Nagseselos ako!

389 11 0
                                    


Via's POV

Pagkatapos ko i-announce na wala kaming klase ay agad akong tumakbo palabas. Susundan ko si Jiro. Aish. Ewan ko nga kung bat naisipan kong sundan siya. Para kasing may tumutulak sa akin at nagsasabing kailangan kong sundan si Jiro. =3=

Asan na kaya siya? Leshe! Gonzales asan ka!

"Hoy! Nakita mo ba si Jiro?" Tanong ko sa isang lalake na nakatambay sa hallway.

"I-ice pri-princess. Ah o-oo. Du-dun siya papunta." Nauutal na sabi niya.

Tae. Ang duwag naman. -____-+

Kaya tumakbo ako papunta sa direksyon na tinuro ng lalaki. Ng biglang may humarang sa akin. Tss. Naghahanap ng sakit ng katawan. =____=

"Ice Princess! Bat mag-isa ka? Nakuu~. Kawawa naman walang kalaban-laban ang dakilang leader ng VRG ngayon, lalong-lalo na madami tayo." Nang-aasar na sabi ng leader ata nila. Frontliner eh.

"Anong kailangan mo?" Naiinis kong tanong.

"Wala naman. Kailangan ko lang naman ng magpapainit sa katawan ko." Nakangisi niyang sabi.

Ano ba ang tinutukay niya? o.O

"Eh kung sunugin ko kaya ang katawan mo ha?!" Sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ko. At kilala ko na kung sino to.

Ako dapat ang maghahanap sa kaniya pero ako ang nahanap niya.

"Ji-jiro. Sh*t! Sibak na tayo! Bilis!" Sigaw ng nakakabwesit na lalaki.

Nagsitakbuhan nga ang mga kasamahan niya. Pssh. Lakas mangbwesit anduduwag naman pala.

"Mga g*go yun ah. Via bat andito ka?" Pambubungad sakin ni Jiro.

"Sinundan kita." Sagot ko sabay iwas ng tingin. =3=

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na ngumiti siya. Bigla niya akong hinarap sa kaniya. Aish. Ang mga mata niya. Parang nang hi-hypnotize. =3=

"Bat ka kasi nag walk-out at nag dabog ka pa talaga. Psh." Sabi ko.

"Wala lang. Masakit kasi ang mata ko." Sagot niya.

"Whee? Bakit may sakit ka ba sa mata?" Takang tanong ko.

"Nung nakita ko kayong dalawa ni Rafael na masayang naglalambingan. Parang na sabunan ko lang ang mata ko." Mahinang sabi ni Jiro.

Napataas naman ang kilay ko. Huh?! Di ko talaga gets.=3=

"Masakit Via. Masakit sa mata." Dugtong niya.

"Just go straight to the point Gonzales." Naiinis kong sabi.

"Ewan ko ba. Kung hindi mo lang talaga na iintindihan o sadyang manhid ka." Malungkot na sabi niya.

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Napa buntong hininga naman siya. At muling nagsalita.

"Via. Nagseselos ako! Gets mo na?! Nagseselos ako! Sa inyo ni Rafael! Alam ko wala ako sa posisyon para magselos pero sh*t lang! Mahal kita eh! Mahal kita Via. Dati pa."

Nagulat ako sa sagot niya. Fudge! Nasaktan ko siya! Sasagot pa sana ako pero wala na siya. Siya ba si Kai ng EXO na nakakapag teleport(DAW! :D)?! o.O

Haay. Ano ba ang dapat kong gawin?! ╯ω╰


Jiro's POV

Wala na! Sumabog na talaga ako kanina! Amp*ta naman kasi! Bat ganun na lang ako magselos kanina. Aish. Nung nakita ko kung paano ngumiti si Via kay Rafael, pucha! Ansarap pumatay eh! Tss.

Bakit kasi ang ganda ng Via KO! Oo 'KO' akin lang siya. Magkamatayan man! Pssh.

Wag kayo! Alam ko malapit na. Malapit ko nang mapaibig si Via. Aba sa gwapo kong to. Psh. Angal ka?! Tsk.

Ah basta! Mahal na mahal ko si Via kaya ayaw kong nakikita na masaya siya sa piling ng iba dahil NAGSESELOS AKO!

The Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon