CHAPTER 02

14 3 0
                                        

CHAPTER 2

"Ano ba'ng ginagawa niyo rito?" tanong niya sa mga kaibigan, na sina Kate at Yen na umorder ng cuppocino sa kanya.

Nginitian lang siya ng mga ito. Kaya naman wala siyang magawa at tumalima nalang sa order ng mga ito.

Nang makabalik, kitang-kita niyang masayang nagkwe-kwentuhan ang dalawa.

Bigla tuloy siyang napapaisip. 'Ganyan na ganyan rin ako kasaya noon kung hindi lang dahil sa...' iwinaksi niya ang iniisip at tumuloy sa mesa na kinaroroonan ng dalawa.

Pagkalapag n'ya ng tray ay tiningnan s'ya ng dalawa at inilahad ang isang upuan sa tabi ni Kate.

"Upo ka, Charnel." Sabi sa kanya ni Kate. Nagdadalawang isip na umupo siya sa tabi nito.

Wala pa naman nag sisidatingan na costumer.

"Kumusta ka na, Charn?" Tanong ni Yen sa kanya, kitang-kita ang saya dito. Halatang inlove dahil blooming ito ngayon.

Huminga siya ng malalim at yumuko. "O-okay lang." Pagsisinungaling niya. 'Hindi ako okay'

May naramdaman siyang kamay sa likod niya na tumatapik sa kanya. Tiningnan niya si Kate, nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

"Hindi mo kailangang magsinungaling na okay ka lang, Charnel. Baka nakakalimutan mong two years na tayong magkaibigan." Saad nito at mas nginitian pa siya.

Totoo ang sinasabi nito. Two years ago nakilala n'ya ang dalawang ito, sa isang fan gathering at dahil mga friendly ang mga tao noon ay naging close niya ang dalawang ito at doon nga nagsimula ang friendship nilang tatlo.

Mas yumuko pa siya para 'di makita ang pagkapahiya sa mukha niya. Kung ihahalintulad siya sa dalawa ay napakalayo ng level niya.

Magaganda ang mga ito at may kaya ang pinanggalingan. Matatalino at maraming mga kaibigan. Swerte pa ang mga ito sa nakakarelasyon ng mga ito.

Si Kate sa edad na 24 ay may nobyo na handa itong hintayin at pakasalan. Habang si Yen naman may long time boyfriend ito from Korea, katulad kay Kate handa rin itong pakasalan.

Habang siya? ano nga lang siya. Walang espesyal sa kanya, bukod sa nakatira siya sa isang maliit na apartment at nagtatrabaho sa isang càfe na 'di naman kataasan ang sweldo ay napaka problematic pa niyang tao.

In short 'Walang magkakagusto sa isang katulad ko'

"Charnel, alam ko ang iniisip mo." Napatingin siya sa katabi na pinaningkitan siya ng mata. "Wag na wag kang mag isip ng ganyan."

"W-wala naman—"

"Shut up and listen, girl." Bumuntong hininga si Kate. "Maganda ka, okay? You just need to realize."

"Oo nga, wag kang magkulong sa nakaraan, Charn. I know someday you will heal at makakahanap ka ng lalakeng para sayo." Sabat naman ni Yen at hinawakan ang kamay niya para pagaanin ang nararamdaman niya.

Limit siyang ngumiti sa mga ito. Lihim siyang nagpapasalamat na may mga kaibigan siyang kagaya nila Kate at Yen.

"Anyways, we're here to invite you on saturday." Napatingin siya kay Kate, nakakunot ang noo niya.

"Saan?"

"Dance Competition, alam mo na." Saad nito at ngumiti.

Halos lumuwa ang mata niya sa gulat. Doon niya kasi nakilala ang ex niya, isa kasi itong dancer.

"A-ah..." Umiling iling siya, hinawakan siya agad sa kamay ni Yen.

"Come on, Charn. How would you realize kung tatakbuhan mo lang ang nakaraan mo? You can't solve it if you will just run to escape it." Saad ni Yen na sinang ayunan naman ni Kate.

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now