VRG x M8 x BAG

487 11 0
                                    

Via's POV

Pagkadating namin sa cafeteria ay agad sumalubong sa amin nina Rafael at Jiro ang malakas na sigaw ng isang baliw na naka takas sa mental hospital. =____=

"Viaaaa~! Rafaeeeel~! Jirooo~! Ditooo tayooo!" Eskandalo ni Lyza.

Wala namang pake ang ibang tao sa amin.

Kumakaway-kaway naman si Belle sa amin kasama nila ang VRG at teka M8 at BAG(Black Aura Gang) ?! O___O   BAKIT ?!

"Ooh. Yan pala ang pwesto ng Top 3." Saad ni Jiro na ngayon ay nasa kanan ko na.

"Tssk. Pati ba naman sa pagkain makikita ko na naman ang panget mong mukha. Tss." Naiinis naman na sabi ni Rafael.

"Magsitigil nga kayo. Tss. Bakit may pa ganun ganun pa kasing nalalaman. Diba may private room naman ang lahat ng nasa Top 5? Pwede naman siguro dun na lang mag lunch diba?" Tanong ko.

"First day eh. Ganyan talaga." Nakangising sagot ni Gonzales.

"Bukas siguro pwede na. Tayo na Vi." Pagyayaya ni Rafael.

Naglakad na kami palapit sa napakahabang table. Tss. Kung andito siya, tiyak kahit anong pilit di ako lalapit at kakain kasama ang g*gong yun.

"Hi Ice Princess,Triple R and Jiro." bati samin ni Kaizer at ng iba pang BAG.

"Hello!" Bati naman ng M8.

"Upo na kayo! Para kami'y makakain na. Kanina pa kaya kami gutom." Bungad naman ni Dave.

"Oo nga. Takte, kanina pa nagwawala mga alaga ko sa tiyan." Dugtong naman ni Justin.

Tssk. Kahit kelan talaga. Mga loko loko ang mga gangmates ko. Tss.

Dahil ayaw kong mamatay si Justin dahil sa pagwawala ng mga anaconda sa tiyan na ay umupo na ako katabi ang dalawang baliw. Tumabi naman si Rafael kay Ian. Si Jiro naman ay tumabi kay Jason ata. May nag serve sa amin ng pagkain. Pangmaramihan talaga ang inihanda at espesyal talaga dahil yung ibang estudyante ay naghihirap sa kakalinya para sa pagkain kami naman ay parang hari't reyna na ipinagseserbahan ng pagkain.

Habang kumakain kami ay nagkwe-kwentuhan ang iba. Tahimik lang akong kumakain. Biglang tumayo si Rafael, siguro mag-ccr.

Nung bumalik siya ay madala na siyang icecream. Andaya hindi man lang niya ako sinabihan na bibili pala siya ng icecream. Gusto ko din ng icecream. =3=

"Haha. Ang cute mo Via. Alam ko naman na paborito mo ang icecream kaya binilhan kita.*wink*" nakangiting sabi ni Rafael.

Waaah~! *o* Yeheeey~! Icecream~! ^o^

"Thanks." Sagot ko.

"Rafael 1! Jiro 0!" Sigaw ni Reynold.

Huh? Anong ibig sabihin ni Reynold? ~___~

"Tss. Ayos ah. Pasimple ka na pala pareng pumuporma. Tss. Easy. Makakabawi din ako." Naka smirk naman na sabi ni Jiro.

"Uh. I'm sorry but what are you guys talking about?" Takang tanong ni Droy.

Takte. Englishero pala to. =____=

"We are talking about the competition between Rafael and Jiro." Sagot ni Jerson.

"Competition for what?" Tanong naman ni Yashite.

"They are courting Via." Sagot naman ni Ian.

Nabulunan naman ako sa sinabi ni Ian. Takte. -____-++

"Oh really? Sigurado akong hindi ito magugustuhan ni Master." Wika naman ni Kaizer.

"Tss. At bakit naman? Anong paki niya?" Naiinis kong sabi.

"Via, Nick loves you." Sabi naman Kevin.

Biglang tumahimik ang buong lamesa.

"Kung mahal niya talaga ako, edi sana hindi niya ako iniwan. Ayaw ko nang tumira sa nakaraan. May karapatan naman ako sigurong buksan sa iba ang puso ko. Kaya Jiro and Rafael, may the best man win." Sagot ko sabay tayo at umalis na.

Narinig ko namang tinawag ako nina Lyza at Belle pero diretso lang ang lakad ko. P*cha naman eh! Tss. Makakalimutan din kita Nick. At alam ko makakatulong sina Rafael at Jiro sa pagkalimot ko.

Handa na ako. Handa na akong magmahal muli.

The Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon