The Royal Couple

437 8 1
                                    

Via's POV

Monday na naman! Haaay. Bakit ang bilis ng oras? Na parang kanina lang naging kami ni Jiro. Na parang kanina lang sinigaw namin sa lahat na mahal namin ang isa't-isa.

Anak ng! Aish! Ang cheesy ko na! ~____~

"Anak! Nandito na ang boyfriend mo!"  Sigaw ng aking ina.

Oo! Alam na nila. Pano ba naman pagkauwi na pagkauwi namin galing sa beach napagpasyahan niyang magpakilala sa parents ko. At pinaalam namin ang aming relasyon. Nagulat nga silang dalawa dahil hindi daw halata na may nanliligaw sakin. Psh. -___-

Dali-dali naman akong lumabas sa aking kwarto.

"Good morning prinsesa ko!"  Masayang bati ni Jiro.

"Good morning din prinsipe ko."  Nakangiti kong sagot.

*cough.cough*

Napatingin naman ako sa direksyon nina Mom at Dad. Agad naman silang ngumiti sakin saka nag-peace sign.

"Tayo na?"  Pagyayaya ng aking prinsipe.

Nag nod namam ako sa kanya.

"Mom, dad, una na po kami."  Pagpapaalam ko.

"Una na po kami."  Saad naman ni Jiro.

Nag wave naman sina Mom at Dad saming dalawa.

Pinagbuksan naman ako ni Jiro ng pinto sa kaniyang sasakyan. Saka umikot papuntang driver seat.

"Mabubulok na ang sasakyan at motor ko. Hindi ko na sila magagamit."  Nakapout kong sabi.

Pano ba naman, susunduin niya daw ako palagi. T___T

"Hmm. Kung gusto mo every other day na lang ang pagsundo ko sayo. Para magamit mo parin ang motor at sasakyan mo."  Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti naman ako sa kaniya saka nag-nod.

**

Nang makarating kami sa university ay tumambad samin ang napakalaking banner na may nakalagay na: "The Royal Couple" at may picture naming dalawa.

"Anak ng! Sinong may kagagawan niyan?!"  Inis kong tanong.

Nag-shrug naman siya saka ngumiti ng nakakaloko.

Nang maiparada na ni Jiro ang kaniyang sasakyan ay agad kaming lumabas saka naglakad papunta ng gymnasium. Monday kaya may flag ceremony. Ewan ko ba bat may ganito pa. Tss.

"Uy! Ang Royal Couple!"
"Totoo nga! Sila na!"
"Grabe ang astig nilang tingnan!"
"Malas! Taken na si Ice Princess. Tss."
"Aaw. Huhu. Wala na girls! Taken na ang ating Papa Jiro. Huhu."

Mga komento ng mga schoolmates naming nakakalat sa hallway.

"Naks. Prinsesa ko. Instant celebrity tayo."  Nakangising sabi ni Jiro habang pataas-baba ang kaniyang kilay.

"Psh. Baka nga kuyugin ako ng mga fangirls mo eh. Ay hindi pala. Takot lang nila sakin."  Wika ko ng naka-smirk.

Kinurot niya naman ang pisngi ko saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at nakipag nose to nose.

Antaas talaga ng ilong niya. ~____~

"Hep hep hep. Tama na muna yan. Tayo na sa gym lovebirds."  Singit ni Kuya Jerson.

Kanina pa pala sila ng Mighty Eight sa likuran namin. Tss.

"Viaaa~!"

Tss. Nandito na ang mga makukulit. Agad naman akong hinila nina Belle at Lyza kaya naiwan si Jiro kasama ang VRG at M8.

The Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon