Ang buhay ay hindi puro saya-saya lang.
Sa pag-ibig hindi mawawala ang problema. Ito ang nagiging sukatan kung gaano katatag ang isang relasyon.
Kailangan lang ay ang pagtitiwala sa bawat isa. And learn to hear his/her side. Never conclude things immediately. Kasi yung inaakala mong bagay ay hindi pala ang totoong rason kung bakit ka niya nagawang saktan. Kung bakit nasira ang iniingatan niyong relasyon.
Dahil kung inaakala mong ikaw lang ang nasasaktan, maaaring nagkakamali ka dahil baka hindi mo alam halos mamatay na rin siya sa sakit.
Learn to lend your ears for explanations. Because this might save your entire relationship and maybe this can lead to your happily ever after.
--
Jiro's POVMatapos ng masayang party kagabi ay back to training na kami ngayon. Nandito ako ngayon sa shooting range. Hawak-hawak ko ang isang Caliber 45. Sinentro ko ito sa center part ng target saka hinila ang trigger.
"Bull's-eye!"
Napalingon naman ako sa aking likuran dahil sa gulat kung sino ang biglang nagsalita.
"Oh Rafael. Bat andito ka? Akala ko ba magspa-sparring kayo ni Kuya?" Bungad kong tanong.
Hindi siya kaagad sumagot sa halip ay tumabi siya sakin at kumuha ng baril.
"Pinalitan ako ni Ian atsaka mas trip ko ngayon gumamit ng baril." Kibit-balikat niyang sabi saka binaling ang tingin sa target.
Binalik ko na din ang tingin ko sa aking target. Sabay naming kinalsa ang aming mga baril. Nagkatinginan pa kami at natawa sa aming sarili. Pagkatapos nun ay sunud-sunod na putok ang pinakawalan naming dalawa.
*bang*
*bang*
*bang*
*bang*Umalingawngaw ang ingay ng pagputok ng baril sa buong headquarters. Pero parang wala lang sa kanila ang ingay na yun dahil sanay na naman sila. Nang maubos na ang bala ng aking baril ay ibinaba ko muna ito at tiningnan ang wrist watch ko. Magtwe-twelve na pala pero parang walang gana silang kumain ng tanghalian. Kaya naman napagpasyahan kong yayain si Via maglunch.
"Pre una na ako ah. Yayayain ko pa kasi si Via maglunch. Di ka pa ba manananghalian?" Tanong ko kay Rafael.
Umiling-iling naman siya.
"Sige. Mamaya na lang ako. Hihintayin ko na lang ang iba." Sagot niya.
Tinapik ko muna ang kaniyang balikat bago tuluyang umalis. Una kong pinuntahan ang kabilang shooting ground dahil dun ko siya huling nakita. Gusto ko sanang makasama siyang magsanay pero sabi niya baka hindi ako makapagconcentrate o di kaya baka kulitin ko lang daw siya. Kaya naman pinagtulakan niya ako dito sa shooting ground para sa mga baril.
Nang makarating ako sa kabilang shooting ground ay agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin si Via. Ng biglang tumakbo palapit sakin ang isa sa mga gangmates niya, Reynold yata ang pangalan.
"Hinahanap mo si Via?" Bungad niyang tanong.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Ay lumipat dun sa may ring. Magspa-sparring daw sila nina Belle at Lyza." Wika niya.
"Sige salamat. Saka maglunch na kayo. Twelve na." Sabi ko bago umalis.
"Okay." Sagot niya.
Tumakbo na ako papuntang ring para mabilis akong makarating dun. Nang makarating ako sa ring ay hinanap ko si Via kaagad pero wala din siya dun. Hindi kaya naglunch na siya? T_____T
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story
Teen FictionBoth came from opposing gangs. Two powerful gangs in their place. Via Dania Cruz a.k.a. Ice Princess of The Vindictive Royalty Gang. Jiro Kent Gonzales of the Mighty Eight. Fate bring them together. And love form between them. A not so ordinary love...