Chapter 6 | Leap of Blood

27.2K 1K 206
                                    

ZEDRIC POV

HINDI kona sana papansinin ang bata ngunit napahinto si Narda, sa hindi ko tiyak na pangalan niya, at napalingon sa likuran namin.

"Halla! Siya 'yong cute na batang nakita ko kanina, Baby." Sabi nito sakin.

Who cares!

Mas kyut naman ako kung tutuusin.

"UWAAAAH ! ! DADA KO ! ! " Anang batang umiiyak parin.

"Baby, lapitan natin. Wala pang lumalapit sa bata. Kawawa naman."

Tatanggi palang sana ako ng bigla nalang siyang bumitaw sa braso ko't agad na lumapit do'n sa bata.

"Hey, are you okay?" Dinig kong tanong niya sa bata.

Bored akong tumalikod para lingunin ang istorbo na batang iyon.

Pagkatalikod ko saktong nag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko naman kung sino 'yong tumawag. Tamad akong suminghal ng mabasa kung kaninong pangalan ang naka-rehistro.

Ang armalite kong ina.

"What, Mom?" Bored kong tanong.

As expected, bu-bungangahan na naman ako nito.

"What mo mukha mo? Nasaan ang magaling kong anak? Tumawag ako sa kompanya at wala ka raw doon!"

"It's sunday, Mom. Wala naba akong right para mag-off."

"Tanong ko sagutin mo?Nasaan ka?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, "Sa mall."

"Mall? And what the h*ck are you doing in the mall?" Hindi koman nakikita ang mukha ng aking ina, malamang sa malamang ay haplos nito ang sentido sa sobrang konsomisyon.

"Shopping, Mommy. Kaya nga mall, eh."

"At kelan pa natuto mag-shopping ang mga lalaki, aber!? Lalo na sa pangalang Zedric Zyair Scott? Unless, may kasama kana namang babae."

Hindi ako nakasagot.

"Sinasabi kona nga ba, eh! Graduating kana't hindi parin mawala 'yang pagiging playboy mo!"

"Mom, hayaan niyo muna akong gawin ang mga gusto ko, okay?" Naaasar kong sabi.

Bakit hindi manlang kasi ako suportahan nalang. Si Daddy nga, full support sakin. Kanino ba naman kasi ako magmamana, diba?

Like father, like son.

"Umuwi ka ngayon din, Zedric!"

"She's here, Mom. I have to hang-up now." Ani ko sa hindi pagtuon ng pansin sa sinabi niya.

Sakto naman kasing palapit na sakin si Neri. Neri ngaba? Hindi ko matandaan, e. And I don't really care!

"Baby, nawawala 'yong bata. Kawawa naman. Keep natin siya. Ang kyut kasi." Sambit ng babae na hindi manlang kinilabutan. "Joke lang, Baby. Hihi."

Saka siya tumingin sa bata, "Halika na."

"Ayaw po." Sabi nung bata.

"Hahanapin namin si Dada mo. Come with us? Sige na." Nakita ko kung paano hatakin ni Neris ang bata habang binabawi naman nung bata ang kaniyang kamay dito.

Nang hindi ako makatiis at baka mapilay pa niya 'yong bata sa paghatak ay agad ko siyang sinuway.

"Narra, 'wag mongang hilahin. Baka maano 'yong kamay niya."

Nangunot ang noo niya sakin. And I know that I named her wrong.

"Baby, Nyca ang pangalan ko hindi Narra. Ginawa mo naman akong puno, e." Ngumuso siya.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon