng taxi sa labas.
Nasa condo si Ze-! At 'yong narinig ko mula kay Denzell, natakot ako.
Alam kong darating 'yong pagkakataon na malalaman niya rin ang totoo? Pero bakit ngayon pa? Bakit kung kelan pinag-iisipan kopa ang dapat kong gawin?
Muling bumalik sa isipan ko 'yong huling sinabi niya.
"Once I find out that you lied, you have nothing to else to hide for, Kenjie. Kapag nalaman kong anak ko si Kendric, kukunin ko siya. Mark my words."
"Kenjie," napalingon ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Archer sa harapan. "Get in," yaya niya sakin.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Kailangan kong makauwi agad.
"Mind if I asked you of what happened?" Tanong ni Archer nang makasakay ako at nagsimulang paandarin ang sasakyan niya.
"I can't tell you right now, Archer. Pakibilisan mo naman, please, oh." Halos makiusap na ako sa kaniya.
"Address?"
Agad ko naman sinabi sa kaniya ang address at ang condo. Ilang sandali ay nakarating narin kami.
"Salamat," saad ko at nagmadali akong bumaba. Halos tumakbo na ako makarating lang agad ako sa loob ng condo.
Tinahak ko ang elevator. Halos murahin kona 'yon dahil sa tagal niyang bumukas. Tinatawagan ko si Denzell ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Lalo lang akong kinabahan.
No! God please, not now! Not at this moment!
Hindi pa ako handa!
Bumukas ang elevator. Pumasok ako at pinindot ang numero kung saan ang suite ni Denzell. Halos manginig ang kamay ko sa pagmamadali.
Muling bumukas ang elevator kung kaya't mabilis din akong lumabas. Tumakbo muli ako patahak sa condo.
Ngunit napatigil ako sa nakita ko.
Parang hindi ko kayanin. Nanlambot ang tuhod ko at parang ganun kahirap na ihakbang ang paa ko.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Mula sa labas ng condo namin, hindi kalayuan sa lugar ko, nakita ko Ze- na nakaluhod.
Habang nasa harapan nito si Zyliel. Hawak nito ang kaniyang mukha.
"We really have the same eyes po. Are you my father?"
Bumagsak ang balikat ko at nangilid ng luha ang mata ko nang marinig ko ang isinagot ni Ze-.
"Y—Yes, Baby." Dahan dahan nitong inangat ang kamay para hawakan sa mukha si Zyliel. Nanginig pa iyon ng dumapo ang kaniyang palad sa magkabilang pisngi ng anak ko.
"I—I'm really your f—father," nangatal ang boses niya ng sabihin iyon.
Ilang segundong hindi ako naka-galaw sa puwesto ko. Para akong naparalisa.
He knew!
Marahas akong napa-pikit at dumaloy ang luha sa aking pisngi.
"Talaga po? Ikaw ang Daddy ko?"
"Y—Yeah. I—I'm your Daddy. I—I really am your Daddy, Baby Kendric."
Agad na niyakap ni Zyliel si Zedric. Naawa ako nang makita ko siyang umiyak.
BINABASA MO ANG
Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOK
RomancePlayboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbunga ang pinagsaluhan nilang dalawa. Nabuntis siya ni Zedric. Balak sana niyang ipa...