∞ JirVi ∞

377 8 2
                                    

Via's POV

Maingat kung sinusunod ang daan papuntang Mabato ayun sa mapang binigay sakin ni Ian. Halos patakbo na akong naglalakad.

F*ck! Ano na naman ba ang kailangan nila? At sino na naman sila? Aish. Bakit si Jiro na naman ang pinunterya nila? At ang g*go naman hindi man lang lumaban?! Minsan nakakaduda na eh! Para kasing hindi totoong gangster at gang leader si Jiro. -_____-

Pero. Aish. Wait for me Jiro. I'll save you.

Jiro's POV

"Hoy! Papunta na siya dito!" Sigaw ni Jason na nakabantay mula sa puno.

"Dali i-tali niyo na si Jiro lagyan niyo din ng panyo ang baba niyang mahaba." Pag-uutos naman ni Louie.

Aba g*gong yun! Insultuhin ba ang baba ko. ~____~++

"Gusto mong mamatay?" Cold kong tanong kay Louie.

"Hehe. Hindi pa." Nakangisi niyang sagot habang naka-peace sign.

At gaya ng napag-planuhan tinali nga nila ako sa isang bato at nilagyan ng panyo ang aking bunganga.

"OMO. Nandito na siya talaga. Dali tago na tayo!" Nagpa-panic na sigaw ni Lyza saka nagtago sa likod ng puno.

Ganun din ang ginawa ng iba. Yung iba nasa itaas ng puno yung iba naman nakatago sa malalaking bato sa lugar na ito.

At yung iba inaayos ang iilang dapat pang ayusin. Kung ano yun? Mamaya na lang. Mag-aacting pa ako.

"JIRO! JIRO ASAN KA? HOY! MGA DUWAG LUMABAS NA KAYO! HARAPIN NIYO NA AKO!" Agad na bungad ni Via pagkadating na pagkadating niya.

Waaah! Ang ASTIG ni my labs! ( ^)o(^ )

Medyo madilim dito sa Mabato kaya siguro hindi niya ako na pansin.

"HMM! HMMM!" Sigaw ko para mahanap niya ako.

Napalingon siya sa gawi ko at nakito ko ang paglaki ng mga mata niya.

Agad siyang tumakbo palapit sa akin.

"F*ck! Sino ang may gawa nito Jiro? Asan na sila?" Alalang sabi ni Via.

Saka niya kinuha ang tali. Nang tuluyan niya itong nakuha ay agad ko siyang yinakap. Aba, part parin to ng acting at syempre para libreng chansing na din. ^___^

"Thank you Via." Mahinahon kong sabi.

"Ayos ka lang ba?" Halata sa boses niya ang pagaalala.

Pinaharap ko naman siya saka hinalikan sa noo bilang sagot. Inalalayan ko siyang tumayo.

Hinawakan ko ang kaniyang mukha.

"Alam mo bang act lang ang lahat." Seryoso kong sabi.

Naging ganito naman ang mukha niya:

o.O → -___- → ~____~ → (〆- -)

And in just a blink of an eye binugbog niya ako. De joke. Sinuntok niya lang naman ako ng malakas. Ampupu. Mas malakas na ang suntok niya kaysa noong huling laban namin. TT___TT

"Sorry na my labs. Babawi ako. Now na." Nakapout kong sabi.

Umepek ka please! = ̄ω ̄=

"Aish. Kung hindi lang kita aish!" Narinig kong sabi niya.

"Dali dun tayo." Nakangiti kong sabi habang tinuturo kung saan kami pupunta.

Hinawakan ko naman ang kamay niya papunta sa isang tent-like na pinaset-up ko kanina. Open siya na parang net lang kung tingnan. Sa gitna ay may table with a candle at the center. Ang table ay napapalibutan ng redrose petals sa sahig.

The Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon