Via's POVAndito ako ngayon sa isang icecream shop. Icecream ang 'bestfriend' ko kapag galit ako. Habang kumakain ako ng icecream ay tinatawagan ko si Lyza.
*kriiing.kriiiing*
Kanina ko pa tinatawagan si Lyza pero hindi niya ito sinasagot. Kaya si Belle na lang ang tinawagan ko.
*kriiing.kriiiing*
"Hello? Via?" Mabilis na sagot ni Belle.
"Belle, alam mo ba kung saang ospital dinala si Jiro?" Tanong ko.
"Ah oo. Sa *toot* Hospital." Sagot niya.
"Sige salamat." Saad ko saka binaba ang tawag.
Sa ospital pala ng kambal dinala si Jiro. Oo, may-ari ng isang ospital ang kambal na sina Rico at Kyle.
Nang maubos ko ang aking kinakain ay agad akong pumunta sa ospital.
*Sa Ospital*
Papasok pa lang ako sa entrance ng ospital ng makasalubong ko sina Kris at Louie na palabas na.
"Oh Via. Pupuntahan mo ba si Jiro?" Tanong sa akin ni Louie.
Nag nod na lang ako bilang sagot.
"Sa 2nd floor. Room 123. Sige una na kami ah." Sabi naman ni Kris. Sabay wave sa akin at tuluyan na silang umalis.
Pumunta na ako sa silid ni Jiro. Hoo. Inhale. Exhale. Aish. -___-
*knock.knock*
Nagulat ako dahil si Jerson ang bumukas ng pinto. Nasa loob ang iba pang miyembro ng Mighty Eight.
"Anong kailangan mo?" Maangas na tanong ni Jerson.
"Si Jiro. Bawal bang bisitahin dito si Jiro?" Cold kong sagot.
"Bawal ka dito." Diretso niyang sabi.
"Bawal pala ang girlfriend dito? Tss. Gusto ko lang namang bantayan ang boyfriend ko." Nakangisi kong sabi.
"Anoo?!"
"Girlfriend?!"
"Boyfriend?!"Sabay-sabay na sigaw nila. Pati si Jerson ay nagulat. Kaya hindi niya namalayang nakapasok na pala ako. *smirk*
Agad akong tumayo malapit sa kama ni Jiro.
"Uy! Hindi pa kita pinayagang pumasok ah!" Pagmamaktol ni Jerson.
"Eh nakapasok na ako eh." Nakashrug kong sabi.
"Teka Via. Kayo na talaga?" Takang tanong ni Kyle.
"Nope." Maikli kong sagot.
Napatahimik naman silang lahat.
"Kamusta na siya?" Tanong ko.
"Ayos lang siya. Minor injuries lang naman. Yun nga lang wala pa siyang malay dahil sa lakas ng impact ng pagkabunggo ng kaniyang sasakyan at dahil na rin sa sobrang usok." Seryosong saad ni Jerson.
"Kelan daw siya magigising?" Malungkot na tanong ko.
"Yan ang hindi alam ng doctor." Sagot ni Rico.
Aish. So maaaring matagalan pa siya dito.
"Teka Via, alam mo ba kung sino ang gumawa nito?" Seryosong tanong ni Jerson na nakayukom pa ang kaniyang kamao.
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story
Teen FictionBoth came from opposing gangs. Two powerful gangs in their place. Via Dania Cruz a.k.a. Ice Princess of The Vindictive Royalty Gang. Jiro Kent Gonzales of the Mighty Eight. Fate bring them together. And love form between them. A not so ordinary love...