KENJIE POV
PAGKATAPOS nang tagpong iyon nagpaalam muna ako sa mga ka-trabaho ko. Hindi ko kailangan magtagal doon lalo na't nando'n 'yong malaki ang balls na iyon.
Ayokong makita ang pagmumukha niya. Ayokong makita ang presensya niya.
Naiinis ako dahil hindi niya ako tinantanan. Balak pa nitong ako ang mag-serve ng pagkain nila. Hindi naman ako pumayag kahit na nagpumilit siya. Naka-apat na balik nga sa akin si Mara, ngunit hindi ako pumayag.
Dahil kapag nagawa ko iyon, hindi ako makapagtimpi at maibuhos ko sa kaniya 'yong order niyang adobong manok.
Adobong manok pa talaga! Talagang nananadya siya!
Nakatulog si Zyliel habang nasa biyahe kami kaya buhat ko siya ngayon. Tumakas lang naman ako kanina para 'di naman kami hanapin ni Ze-.
Hindi naman sa assuming ako. Pero magtataka iyon kung bakit ganito ang mukha ng anak ko. Kung bakit hawig silang pareho?
Nang makapasok ako sa condo, agad kong inihiga si Zyliel sa kama namin. Hinubad ko 'yong sapatos niya saka ko siya kinumutan. Hinagkan ko muna siya sa ulo bago ko kinuha ang laptop para i-video call si Denzell.
Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref dahil dehydrated ako matapos kong makita ang playboy na iyon.
Kung bakit pa kasi siya nagpakita? It feels like destiny is playing around with me. Nice try.
I hate you, Destiny.
And I hate you too much, Zedric.
Saktong umiinom na ako ng makita ko si Denzell sa screen ng laptop ko.
"Oh, bakit ka napatawag? Teka? Bakit wala ka ata sa restaurant ngayon?"
"Umalis ako!" Agarang sagot ko at padabog na isinara ang ref.
Nagulat naman si Denzell sa ginawa ko, "Oh, bakit ganyan ang hitsura mo? Parang pokpok na nalugi sa kanto?"
Huminga ako ng malalim, "Nakita ko siya, e." Ang bigat sa pakiramdam habang sinabi ko iyon.
Siguro dahil bumalik sa akin ang lahat ng dinanas ko sa nakaraan.
"The hell who?"
Ngumiwi ako, "'Yong playboy na malaki ang balls."
"Oh, ano naman nga- Sh*t!" Mura niya ng mapagtanto kung sinong hayop ang tinutukoy ko. "Really? You're kidding me."
"Mukha ba akong nagbibiro, Denzell! I saw him! Not just me, even Zyliel saw him! He saw that damn playboy!" Inis na wika ko.
Natutop ni Denzell ang bibig niya sa gulat, "What the h*ll! B-But how? Where did you saw each other?"
"Sa restaurant monga, nakikinig kaba?" Iritadong anas ko.
"May nasabi kabang ganun? Wala naman akong narinig." Tugon niya, "Balik tayo sa malaki ang balls? Paano niya naman kaya nalaman na do'n ka nagwo-work?"
Umirap ako, "Sino panga ba? Kasama niya 'yong walang balls mong asawa!"
Hindi maitatago ang inis ko ngayon. Malamang sa malamang, kapag nalaman ni Ze- ang tungkol sa anak ko na anak niya, alam kong hindi ako no'n tatantanan. Baka nga kunin nito palayo sakin ang anak ko.
Hindi ako papayag! Itatago ko si Zyliel!
I will still going to hide the playboy's baby!
Nanlaki ang mata ni Denzell sa sinabi ko.
"May kinalaman kaba rito, Denzell?" Kunot noong tanong ko.
"Hoy! Anong kinalaman? Wala akong pinagsabihan na kahit sino ang pagbabalik mo, Kenjie. Even my parent didn't know that you were here."
Ramdam ko namang nagsasabi ng totoo si Denzell. At buo ang tiwala namin sa isa't isa.
Hindi lang ako makapaniwala na nangyari ang ganito. Nagkita kami. Para saan pa?
Napaupo ako sa dining chair na tapat ng laptop.
"Ano nang gagawin ko? Ayokong malaman niya ang tungkol kay Zyliel, Denzell." Nababahalang anas ko.
"May ideya naba siya tungkol sa bata?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"What I'm trying to say is, kung tinitigan niya ba si Kendric? E, halos lahat ata ng features ng mukha n'yang anak mo namana ng malaki ang balls na 'yon!"
I shrugged my shoulders, "Hindi ko alam." Ngusong sagot ko.
Buhat ko si Zyliel kanina pero hindi ako sigurado kung napansin ba ni Ze- ang pagkahawig nila ni Zyliel. Kung napagmasdan ba niya si Zyliel ng mabuti. Hindi ako sure.
Ang ipinagtataka kolang kung bakit ganun nalang sinabi ni Ze- na para bang nagkita na sila dati ni Zyliel.
Kelan?
"At narinig ko mula sa kaniya na nagkita na pala sila dati ni Zyliel."
Natahimik si Denzell kaya napalingon ako sa kaniya.
"I'm sorry, Kenjie." Aniya sa mababang tono.
Napakunot-noo ako. Tatanungin kopa sana siya pero naisip ko ang naging dahilan kung bakit siya humihingi ng sorry.
"It happened coincidentally, Kenjie. Nung nawala si Kendric sa mall, nakita ko siya nun . . " Saglit siyang natigilan bago muling nagsalita. "And I saw him with Zedric."
Napapikit ako upon hearing his name. I hated hearing that name.
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Tanong ko.
"Sasabihin ko sana sayo nung mismong araw na'yon pero nagkataon lang na hindi tayo nagkaunawaan noon. Diba? You really hated when you hear his name. Na ayaw mong pag-usapan siya."
Tama naman si Denzell. Ayokong pag-usapan ang kahit na anong tungkol kay Ze-. Maayos na ang buhay ko ngayon. Zyliel is enough to me. He's my life afterall.
"Kenjie, hindi moba na-realize na kahit anong gawin natin, tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkita silang mag-ama."
"'Yon nanga, e. Kaya nga ayokong umuwi dito dahil liliit at liliit ang mundo nila lalo. Ano nalang kapag nalaman niya 'yong totoo na anak niya pala si Zyliel?"
Naramdaman ko ang pamamasa ng luha ang mata ko. Nagsisimula na naman akong makaramdam ng takot.
"Wala tayong magagawa dahil karapatan din niya 'yon. But I know something na maaaring makatulong naman kahit papaano."
Doon ko nilingon ko si Denzell.
"I don't even know if it's really effective. Alam naman niya ang kasarian mo, right?"
Napatango ako. Alam naman ni Ze- simula palang na bakla ako. Hindi ko iyon itinago.
"Isipin mona lang na lalaki kapa rin kahit ganito tayo. Paanong mangyayari na magka-kaanak kayo, eh, pareho kayo nang kasarian. Iisipin nun na wala kang matres."
Napaisip ako sa sinabi ni Denzell. At some point, tama siya. Puwedeng rason 'yon para tigilan ako ni Ze- kung sakali mang maghinala ito.
"Salamat, Denzell."
"I'll always be here, pinsan. Willing to help you anytime." Ngiting aniya.
Natapos doon ang usapan namin dahil nagpaalam na siya. Tumawag kasi 'yong walang balls na asawa niya.
Hanggang ngayon naghahabol parin ang pinsan ko kay Ryker. Matagal na silang kasal at ilang taon na silang nakatira sa iisang bubong pero wala paring nagbabago sa relasyon nilang dalawa.
Still one sided.
Just like me, before.
BINABASA MO ANG
Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOK
RomancePlayboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbunga ang pinagsaluhan nilang dalawa. Nabuntis siya ni Zedric. Balak sana niyang ipa...