KENJIE POV
DALAWANG ARAW ang nakalipas nang huli naming pagkikita ni Zedric. Lingid sa akin na hanggang ngayon ay natatakot parin ako sa kung anong puwedeng mangyari.
Nagtanong siya na sa palagay ko ay may hinala talaga siya. Hindi koman nasabi sa kaniya nung araw na iyon nang tanungin ako kung sinong ama ni Zyliel ay palaisipan parin sa kaniya kung bakit niya kamukha ang anak ko.
Nang huling sandali na iyon, kaya pala ako tinawag na Mosh ni Kaizer ay dahil iyon ang binanggit ni Zyliel dito. Lumabas siya para sana'y hanapin ako at tanungin ang ibig sabihin nun.
Hindi niya intensyon na tawagin ako sa ganung paraan. Nang makita niya si Zedric ay nabanggit niya sakin na kilala niya ito.
Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Zedric! Bukod sa malaki ang balls ay hindi maitatanggi na malaki ang epekto nito sa kababaihan!
Huminga ako ng malalim habang tinitingala ko ang malaking markang pangalan sa tapat ng building.
Z-TREASURES
First day of internship ko ngayon. Kabado ako dahil first experience ang ganito kalaking gusali.
Pumasok ako at agad na nagpakilala sa Security na isa ako sa mga intern. Ipapakita kopa sana ang papel na hawak ko ngunit nginitian niya lang ako at sinenyasang pumasok.
Ngunit ang naka-agaw pansin sa akin ay ang ngiti niyang tila may kakaiba.
Napailing na lamang ako. Dala marahil ito ng pagpupuyat ko sa kakaisip sa malaking balls na iyon.
Napaka-laki niya talagang malas sa buhay ko! Sana lang ay hindi na ulit kami magkita, kahit ngayong araw manlang o habang buhay na!
Na-inform naman kami na sa first day namin ay magkakaroon kami ng mini-training. Bago kami magsimula ay ipapahayag muna ang mga hakbang para sa dapat at hindi dapat gawin.
Kabado ako pagpasok kopa lamang sa room kung saan nandirito rin ang ibang mga interns. Ganun din naman ang nakikita ko sa kanila na may halong saya.
Habang nakikinig ako ay nakatawag ang pansin ko ng marinig ko ang pagpa-kilala ng isang staff.
"Let us all welcome. The one and only daughter of Mr. Zyrus and Mrs. Janicca, Miss Zyllieh Nicca Scott."
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang babaeng naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga staff.
Matamis ang ngiting nagpakilala ito habang ako ay hindi mabawi ang pagtataka sa mukha ko.
Para akong nabingi sa nasaksihan ko. Hindi malinaw sakin ang sinasabi nang nasa harapan dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.
Ate Zini.
Nang matapos itong magsalita sa harapan habang ako hindi parin makabawi sa mga nangyari. Lumabas na lahat ng mga interns at ako nalang ang nahuli.
May mga tanong sa sistema ko na hindi ko malaman kung may katiyakan ba nang mismong masagot ko ang mga iyon.
Pagmamay-ari nina Ate Zini ang hotels na ito. Ibig din bang sabihin ay nandito ang malaking balls na iyon?!
WTH!
Lalong naging kabado ang pakiramdam ko.
Sana lang ay hindi kami magkita. Sana ngalang.
"Kenjie."
Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Ate Zini na nasa harapan kona ngayon.
Nanlaki ang mata ko, "A—Ate Zini." Napalunok ako, "I—I mean, Ma'am Zini."
BINABASA MO ANG
Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOK
Storie d'amorePlayboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbunga ang pinagsaluhan nilang dalawa. Nabuntis siya ni Zedric. Balak sana niyang ipa...