When Ice is mad....

318 5 0
                                    


Via's POV

Andito ako ngayon sa park nag hihintay na dumating ang Labyrinth Gang. Haay. Kamusta na kaya si Jiro? Aish. Pagkatapos ko talagang parusahan ang mga t*rantadong ito, pupuntahan ko kaagad si Jiro sa kung saang ospital siya dinala ni Jerson.

*broooom*

Ayos! Andito na sila. *smirk*

"Ice Princess!"  Masayang sigaw ng leader ng LG.

Sige magsaya ka lang. Tss.

"Mabuti naman andito na kayo. Halika dito. Lapit. Ibibigay ko sa iyo ang premyo ng gang mo."  Cold at seryoso kong sabi.

Lumapit naman ang kanilang leader na nakangisi. Hinawakan ko siya sa kaniyang batok.

"Ayos ang ginawa niyo. Napabilib niyo talaga ako."  Nakangisi kong bulong sa kaniya.

Kasabay ng pag-angat ng ulo niya ay ang pagsuntok ko sa kaniyang tiyan.

"Uuh! F*ck!"  Sigaw niya dahil sa sakit.

"Kulang pa yan! Mga g*go kayo! Sinong nagbigay sa inyo ng permisyon na gawin yun kay Jiro?! HAH?! Sagot!"  Galit na galit kong sigaw.

Lahat sila nagulat sa inasal ko. Naramdaman ko na susugod sa akin ang leader nila kaya agad kong nasalo ang kaniyang kamao at pinilipit ito papunta sa kaniyang likod. Napasigaw naman siya sa sakit. Susugod na sana ang kaniyang mga kasamahan ngunit napatigil sila dahil may itinutok akong baril sa ulo ng kanilang pinuno.

"Oh ano?! Bat kayo tumigil ha?! Sugod na! Mga p*ta!"  Sigaw ko na halos umalingawngaw sa buong park.

"P*ta! Ano ba ang kasalanan namin?!"  Galit na sigaw ng kanilang pinuno.

"Wow ha! Ang bilis niyo namang makalimot!"  Sarcastic ko na sabi sabay kalsa ng aking baril.

Napasinghap naman ang iba sa ginawa ko.

"Bakit niyo pinasabog ang kotse ni Gonzales?! Hah?! Hindi ba kayo marunong tumupad sa kasunduan?!"  Singhal ko sa kaniya.

"Ha-hah? Pinasabog? Anong pinagsasabi mo?! Wala kaming kinalaman dyan!"  Sagot ng isa sa mga miyembro ng LG.

"Eh leshe pala kayo eh! Sino pa ba ang gagawa nun?! Tayo-tayo lang naman ang nakakaalam ng karerang yun!"  Sigaw ko.

"I-ice princess. Nagsasabi kami ng totoo. Talagang hindi kami ang gumawa nun. Dahil nung nabugbog na kami ni Jiro at nakuha niya na ang bagong kotse ay umalis na din kami. Ganun din dun sa nakapwesto kay Rafael." Pagpapaliwanag ng kanilang pinuno.

Binitawan ko na siya kaya agad siyang tumakbo papunta sa kaniyang kasamahan.

"Siguraduhin niyo lang talaga. Dahil KAPAG nalaman kong kayo TALAGA ang gumawa nun. Hindi lang ito ang makukuha niyo."  Sabi ko sabay putok ng baril sa paa ng kanilang leader.

"Pinuno!"  Sigaw ng LG.

"P*ta ka Ice!"  Sigaw naman ng kanilang 'pinuno'.

Pinagbabawalan ako ni Dad gumamit ng baril pero dahil I'm f*ckin mad. I'll break the rule. Sorry dad.

Dire-diretso akong sumakay sa aking motor. Tss. Hahanapin ko pa kung saang ospital dinala si Jiro.

Aish. Jiro. Ipaghihiganti talaga kita. SOMEDAY. But for now, I'll be your nurse. Kahit labag sa kalooban ko. Pero responsibilidad kita. Dahil kung hindi dahil sa akin, hindi ito mangyayari. Haaay. (_ _  )

The Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon