Jiro's POV
Natapos na ang first round ng laban at ang nakapasok sa second round ay saktong lima lang kaya wala ng away pang gaganapin sa pagitan ng mga leader ng bawat gang. At ang mga nakapasok ay ang Skull Gang, XGang, Black Aura Gang, ang Vindictive Royalty Gang at kami ang Mighty Eight.
Huwebes ngayon at sa next Thursday pa ang susunod na laban kaya may isang linggo pa kaming pahinga. Mabuti na din yun para mapaghandaan talaga namin ng maigi ang "final battle".
"Via san kayo pupunta ngayon?" Tanong ko kay Via dahil papauwi na kami.
"Uuwi. Ayaw kong mag bar o gumala. Rest day natin bukas. Sa Sabado tayo magsasanay." Pormal niyang sabi.
"Hatid na kita." Nakangiti kong wika.
"Wag na. Dala namin ang van. Sige una na kami. Ingat kayo sa pag-uwi." Half-smile niyang sagot.
"Ingat din kayo. Lalong-lalo ka na prinsesa ko." Sabay halik sa kaniyang noo.
Ngumiti siya sakin bago tuluyang umalis kasama ang kaniyang gang.
Pagkatapos nun ay umuwi na din kami.
**
Maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Sabado ngayon at araw ng pagsasanay namin.
*tok.tok.tok*
Inayos ko muna ang kama ko bago binuksan ang pinto. At bumungad sakin ang mukha ng kambal na tinabig pa ako saka tuluyang pumasok sa aking silid. Psh. Parang sila pa ang may-ari ah. Ayos. =_____=
"Anong ginagawa niyo dito?" Nakapameywang kong tanong.
"G*go! Hindi mo ba alam kong anong araw ngayon?" Gulat na sagot ni Kyle na nakaupo sa kama ko.
"Alam ko g*go! Kaya nga gising na ako kasi may training tayo kasama ang VRG." Nakapoker face kong sabi.
"G*go ka talaga! Nakalimutan mo?!" Sigaw ni Rico sabay bangon sa kama.
Ano ba ang pinagsasabi ng kambal na to?! Ang aga-aga nambwebwesit. -____-++
"Ang alin ba?!" Inis kong tanong.
Nakita kong lumaki ang kanilang mata at nagtinginan pa silang dalawa. Psh. Mga baliw. (-___\)
"BIRTHDAY NGAYON NI VIA!" Sigaw nilang dalawa.
Sus. Binulabog talaga nila ako para sabihing birthday lang pala ni Vi--
"ANO BIRTHDAY NGAYON NI VIA?!" Gulat na gulat kong sigaw matapos mag sink-in sa akin ang sinabi ng kambal.
Tumango naman sila na parang bata bilang sagot. Jeez! Bat ko nakalimutan yun! Aish! Ano ba yan! Wala akong gift. T____T
Nabasa siguro ng kambal ang ekspresyon ko kaya tumayo silang dalawa sa magkabilang gilid ko at tinapik ang balikat ko.
"Maligo ka na dahil maghahanap pa tayo ng perfect gift para sa girlfriend mo." Wika ni Rico saka tinulak ako sa aking closet.
Agad akong kumuha ng damit at kinuha ang akong towel saka mabilisang naligo. Habang naliligo ako ay may pumasok na ideya sa aking isipan. A perfect gift for my not so perfect yet gorgeous girlfriend for her special day. ^___^ ♥
Pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo ay sinabi ko sa kambal ang aking plano at napagdesisyunan namin na tawagan ang buong gang. At naisipan ko din na gawing kasabwat ang kaniyang gang kaya tinawagan ko din sila na pumunta din dito sa bahay. Mabuti na lang at mamayang hapon pa ang training kaya may ilang oras pa kami para makapaghanda.
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story
Teen FictionBoth came from opposing gangs. Two powerful gangs in their place. Via Dania Cruz a.k.a. Ice Princess of The Vindictive Royalty Gang. Jiro Kent Gonzales of the Mighty Eight. Fate bring them together. And love form between them. A not so ordinary love...