"Bakit mo ginawa 'yon? b–bakit mo ako niloko? b–bakit, Azi?" tanong niya sa kanyang kasintahan na ngayon ay ni wala man lang pake na umiiyak na siya sa harap nito.
Sapo niya ang bibig habang pinipigilan ang pag agos ng mga luha niya sa mata.
Bawat agos ay mabibigat na pag hikbi ang inilalabas niya dahil sa sobrang sama nang loob.
Nakita niya ang boyfriend niya na may kahalikan na iba, harap-harapan pa mismo. 'Di lang naman ito ang unang beses na nangyari ito sa pagitan nila kung hindi maraming beses na siyang niloloko nang kumag na 'to pero pinapatawad niya dahil mahal niya.
Pero ngayon ibang-iba na ang sakit, mas lalong humapdi ang mga mata niya dahil sa mga luha na patuloy niyang pinupunasan. Puso niyang sobrang sakit na para bang hindi na siya makahinga nang maayos.
Nasu-suffocate siyang makitang wala man lang pake ang lalaking minahal niya nang lubos at pinagbuhusan niya nang lahat-lahat.
'Tama na, Charnel.' anang isang tinig mula sa kanyang utak. 'Tama na ang sakit, tumigil kana.'
Tumingin siya sa kanyang nobyo na ngayon ay nakatingin sa malayo, ni wala man lang salita ang lumabas sa bibig nito para depensahan ang sarili.
"Minahal mo ba talaga ako, Azi?" Tanong niya dito habang pinipigilan ang hikbi.
Tumingin ito sa kanya saglit pero nagbaba rin nang tingin. Ilang segundong katahimikan ang namuo sa pagitan nilang dalawa, siya naman ay pinipigilan pa rin ang mga hikbi.
"Minahal kita pero hindi na ngayon." Nag angat siya nang tingin dito nang sa wakas ay magsalita ito. "Hindi kita kayang mahalin nang matagal." he paused. "kasi sa totoo lang nakakasawa ang mga katulad mo."
Dahil doon ay napakuyom siya nang kamao, paulit-ulit na nagreplay sa utak niya ang mga katagang sinabi nito.
Parang mapupugto ang paghinga niya dahil sa sakit na bumabalatay sa mga ugat niya.
"K–kung ganon b–bakit 'di mo sinabi? o 'di mo'ko iniwan nang mas maaga?" buong lakas niyang tanong dito na ikinatawa lang ng huli.
"Kasi nag eenjoy akong makitang ginagawa mo lahat para sakin, nag eenjoy akong pinagsisilbihan mo'ko, nag eenjoy akong makitang nagpapakatanga ka sa maling tao." ikinalaglag nang panga niya ang mga salita nito. 'Di siya makapaniwalang may ganitong klase nang tao sa mundo ang mandudurog nang kapwa tao, nag eenjoy pa nga ito.
Walang seremonyang umigkas ang palad niya sa pagmumukha nito, malakas na sampal ang iginawad niya, nasundan nang pangalawang sampal, pangatlong sampal at susundan na sana niya ng pang-apat na sampal ngunit nahawakan nito ang kamay niya para pagilan siya.
Matalim ang titig na tumingin ito sa kanya habang siya ay tuluyan nang umagos ang luha sa mga mata.
"For the first time nagkaroon ka nang lakas nang loob na pagbuhatan ako ng kamay, kasi sa pagkakaalala ko ikaw yung tipo nang tao na hindi mananakit sa mahal niya." Ngumisi pa ito habang pinapamukha sa kanya ang katangahan niya. Iwinaksi nito ang kamay niya at tumalikod para sana maglakad palayo ngunit huminto ito.
"Sa susunod, isipin mo sarili mo hindi porket akala mo mahal ka ibibigay mo na lahat, alam mo kung saan ka banda nakakasawa? Sa pagbibigay mo ng lahat-lahat." Naglakad ulit ito pero huminto ulit na para bang may nakalimutan."Ah. isa pa pala, bago ka magmahal mahalin mo muna ang sarili mo, mag ayos ayos ka rin nakakahiya ka kasi kasama minsan." Insultong saad nito saka iniwan siyang nakanganga.
Puot, galit at sobrang sakit ang namumuo sa katawan niya. Ni hindi siya maka lakad dahil sa nangingilay na ang mga binti niya. Nasapo niya ang mukha niya nang kanyang dalawang kamay at nagpatuloy sa pag iyak. 'Di alintana ang mga taong dumadaan sa paligid niya.
'Gusto ko nang magising. Ayoko na.' Paulit-ulit na saad nang kanyang utak.
Kumuyom ang mga kamao niya, gusto niyang sumigaw at 'yon ang gagawin niya.
'GUSTO KO NANG MAGISINGGG–"
Inimulat niya ang mga mata nang magising siya sa isang panaginip. Isang panaginip na nangyari na mismo sa kanya sa totoong buhay.
Halos araw-araw gano'n ang panaginip niya. Hindi na bago. Hinilot niya ang sentido at tumingin sa paligid nang kwarto niya. Namumuo ang katahimikan at dilim nang lugar dahil 'di pa niya nabubuksan ang kurtina ng bintana niya.
'And the routine starts now.' malungkot na ani nang kanyang mumunting isip.
Bumangon na siya at tumayo mula sa kanyang kama, binuksan ang kurtina nang bintana at tinungo ang banyo para maligo.
Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya at naghanda para sa trabaho niya. Inayos niya ang sarili niya, 'di na s'ya nag abalang pagandahan ang sarili dahil wala namang dapat pagandahan.
Sinaklot niya ang backpack niya at tumingin muna sa salamin. Kita niya ang pagka-stress sa mukha niya dahil ilang araw na siyang hindi makatulog nang maayos. Mapait siyang ngumiti tsaka umalis na.
Nang makalabas na siya nang bahay, maglalakad siya patungo sa tinatrabahoan niya, nasanay na siya dahil 'yon ang palagi niyang ginagawa.
Habang tinutungo ang daan ay nakayuko lang siya, sumasagi ang panaginip na 'yon sa kanya parang ano mang oras ay iiyak siya kaya nakayuko lang siya hanggang sa marating ang Cafè na pinagtatrabahoan niya.
Nang matanaw na niya ang Cafè ay napabuntong hininga siya.
'Isang nakakapagod na araw na naman.'Pumasok na siya sa loob ng cafè at ginawa ang trabaho niya buong araw kahit andami niyang iniisip na masalimuot na alaala.
Ganon lang naman ang palagi niyang routine, halos araw-araw.
Managinip nang gano'n, malungkot na babangon kung minsan naiiyak na siya dahil sa sobrang sakit. Pagkatapos niyang maligo at mag ayos, naglalakad na siya papuntang trabaho. At buong araw niyang iindahin ang sakit at pagod.
But at the end of the day matatagpuan niya nalang ang sarili niyang nakaupo sa isang bangko sa isang park sa ilalim nang isang bridge habang tinatanaw ang katahimikan nang dagat at habang umiinom nang isang root beer. Bumubuga nang malalim na paghinga habang inaalalang mag-isa ang saklap ng nakaraan.
Unti-unting tutulo ang mga luha niya sa mga mata habang inuubos ang laman ng root beer. Nang maubos ay doon na niya ibubuhos lahat nang hinanakit niya. Iiyak ng mag-isa hanggang sa maging maayos na ulit siya.
Gano'n lang ang palagi niyang ginagawa.
Everyday it became more painful, her sorrows and agony and she can't help but to cry almost everyday and at the end of the day.
Agony resembles what she feels since that day her dignity was ruined.
HADES.
YOU ARE READING
AGONY IN DISGUISE
Romancehe offers his self to be her in disguise boyfriend, just for her to get out of her agony and loneliness. would she turn him down or accept his (delicate) proposal?