Chapter 5 | Unexpected Encounter

28.2K 1K 40
                                    

KENJIE POV

MATAPOS ang palabas, siksikan ang mga tao sa paglabas. Binuhat ko naman si Zyliel para maiwasan nitong madanggi nang mga nagmamadali.

Nang makalabas kami, doon kona ibinaba ang anak ko saka siya hinawakan sa kamay.

"Gutom naba ang inaanak kong pogi?" Tanong ni Denzell habang naglalakad kami.

"Yes po, Ninang Pretty. My alaga is so gutom na sila." Ngumungusong sagot ni Zyliel.

"Okay, let's eat first bago tayo umuwi."

Dumiretso naman kami ngayon sa Jollibee. Tuwang tuwa ang anak kong makita si Jollibee ulit. Niyakap pa niya ang naka-display na rebulto nito sa may gilid ng pintuan.

"I miss you, Jollibee." Nagagalak na saad niya.

Matagal na kasi nung huli kaming kumain sa Jollibee, e. Kaya ganiyan nalang siya katuwang makita si Jollibee ulit.

"CR lang muna ako, mahaba pa naman ang pila." Paalam ni Denzell nang makapasok kami.

Nagtataka ko siyang tinignan nang lumabas pa siya samantalang may CR naman dito. Inilingan kona lang.

Habang hinihintay makausad ang pila, bigla akong kinalabit ni Zyliel.

"What, Baby?"

"Dada, I wanna be like Spiderman." Ngiting sabi niya sa akin.

"Why naman, Baby?" Ngiting tanong ko.

"Because I wanna be like him, saving people from danger. I will save people most specially you, Dada. I wanna be and will be your saviour, forever."

"Oh, really, Baby?" Nagagalak kong tanong.

"Opo. Something like this," ginaya niya ang moves ni Spiderman, 'yong mga moves na inilalabas niya ang sapot sa kamay niya at kunwaring tinatalon niya ang building.

Natatawa at natutuwa akong pagmasdan siya. Maging ang ibang mga taong napapatingin sa kaniya ay hindi mapagsadhan ang tuwa sa mga mukha nila.

Lalo akong napangiti sa sayang idinulot ni Zyliel mula nung dumating siya sa buhay ko.

I'm so lucky to have him. I'm so lucky to have a cutest baby in my life. He's really my happiness. My everything.

UMUSAD ANG pila. Agad ko namang sinabi ang order ko. Ilang sandali pa ay dumating narin. Nagpa-assist nalang ako dahil hindi ko naman kayang buhatin lahat iyon.

Ganoon nalang ang kaba ko nang mapansin kong wala ni Zyliel sa tabi ko.

"Zyliel," tawag ko sa kaniya pero hindi ko siya makita.

Binalingan ko 'yong babaeng nakapila sa likod ko, "Miss, have you seen my son? 'Yong batang nasa tabi ko. Nakita moba siya?"

"Lumabas ata, eh."

Nanlaki ang mata ko at kumabog ng malakas ang puso ko.

Oh my gosh! This is not happening?

Binigay ko sa server ang dala ko at inutusang ilagay muna iyon sa may bakanteng upuan. Sinubukan ko siyang hagilapin sa buong parte ng fastfood na'to pero hindi ko siya makita.

Lumabas ako. Saktong nakita ko si Denzell na papasok palang.

"Denzell, ang anak ko! Ang anak ko! Nawawala siya! Please help me find him! Please!" Naluluhang pakiusap ko.

Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang anak ko sa laki at lawak ng mall na ito. Natatakot ako. Kung anu-anong negatibo ang pumapasok sa isip ko.

"Oh my gosh! How did that happened? Magkasama lang kayo, ah!" Aniyang hindi makapaniwala.

"Magkasama nga kami pero hindi ko alam na wala na siya sa tabi ko. Umorder kasi ako, e. Paglingon ko, wala na siya." Hindi kona mapigilan ang maluha, "Please, tulungan mo ako. Hindi ko kaya na may mangyaring masama sa anak ko."

"Calm down, Kenjie. Mahahanap natin siya."

"Paano ako kakalma! Sige nga! Nawawala 'yong anak ko!"

Wala na akong pakealam kung pinagtitinginan kami ng mga tao o magmukha akong tanga sa mga mata nila.

I need to find my son.

"Okay fine, ganito nalang. Maghiwalay tayo. Hanapin mo si Kendric at ako, pupunta akong Costumer Service para ipaalam na nawawala ang inaanak ko. Okay?"

Agad akong tumango. Mabilis akong gumalaw at hinanap si Zyliel. Kung kailangan na libutin ko lahat ng kasuluk-sulukan ng mall na ito ay gagawin ko mahanap kolang ang anak ko.

Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hinding hindi. Paano nalang kung nakalabas siya at kung sinu-sino nalang ang kumuha sa kaniya.

Oh, God. Not with my son. Please! Nakikiusap ako!

Lumalamlam ang mata ko nang hindi kopa rin mahagilap si Zyliel. Natatakot na ako para sa kaniya.

Please, magpakita kana anak. Dada is really worried now.

[ZEDRIC POV]

"SHALL WE GO HOME NOW?" Kalmado kong sabi kahit na naiirita na ako sa pinagagawa niya.

Dumaan lang naman kami sa isang clothing store at bumili ng mga bagong dress niya. Inip na inip na akong makasama ang babaeng 'to.

Sana ay hindi nalang ako sumama. Marami pa namang chicks ang naghahabol sa akin at pinatos kona lang sana ang isa sa kanila.

G*gong Ryker kasi iyon. Ang sabi sakin sexy at chicks na chicks ang dating. Walang problema do'n. Ayoko lang 'yong ugali, ang boring.

"Atat na atat kana talagang i-uwi ako, noh. Ipapakilala mona ba ako sa parent mo? Hihi. Kinikilig ako."

Kinikilabutan din ako. Gusto kong sabihin sa kaniya.

Nang hindi ako makatiis, hinawakan ko siya sa beywang saka bumulong.

"Atat na kasi akong matikman 'yang katawan mo."

Agad naman siyang pumula. Halatang kinikilig pa ang hitsura.

"Ano ba?" Sinampal niya ako sa dibdib, "Okay fine, uuwi na tayo, Baby. I can't wait narin, eh. Halatang hindi kana makahintay. Don't worry, Baby. Babawi ako sayo at magugustuhan mo ang performance ko."

Napangisi ako ng marinig ko ang malanding boses niya. Talagang malalagot 'to sakin mamaya.

"We will see," anas ko sabay akay sa beywang niya paalabas ng store.

Yumakap siya sa braso ko. Nalagpasan namin ang mga fastfood restaurant.

Marami-raming tao ngayon. Linggo kasi, eh. Dami kasing nag-o-off kapag ganitong araw.

Habang naglalakad kami, mula sa likuran ay nakarinig kami ng pagkalabog. Something like na nadapang tao.

"UWAAAAH ! ! " Dinig kong iyak nung bata.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon