Chapter 38 | Welcome Home, Again

25.9K 948 167
                                    


KENJIE POV

"WE MET again, Daddy. I missed you po," ani Zyliel sa naiiyak na boses habang nakayakap parin siya sa kaniyang ama.

Habang si Zedric naman ay hindi malaman kung anong dapat niyang i-react. Bakas sa mukha niya ang gulat.

Hindi niya alam? Ibig bang sabihin ay hindi ito informed sa pagpunta namin dito?

Walang nagawa si Zedric kundi ang yakapin pabalik si Zyliel. Nagtataka itong lumingon sa kaniyang magulang.

"It was a surprised, Son." ani Mrs. Scott sa anak.

Aksidente namang napalingon siya sakin. Bigla namang kumabog ng malakas ang dibdib ko at agad na hindi mapalagay.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng mapansing hindi niya inalis ang paningin sakin.

Sa tingin ko ay may kinalaman 'to sa mga nangyari noon. 'Yong pagtatago ko sa kaniya kay Zyliel. 'Yong hindi ko pagsabi sa kaniya ng totoo.

Galit kaya 'tong si Big Balls sakin?

Malamang sa malamang galit siya. Itinago koba naman si Zyliel sa kaniya. Much worst ay nagsinungaling pa ako na hindi niya anak si Zyliel.

Muling napabaling ang tingin ko sa mag-ama ng marinig kong umiyak ang anak ko habang nagsasalita.

"Alam moba, Daddy. Gabi gabi kopo ipinagdarasal kay Papa Jesus na sana ay makita ulit kita at makasama napo kita. Makilala po kita bilang Daddy ko. Matagal kona po kasing hiniling kay Papa Jesus na sana po ay makita at makapiling ka namin ni Dada bilang isang masayang pamilya. Kaya po nung magtapat po kayo sakin na kayo po ang Daddy ko, sobrang saya kopo at nakita kopo kayo. Iniisip korin po kasi na sana kayo 'yong Daddy ko simula nung makita ko na pareho tayo ng mata. Miss na miss na po kita ng sobra, Daddy."

Tears suddenly flow from my eyes. Hindi ko alam na ganito pala kasabik ang anak ko na makilala ang kaniyang ama. Ramdam ko ang labis na pangungulila niya.

Tuloy ay na-guilty ako.

Pakiramdam ko naging selfish ako masyado.

Nagpadala ako sa galit at emosyon ko. Nadamay ko si Zyliel sa mga hinanakit ko sa Daddy niya.

Kung ganun kolang kabilis kalimutan 'yon ay willing ako. Pero hindi na ata 'yon mabubura sa puso ko. Kahit anong gawin ko, nandirito parin 'yon.

That day was the most heartbreaking part of my life. It always stabbed me deeply when I remembered of what happened.

Paano nalang kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa sikretong iyon? Makakaya ko kaya.

Ang aminin ngalang ang totoo ay nahihirapan na ako. Siguro, mananatili munang sikreto ang bagay na iyon.

"Hush, Baby. Miss karin ni Daddy. Sobra pa sa sobra." Hinawakan ni Zedric ang magkabilang pisngi ni Zyliel at saka pinalis ang luha nito. "Daddy is so happy to see you, again, B-Baby."

Hindi ko inaasahan na magiging emosyonal si Zedric sa sandaling iyon. Nangingilid ang kaniyang luha habang nakatingin sa anak ko.

"Nung nalaman ko ang totoo, higit pa sa kasiyahan ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na may pahiwatig pala kung bakit magaan ang pakiramdam ko sayo sa tuwing nagkikita tayo. Its because you're my child. I'm sorry, Baby Zyliel. Sorry for everything. Kung hindi koman nagampanan ang pagiging ama sayo. But I promise you I won't leave you this time. Daddy will stay besides you. Hindi kana iiwan ni Daddy, Baby. Hinding hindi na."

Napansin korin ang pagpunas ng luha ni Mrs. Scott, habang nakikita ko naman si Mr. Scott na sobrang nasisiyahan sa dalawa. Ganun din si Ate Zini na nginitian pa ako ng tumingin siya sa gawi ko. Wala akong nagawa kundi ang ngitian siya pabalik.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon