Chapter 29 | Chance Moves

23.6K 854 113
                                    

KENJIE POV

"Dada, are you galit?" Tanong ni Zyliel nang makalabas kami ng iskul.

Hindi ako umimik. Pumara ako ng may dumaang taxi. Hanggang sa pagpasok ay wala parin akong imik.

Kinandong ko si Zyliel nang makaupo ako. Kinuha ko ang bimpo sa bag niya saka ko pinunasan ang naka-kalat na sauce sa bibig nito.

"Dada . . Are you galit?" Tanong niyang muli matapos kong punasan ang bibig at mukha niya dahil sa pawis.

Hindi ako umimik, pinunasan ko ang likod niya. Habang nasa tabi ko naman si Daniela na wala rin namang imik.

"Dada . . " Ngumuso ito ng mapansing hindi ko siya sinasagot.

Ewan koba. Dalang dala parin ako sa nangyari kanina.

Nagkita na naman sila. Pangatlong beses nang nangyari ito kaya natatakot na ako sa susunod pang mangyari 'pag nagkita uli sila.

'Yong mga tingin ni Ze- kanina, paano 'pag naghihinala na siya ngayon?

Kapag nag-imbestiga siya ang tungkol sa akin panigurado ay malalaman niya na ang totoo.

Alam narin ni Chance ang tungkol sa akin. Paano nalang 'pag sinabi niya iyon kay Ze—. Mas maghihinala na iyon.

What should I do now? Will I hide my baby, again?

"Pumasok kana sa kuwarto, Zyliel." Utos ko ng makapasok kami sa condo.

Buong biyahe hindi ko kinausap si Zyliel.

Nakatungo itong tumango, "Opo, Dada."

"Paki-bihisan si Zyliel, Daniela at patulugin mona rin siya." Utos ko sa Yaya ni Zyliel.

"Opo, Kuya." Tila nahihiya niyang pagsang-ayon.

First time kong 'di bihisan si Zyliel. Ako palagi ang nagbibihis sa kaniya. Ngunit sa sandaling ito ay tila ayaw ko munang kausapin ang anak ko.

Natatakot ako at baka ano pang masabi ko. Gusto kong pagalitan si Zyliel pero inisip ko ang mararamdaman ng anak ko. Hindi ko siya kayang saktan at pagalitan.

Sumusuway na kasi siya. Gusto ko siyang pangaralan subalit hindi akma sa emosyon ko ang dapat na gawin ko.

Umupo ako sa sofa. Para akong napagod mag-hapon kahit paman wala akong ginagawa.

Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito? Bakit sila pinagta-tagpo?

Matapos ang ilang sandali, hindi kona matiis makausap ang anak ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kuwarto namin. Gusto kong masilip ang anak ko.

Pagbukas ko ay nakita ko siyang nasa bed na at kasalukuyang dinadamitan ni Daniela.

Narinih ko ang malungkot na boses ni Zyliel nang magsalita ito.

"Parang galit po sakin si Dada, Yaya."

"Hindi. Hindi galit ang Dada mo, Baby Kendric. Pagod lang siguro si Dada mo kaya siya ganun."

"But I can feel it. Galit po si Dada sakin, Yaya." Nakita ko ang pagnguso nito habang lumalamlam ang luha sa kaniyang mata. "It's all my fault, Yaya. I left you and I'm really sorry for that, Yaya. Sana po hindi ay ako umalis sa tabi mo. Hindi kopo kayang magalit si Dada sakin, Yaya. I love him so much and I couldn't see him mad at me."

Namalayan kona lang na lumagas ang butil sa mata ko.

Am I that too harsh?

Masama naba akong magulang para piliin kong malayo at itago ang anak ko sa ama niya?

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon