Chapter 19 | Four Playboys and Me

24.1K 969 130
                                    

KENJIE POV

PAGKAPASOK namin sa cafeteria ay napalingon sa amin ang iba. Lalo na 'yong mga nadaraanan namin. Bumubulong pa.

"Hoy, lokaret ka! Enjoy na enjoy ka naman ata sa panlalandi kay Papa Archer! Hindi kaba nahihiyang marami ang naiinggit at nakatingin sa atin dahin d'yan sa kamay mo," ani Sophia kay Johannes.

Maaaring iyon nga ang napansin ng iba. Marahil ay sikat si Archer kaya ganun nalang tumingin samin ang mga tao.

"Kapag kasi inggit, matutong pumikit! Hawak kona kasi ang braso ng hinahangaan nila. Sorry sila dahil ako ang bet ni Papa Archer," ani Johannes na sinadya pang lakasan para marinig ng karamihan, ayan tuloy mas umugong ang bulungan.

Napailing nalang ako.

Sabay kaming apat na pumila.

"What do you want?" Tanong ni Tristan na nasa likuran ko.

Hindi ko naman alam kung sino ang kausap niya. Abala ako sa pagtingin kung ano ang puwede kong bilhin.

"Oy, Lokaret! Tinatanong ka ni Papa Archer, oh! Feeling snob ka naman, loka!" Sigaw sa akin ni Johannes nang hilahin niya ako sa braso.

Sumulyap ako kay Archer, nasa akin ang paningin niya.

Ngumiti siya na naging dahilan para makita ko ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin.

"What do you want? My treat."

"No need. May pera ako," sagot ko naman.

Agad kong sinabi ang order ko. Nag-crave kasi ako ng makakita ako ng fries at pizza. Favorite ko 'yong Hawaiian. Sinabayan kona rin ng Pineapple juice.

Nang makuha ang order ay iaabot kona sana ang bayad ko nang matigilan ako dahil naunahan ako ni Archer. Inabot niya ang isang libo sa counter.

"I told you, my treat," ngiting bulong niya sakin.

"Pero hindi mo naman kailangan gawin 'yon," sabi kong medyo naiinis na.

Walang rason para gawin niya 'to. Kung ginagawa niya 'to para makuha ang loob ko ay nagkakamali siya.

"But I have to," aniya saka niya ako kinindatan.

Nakarinig ako ng impitan sa tabi ko.

Bumuntong hininga nalang ako. Saka naghanap ng bakanteng lamesa. Nang may matanaw ako ay doon ako pumuwesto. Asar na kasi ako kaya hindi kona hinintay sina Denzell.

Nang makaupo ako ay nadinig ko ang bulungan ng dalawang babae sa harapan ko.

"Did you see that?"

"Ang alin?"

"Archer treated the newbie."

"Oh my gosh, he is so lucky. Archer never treated anybody unless you're special to him."

Inilingan kona lang ang mga naririnig ko. Nang makalapit si Archer sa puwesto ko ay nagtaka ako kung bakit wala parin 'yong tatlong kaibigan ko.

Nilingon ko sila pero nakita kong nasa kabilang puwesto sila.

Nagugulat ko silang tinignan. Nang makita ako ni Johannes ay inangat lang niya ang thumbnail sa akin.

Suminghal ako saka tinignan si Archer. Namalayan kong nakatitig na pala siya sakin.

"Anong sinabi mo sa kanila?" Sabi kong nagpipigil mainis.

"I told them we need to talk alone."

"Seriously?"

Ngumiti siya, "Seriously."

"They're my bestfriends."

"I know."

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon