Final Battle (Part 2)

473 11 4
                                    

Via's POV

Pagkatapos naming kumuha ng mga armas sa headquarters ay dumiretso kaagad kami sa Arena. Ako ang nagmamaneho ng sasakyan para mabilis.

"Sheez. Siguro kanina pa talaga nag-uumpisa ang laban."  Nag-aalalang sabi ni Lyza.

"Kaya nga binibilisan ko. Tss. Kung sinabi niyo sana kaagad sa akin edi sana kanina pa lang nandun na tayo."  Inis kong sabi.

Sarap nilang batukan. Amp*ta! Malapit na sana kami pero may nagbanggaan pa sa unahan namin. Isang liko na lang sana sa kanto nasa Arena na sana kami. F*ck.

"Sh*t!"  Sigaw ko saka walang tigil na bumubusina.

Ang ingay-ingay na ngayon dahil sa palitan ng mga busina ng mga kotseng naipit sa traffic dahil sa banggaan.

"F*ck! Iwan na lang natin dito ang sasakyan at tumakbo na lang tayo papuntang Arena."  Wika ko saka inalis ang aking seatbelt.

"Sige kesa naman mahuli tayo sa laban."  Pagsang-ayon ni Belle na naunang lumabas ng sasakyan.

Pinatay ko na ang makina at kinuha ang susi ng sasakyan saka lumabas na din. Agad kaming tumakbo pagkalabas na pagkalabas ko. Truck pala at isang sasakyan ang nagbanggaan. Psh. Mabuti na lang naisipan naming tumakbo na lang kesa naman abutin kami ng siyam-siyam sa kakahintay na makuha sa daan ang truck at kotse.

Nang makaliko na kami sa daang papunta sa Arena ay nagulat na lang kami ng may tumigil na sasakyan sa gilid namin. Biglang bumaba ang bintana sa driver's seat.

"Need a ride?"  Tanong ng driver na nakashades pa.

Pero unti-unti niyang kinuha ang kaniyang shades at nagulat ako ng makita ko ang kaniyang itsura.

"INSAN!"  Sigaw ko ng makita ko ang buo niyang mukha.

"Kuya Jake!"  Sigaw naman ng dalawa.

[ Jake Kazehama sa multimedia box.
Mwehehe. Ang gwapo talaga ni Sungjae. ♥ ]

"Miss niyo naman ako masyado pero alam kung kailangan niyo nang pumunta sa Arena kaya sakay na kayo!"  Nakangiti niyang sabi saka sinenyasan kami na pumasok

Agad naman kaming pumasok. Umikot pa ako dahil sa shotgun seat ako uupo. Habang nagmamaneho si Kuya Jake ay ginawa ko na itong pagkakataon para magtanong dahil kapag nakarating na kami sa headquarters ay diretso bakbakan na kaagad.

"Bat biglaan yata ang pag-uwi mo kuya?"  Tanong ko sa kaniya.

"Hmm. Wala lang. Wala naman akong ginagawa sa Japan kaya umuwi na lang muna ako dito. Saka gusto kong manood ng laban niyo. Haha."  Natatawa niyang sagot.

"Whee?! Bat feeling ko may iba ka pang pinunta dito."  Pag-iintriga naman ni Lyza.

"Gumaganyan ka na Lyza ha. Wala naman. May dapat lang ako asikasuhin dito. Hehe."  Wika ni kuya Jake ng may nakakalokong ngiti.

Jeez. Bat mahilig magtago ng tao ng sikreto ngayon?! Ano naman kaya ang pakay ng kolokoy kong pinsan na to. Nang makarating kami ay agad kaming lumabas pero di pa man kami nakakalayo ay tinawag ako ni kuya Jake.

"Insan! Teka! May ibibigay muna ako."  Sigaw niya kaya napatigil ako sa paglalakad ganun din sina Belle at Lyza.

May kinuha siya sa compartment ng sasakyan niya. Dalawang jacket?! Aanhin ko naman yan? ~____~

Agad niya naman itong iniabot sa akin.

"Suotin mo to Via at wag na wag mong huhubarin habang naglalaban kayo. Hintayin mong matapos saka mo hubarin. And give this one to Jiro. Tell him not to take this off until the fight ends. Understand?"  Saad niya saka sinuot sa akin ang isang jacket at ang isa naman ay ipinahawak niya sa akin.

The Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon