Chapter 30 | Mga Katanungan

23.9K 944 286
                                    

KENJIE POV

"DADA MOSH!" Narinig ko ang boses ni Zyliel.

Nang ibaling ko ang tingin sa may pintuan dito sa kitchen ay agad ko siyang natanaw.

Sakto namang katatapos kong hugasan ang mga pinggan at kobyertos. Nandito kasi ako sa restaurant ni Denzell. Part time job kona ngayon ang pagtra-trabaho rito.

Tinanggal ko ang Apron ko saka ako lumuhod para mahaplos ang mukha ni Zyliel. Napangiti ako ng makitang masaya ang aura niya.

Dati rati kasi, kapag nakikita ko siyang galing iskul, madalas malungkot at umiiyak siya. Ngayon, wala na. Nakangiti pa siya. Patunay na maganda ang  bagong iskul na napasukan niya

"How's your first day in your new school, Baby Mosh?" Nakangiti kong tanong.

Nakaka-miss kasi ang tawagan naming ganun ng anak ko.

"They're nice to me, Dada. Specially Rylee. Ang super kind po niya sakin. He even gave me chocolates. Here po, Dada."

Ipinakita niya sakin ang nakabalot na maliliit na chocolates. Its Kisses.

Natutuwa ko siyang tinignan. Sobrang sarap sa pakiramdam ang makita mong nakangiti at masaya ang anak mo.

Mukhang makakasundo ng anak ko ang Rylee na iyon. Base narin sa expresyon ni Zyliel.

"E, ano namang sinabi mo sa kaniya, Baby?"

Umiling siya kaya nanlaki ang mata ko. Tinuruan ko kasi siya na kung sakali mang may magbigay sa kanya ng gifts o any ay magpapa-salamat siya.

Kaya nagulat ako ng umiling siya.

At nalaglag nalang ang panga ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"I kissed him, Dada."

What? Did I heard that from my baby?

Parang ayokong maniwala.

"W—Why did you do that, Baby?" Tanong ko na bakas parin ang gulat ko.

"Because he said, he gave me kisses so in return I have to give him the same kisses. I have no chocolates so I kiss him, Dada."

Napalunok ako. Nabibigla ako sa mga ipinagtatapat ng anak ko.

Jusmiyo! Mamanahin ata ni Zyliel ang trono ng kaniyang malaking balls na ama!

This is not happening!

"Pero Zyliel anak, hindi mo dapat ginawa 'yon?" Saad ko rito, hindi kopa rin mabawi ang pagkagulat ko.

"But he likes it, Dada. He even want another kiss so I gave him two kisses."

ANAK NG — !

"Huh?" Parang luluwa na ang mata ko sa gulat.

"If I give him one kiss, it's not kisses. So I give him two to make it kisses."

Narinig ko ang malakas na tawa ni Chef Kaizer kaya napalingon ako sa kaniya. Haplos nito ang tiyan habang pinipigilan ang tumawa ng malakas.

"I'm sorry. Pfft. Hahahaha! Ugh, I can't! Hahahaha!"

Ngayon kolang narinig na tumawa si Chef Kaizer ng ganito. Ang buong akala kolang ay seryoso ito at sa sobrang pagka-seryoso niya ay nakakalimutan na niya ang tumawa.

Ibinalik ko ang tingin kay Zyliel, "Zyliel, 'wag na 'wag mo nang uulitin 'yon, okay?"

"Why po, Dada Mosh?" Ngumuso ito.

"Dahil bata kapa. Hindi dapat ginagawa 'yon ng isang batang katulad mo."

"'Pag lumaki napo ako, Dada, puwede na."

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon