Chapter 28 | Unexpected Revelation

22.7K 890 118
                                    

ZEDRIC POV

"AYOS LANG naman si Baby. Hindi naman siya napaano. Nasaktan lang siya dahil sa pagka-kadapa niya. So nothing to worries." Paliwanag ng nurse sa akin.

"Salamat," ani ko at napatango.

Lumingon ang nurse sa batang nakaupo sa puting kama at muling ibinaling ang tingin sa akin.

"Ang cute naman ng anak mo. Hawig na hawig sayo." Ngiting ani ng nurse.

Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.

Pati ba naman ang nurse ay napansin ang pagka-hawig namin nung bata?

"A—Anak?" Maang tanong ko.

"Oo. 'Wag kana magkaila, nasa mukha niyong dalawa ang ebidensya. Ang ganda nga ng mata niyo, nakakainggit."

Napamaang ako. Muli kong naramdaman 'yong pagbilis ng tibok ng puso ko.

Napalingon ako sa batang nakaupo parin sa white bed habang tinitignan ang namumulang tuhod nito.

Napalunok ako ng mapagmasdan kong maigi ang mukha niyang medyo nakayuko.

Kakaiba ang nararamdaman ko sa batang ito. Tila konektado ang pagkatao ko sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan.

Ewan ko. Pilit kong ikinukubli ang bagay na iyon pero kapag nakikita ko ang mukha ng bata ay ganun ang pakiramdam ko.

"Sige, maiwan kona kayong mag-ama. Next time ay hindi mona hahayaang madapa 'yong bata. Sayang naman kung magalusan."

Tanging tango nalang ang nagawa ko sa nurse. Nang kaming dalawa nalang nung bata ang naiwan ay lumapit ako ng tuluyan sa tabi niya.

"H—Hey . . " tawag ko sa atensyon nito.

Tumingin siya sakin. Ayun na naman 'yong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag nang makita ko ang mata niya.

Kumunot ang noo niya, "Your eyes."

Napalunok ako, "W—What's with my eyes?"

He smiled innocently, "We have the same eyes po."

"R—Really?"

Tumango ito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

I genuinely smiled. "Are you okay now? Does your knees still hurt?"

Ngumuso ito bagay na nagpa-kyut sa kaniya lalo. "Medyo po. Pero 'yong tiyan kopo, mashakit."

Tila naalarma ako sa narinig ko. "Ha? Why? Do you want me to call the nurse, again?"

Umiling siya at bumulong sakin.

"Gutom napo kasi mga alaga ko." Namilog ang mata niya, "You heard that. They want me to feed them. They are so hungry napo."

Ngumiti ako dahil sa gaan nang pakiramdam ko sa batang ito. Nakakatuwa. Dahil ganiyan din ako nung bata ako.

"Gusto mo kumain muna tayo?"

Ngumuso ito, "Gusto kopo. Kaso, baka po kasi hinahanap na ako ng Yaya ko, e."

"Nasaan ba siya?"

"Nandito rin po siya, e. Nasa harap po."

"Sige, ganito nalang. Ibili nalang kita ng pagkain sa canteen tapos balik tayo sa harap. Baka nga hinahanap kana ng Yaya mo."

Tumango siya. Napangiti ako. "Tara."

Binuhat ko siya. Ang sarap sa pakiramdam pagkabuhat ko sa kaniya.

Para ngang anak ko siya.

Siguro ganito lang 'yong pakiramdam nang maging ama. Kaso, bata pa kasi ako. Darating din 'yong panahon na magkaka-anak ako.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon