Via's POV
Mabilis ang pagmamaneho ni Belle pabalik sa headquarters habang ako naman ay nakatuon lang ang tingin sa labas ng sasakyan at malalim ang iniisip.
Kamusta na kaya si Jiro? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Mapapatawad niya pa ba kaya ako? Ano kaya ang gagawin niya kapag naglaban na kami sa final battle? Iilan lang yan sa mga tanong na namumuo ngayon sa aking isipan pero agad akong napabalikwas sa aking kinauupuan ng maalala ko ang final battle.
"Sh*t. Anong araw ngayon?" Agad kong tanong.
Muntik ko ng makalimutan kung kelan ang final battle.
"Thursday." Mahina at nakayukong sabi ni Lyza.
Sh*t! Kailangan naming magmadali!
"Ngayon na ang final battle! F*ck! Bat di niyo sinabi sakin?!" Pasigaw kong tanong.
Nanahimik lang sila habang nakayuko.
"At wala ba kayong planong sumabak sa final battle?!" Dagdag kong tanong.
Hindi pa rin sila sumagot. Talagang iniinis nila ako ah.
"STOP THIS F*CKING CAR!" Sigaw ko dahil sa sobrang bilis.
Halos mapasubsob ako sa front seat ng biglang pumreno si Belle.
"Ano ba?!" Ganting sigaw ni Belle.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago nagsalita.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Mahinahon ngunit seryoso kong tanong.
"Dahil yun ang utos sa amin." Sagot ni Belle.
Tss. Ang mga prinsipe talaga mahilig magdesisyon ng mag-isa.
"Sina Rafael at kuya Stephen ang nagplano nito, hindi ba?" Halatang nagulat sila sa sinabi ko.
Tumango na lang sila bilang sagot. Haay naku. Napabuntong-hininga na lang ako. Kaya pala nagmamadali silang umalis pagkatapos nila akong maihatid sa bahay. Yun pala sasabak sila sa giyera ng wala kami.
"Palit tayo Belle. Ako ang magmamaneho." Saad ko saka lumabas ng kotse.
Agad din namang lumabas si Belle at umupo sa backseat. Agad akong pumasok saka sinuot ang aking seatbelt.
"Fasten your seatbelt girls coz I will make this car fly." Nakangisi kong sabi.
Agad naman nila itong ginawa saka nagsikapit sa kani-kanilang upuan. At gaya ng sinabi ko pinaharurot ko ang sasakyan na halos lumipad na ito sa sobrang bilis.
Kailangan naming umabot. Ayaw kong lumaban ang mga prinsipe ng wala kami. Hindi matatawag na Vindictive Royalty Gang kapag wala ang mga prinsesa. Kunting hintay na lang mga prinsipe darating na ang mga prinsesa.
Jiro's POV
"And the winner is, Skull Gang. So XGang is automatically the Top 5. Congratulations!" Anunsyo ng isang lalaki matapos tumunog ang bell na hudyat ng pagtatapos ng laban.
Ang Skull Gang at XGang ang unang naglaban at yun nga natalo ang XGang kaya sila kaagad ang Top 5 at hindi na sila maglalaban pa uli. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang Vindictive Royalty Gang. At mas lalo akong hindi mapakali sa aking kinauupuan dahil hanggang ngayon hindi pa din nagpapakita si Darryl. Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi niya ito sinasagot.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kuya Jerson.
Umiling na lang ako bilang sagot.
"Sinagot na ba ni Darryl ang mga tawag niyo?" Tanong ko sa aking mga kasamahan.
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story
Novela JuvenilBoth came from opposing gangs. Two powerful gangs in their place. Via Dania Cruz a.k.a. Ice Princess of The Vindictive Royalty Gang. Jiro Kent Gonzales of the Mighty Eight. Fate bring them together. And love form between them. A not so ordinary love...