Chapter 8 | Kendric's Curiousity

28K 969 58
                                    

KENJIE POV

PAGKAPASOK KO sa condo agad kong tinungo ang kuwarto namin ni Zyliel. Buhat ko siya dahil nakatulog siya sa biyahe.

Nang maihiga ko siya sa kama, namumungay niyang idinilat ang mga mata niya.

"Tulog kalang, Baby." Ngiting sabi ko sabay haplos sa pisngi nito.

"Dada, does my father have the same eyes as mine?" Tanong niya.

Napatulala ako at nanlaki ang mata ko. Hindi ko inaasahan na babanggitin ni Zyliel muli ang tungkol sa kaniyang ama. Matagal na kasi niya akong tinanong noon kaya ang buong akala ko'y limot na niya ito.

Napalingon ako kay Denzell na nakasandal sa pintuan ng kuwarto. Nagtama ang mata namin at kapwa hindi rin malaman kung paano sasagutin si Zyliel.

Kinalabit ako ni Zyliel, "Dada, I wanna know if my father really have the same eyes as mine."

Napapikit ako ng marahan. Huminga ako ng malalim bago ko nagawang sagutin si Zyliel.

"Y—Yes, Baby."

Sumilay ang inosenteng ngiti sa kaniyang labi. Kapansin pansin ang tuwa sa kaniyang mata.

"Talaga po, Dada?"

Inaasahan ko naman na darating parin kami sa ganitong sitwasyon pero mahirap parin pala para saking tanggapin.

Tumango ako at nameke ng ngiti.

"Dada, is he alive?" Muli niyang tanong. "Alam ba niya na anak niya ako, Dada?"

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa kaba. Pinipigilan ko ang sarili kong magsalita. Ayokong aminin kay Zyliel ang totoo.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso, "Zyliel . . " I gulped before I uttered again. "Hindi muna sa ngayon, okay? Balang araw, malalaman morin ang totoo. Okay?"

"But Dada, I wanna know if my father is alive?" Ngumungusong tanong niya.

"H—He's alive, Baby." Hinaplos ko ang isang pisngi niya at pilit na kumawala ng ngiti. "Pero hanggang doon lang muna, okay?"

"Okay po." Pagtangong sagot niya.

"Sleep na, Baby. Gigisingin ka ni Dada matapos magluto ng dinner."

Ipinikit naman niya ang mata niya. Kiniss ko muna siya sa noo bago ko siya magawang titigan.

Alam kong may pagkakamali ako. Iyon ay ang hindi ko pagsabi sa anak ko ang tungkol sa ama niya.

Apat na taon na si Zyliel pero hindi pa niya kailanman nakikilala o nakikita ang Daddy niya.

Maliban ngalang sa Billboard kaninang umaga at doon sa stand nito sa Chowking na nilapitan pa niya. Ngunit wala siyang kaalam alam na Daddy niya pala iyon.

Ayoko lang namang masaktan ang anak ko. Ayokong makilala niya ang ama niya at malamang pinagpustahan lang ako kaya siya nabuo. Ayokong isipin niya na dahil lang sa laro kaya siya dumating sa akin.

Ayokong isipin niya na isa siyang pagkakamali.

Hindi naman ako nagsising dumating siya sa akin. Kayamanan ko si Zyliel. Isa siyang miracle na dumating sa akin.

Sa kaniya, nagawa kong harapin 'yong hamon ng buhay ko. Naging matatag ako sa lahat.

Nung nalaman kong buntis ako, pinili kong magpakalayo. Tumira ako sa probinsya at doon narin nanganak. Ilang taon ang nilagi ko roon kasama si Zyliel. Naging masaya ako dahil nandiyan siya na magsisilbing lakas at mundo ko.

Pero pina-abolish ang lugar kung saan kami nakatira.

Wala akong choice kundi bumalik dito sa Maynila. Ayoko namang mahirapan ang anak ko. Muntikan nanga kaming matulog sa lansangan dahil sa wala na kaming makapitan. Mabuti nalang, may away ang Diyos sa amin at may tumulong sa amin. Pansamantalang binigyan kami ng matitirhan sa gabing iyon, pati pagkain.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon