"YOUR hands are trembling and cold." Napatingin siya sa katabi na nagdri-drive.
"I-I'm nervous." She said and heaves a deep breath.
Tydeus look at her and winked. "You don't have to be, baby. You are beautiful so be confident."
She earned a little bit smile. Tydeus never really fails to make her smile. Palagi siya nitong pinupuri, halos Araw-araw. Dahil Araw-araw din silang magkasama at sa bawat araw ay medyo nagbabago na ang lahat sa kanya.
"We're here." Napatingin siya sa paligid, nasa harap na sila sa isang malaking hotel.
"Hotel?" Tanong niya kay Tydeus.
Napatingin ito sa kanya. "Nandito kasi ang conference room ni Luhan." Luhan, 'yong isa sa mga dance mates daw nito. "Hmm, baby?"
"Bakit?"
"Mauna ka na sa loob, ipa-parking ko lang itong kotse. Ipakita mo lang sa kanila 'yung invitation card then sabihin mo pangalan ko, papapasukin ka nila." Tydeus said while smiling.
"B-but..."
"I know you can do it. Susunod naman ako eh." Tydeus caressed her cheeks and kissed her forehead.
Tumango na lang siya at pilit ngumiti, bumaba siya ng kotse at inayos ang damit na suot. She's wearing a sunday off shoulder white dress that hugs her curve. Tydeus had choose her outfit for today.
Sabi ng binata dapat siyang maging confident so, she did. She walk into the hotel entrance with confident. Pinakita niya ang card at sinabi ang pangalan ni Tydeus.
Winelcome siya ng mga staff, the hotel shouts luxurious and the surroundings was comfortable. May nag guide sa kanyang staff papunta sa isang room sa second floor ng hotel. Ang floor pala na 'yon ay para sa may-ari and the rest is the hotel suites.
May malaking pinto doon kaya agad siyang pumasok nang ituro na roon ang conference room.
"Hello, your name?" Anang isang naka suit na lalaki, matangkad ito at naka undercut ang buhok.
"Charnel Velez. ahm...ininvite lang ako—"
"I know." Ngumiti ang lalaki at may itinuro na namang papasukan na pinto, "Nandoon ang conference room, may nakalaan na chair para sa inyo."
Nagtaka siya kung bakit siya kilala ng lalaki eh hindi pa naman niya nasasabi ang pangalan ni Tydeus. Pumasok na lang siya roon sa pinto at bumungad sa kanya ang malaking parisukat na table at may mga sofa chair sa gilid. Pero hindi iyon ang ikinagulat niya.
Napatingin siya sa dalawang babae na nasa may harap nakaupo. Si Yen at Kate. Tulad niya gulat din ang mga ito nang makita siya.
Umiwas siya ng tingin at tinungo ang upuan na nakalaan sa kanila ni Tydeus. Umupo siya roon sakto naman na bumukas ang pinto ng cr sa may gilid. At lumabas ang isa sa taong pinaka ayaw niyang harapin, si Vanessa.
Nagulat ito ng makita siya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa pero agad ding ngumiti ng may kumpyansa.
"Look who's here?" ani nito at umupo sa harap niya.
Hindi siya nagsalita at umiwas lang ng tingin.
"Bakit ka nandito, Charnel? Hindi mo ba alam na pang mayaman ang lugar na 'to?" Anang Vanessa, bigla namang tumayo sina Yen at Kate at tinungo ang direksyon nila.
"Vanessa!" sigaw ni Kate at tinalasan ng mata ang kaharap.
Mataray naman na tumayo si Vanessa at nakipagpantay ng tingin kay Kate.
Bigla namang may mga pumasok na apat na lalaki sa conference room, isa sa mga ito ang lalaki kanina na sumalubong sa kanya.
"Nag aaway na naman ba kayo?" Tanong ng isa na naka highlight white ang buhok. Napatingin ang apat sa kanya at ang mga ito ay ngumiti.
YOU ARE READING
AGONY IN DISGUISE
Romancehe offers his self to be her in disguise boyfriend, just for her to get out of her agony and loneliness. would she turn him down or accept his (delicate) proposal?