KENJIE POV
MALAKI ANG NGISI ni Denzell ng lingunin ko siya mula sa salamin. Nakakaloko ang datingan ng ngisi niya para sa akin. Nang-aasar.
Kanina pa 'yan. Pangatlong billboard na kasi ni Ze- ang dumaan at aksidente kopang nasilayan. This is really unexpected. Hindi ko alam na pati sa larangan ng pagmo-modelo ay pinatos ng big balls na 'yon.
Ang malas naman ng pagbalik ko rito. Mukha niya agad ang bumungad.
Ugh!
"What?" Hindi ko maiwasang maitanong ng pabarang kay Denzell.
"You saw it, right?" Balik tanong niya na ang tinutukoy ay 'yong mga billboard ni Ze-
"Ano naman ngayon sayo?" Tinarayan kona siya.
Lalong lumapad ang pagkangisi ni Denzell, "Alam mo namang dati na siyang sikat noon pa. Mas sikat na siya ngayon dahil halos buong Pilipinas ay kilala na ang pangalan niya even in outside of the country."
Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Isa rin ako sa mamamayan ng Pilipinas ngunit hindi naman ata ako updated diyan sa sinasabi mong kilala ang big balls na iyon!"
"Because you have your reasons," hindi papatalong aniya.
Natahimik ako.
Yes. Denzell is right. I have my reasons. I don't really want to hear or even talk any words about him. It's disgusting.
The moment he played me, I promise to myself that I will let go of him and live a happy life with my son. Kahit walang ama ang anak ko, kayang kaya ko siyang alagaan.
Hindi na ako nagsalita pa. Nilingon kona lang si Kendric na mahimbing ang tulog.
Habang unti-unting lumalaki ang anak ko ay nagiging mas kamukha niya ang walanghiyang playboy na iyon.
Tuloy ay hindi ko masabi sa kaniya ang totoo kung sino ang ama niya. Dahil narin sa takot kong hindi siya tanggapin sa oras na malaman ni Ze- at pamilya nito na nagkaanak siya sa akin.
Maraming hindi maniniwala kapag nagtapat ako. Kaya minarapat kona lamang na ilihim sa lahat ang tungkol sa akin na nabuntis ako.
Tanging si Denzell lang ang nakakaalam sa lahat ang tungkol sa pagbubuntis ko. Takot akong mahusgahan kapag nalaman nang lahat.
At ang labis kong ikinatakot ay ang madamay ang anak ko sa mapanghusgang lipunan. Hindi ko iyon hahayaan.
"Gggggrgrg!" Wala sa sariling napangiti ako ng marinig ko ang hilik ni Zyliel.
"He looked exactly like him." Ani Denzell. Nang tignan ko siya ay nakataas na ang kilay niya sa akin. "At mukhang namamana niya rin ang mga nakaugalian ng ama niya."
Isa na rin iyon sa mga labis kong kinakatakutan. Halos lahat ng mga nakaugaliang gawin ni Ze- ay namana na ni Zyliel. Hindi ko naman kailangan baguhin ang anak ko sa nakasanayan niyang gawin.
Ang gusto kolang mangyari ay naway hindi niya mamana ang pagiging playboy ng dakila niyang ama.
Bumuntong hininga ako.
Nagising naman si Zyliel. Kinusot niya ang mata at napansin ko ang pagnguso niya nang haplusin ang tiyan niya.
"Dada, gutom napo mga alaga ko sa tiyan?"
Napangiti ako ng makita ko kung gaano siya ka-kyut habang naka-pouty lips siya.
"Talaga ba, baby?" Agad siyang tumango. "Sige, kakain na muna tayo para mabusog mga alaga mo."
"Sakto, malapit narin tayo sa Chowking." Sabi ni Denzell.
Ayun nanga. Natanaw kona ang Chowking. Natutuwang lumabas si Zyliel sa kotse habang manghang mangha niyang tinignan ang dalawang palapag na restaurant.
"Let's get inside," ngiting ani Denzell.
Hinawakan ko sa kamay si Zyliel at tinahak namin ang pintuan.
Sa pangalawang pagkakataon, muntikan na akong madulas ng makita ko kung kaninong larawan ang tarpaulin na nakadikit sa may glass door.
Anak ng-- ! !
Sa daming puwedeng kuning endorser ng Chowking, itong malaki ang balls pa talaga ang minarapat nilang kunin!
LECHE!
SABAY NA napalingon sa akin sina Denzell at Zyliel.
"Dada, are you okay?" Tanong ng anak ko sa akin.
Kinalma ko ang puso ko at nagpanggap na parang walang nangyari.
"Of course, baby." I smiled, "Dada is okay."
Narinig ko ang mumunting bungisngis ni Denzell. Pinandilatan ko siya.
He mouthed 'I told you' look na tila gustong ipangalandakan sakin kung gaano kasikat ang malaking balls na 'yon. Inirapan kolang siya at nagpatiuna nang pumasok sa loob.
"What do you like to eat, baby?" Tanong ko kay Zyliel habang tumitingin ng maaaring orderin sa harapan.
"Dada, I want that." Niyugyog ni Kendric ang kamay ko.
Nilingon ko siya. Hindi siya nakaturo sa harapan kundi sa may likuran. Nang sundan ko ang kamay niyang nakaturo ay nalaglag ang panga ko.
Ang tinuturo ng anak ko iyong nakatayong larawan ni Big Balls malapit sa pintuan. Nakangiti ng matamis at hawak ang isang platong pagkain. Chicken Lauriant.
WTF!
Narinig kong bumungisngis si Denzell. Tinignan ko siya ng masama at napatigil naman siya.
Yumuko ako at hinaplos ang mukha ng anak ko, "Anak, nasa harapan ang pagpipilian."
"Po? But Dada, wala pobang pagkain na katulad nung hawak niya?" Tanong niya habang nakatingin sa larawan ni Ze-.
"Of course, meron." Pilit akong ngumiti kahit sa loob ko ay kinakabahan na ako.
Ano ba naman 'yan? Bakit ba kasi sa pagkakataon pa ito nagpapakita ang mukhang 'yan! Nakakairita!
Grr!
"Talaga po? Yes!" Masayang sabi ni Zyliel.
Umorder naman ako agad. Inorder korin 'yong gusto ni Zyliel. Iba na ang inorder ko dahil allergy ako sa Lauriant lalo na kung chicken pa siya.
"D-Drinks po, Sir?" Tanong ng cashier sa'kin matapos kong umorder ng pagkain.
Kanina pa siya nauutal sa hindi ko malamang dahilan.
"Baby, what drink do yo—" Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng mawala si Zyliel sa tabi ko, kinabahan agad ako.
Nilingon ko si Denzell at doon lang siya din tumingin sa'kin ng mapansing wala ang anak ko sa tabi namin.
"Zyliel." Tawag ko. Mabilis kong inilibot ang paningin sa loob.
Lalo akong kinabahan nang hindi ko siya makita. Sumulyap ako sa gawi ng pintuan at doon ay nakita ko siya sa tabi nun.
At nalaglag ang panga ko sa eksenang nasaksihan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/286149959-288-k630277.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOK
RomancePlayboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbunga ang pinagsaluhan nilang dalawa. Nabuntis siya ni Zedric. Balak sana niyang ipa...