CHAPTER 17

3 2 0
                                    

"MAGHIHINTAY AKO SA'YO HANGGANG SA MAGING HANDA KA NA ULIT." Those are Tydeus words that night. Hindi niya 'yun makakalimutan hanggang sa pagtulog at pag gising niya.

Bumabaon ang katagang iyon at ang palaging dahilan ng ngiti niya bawat pag gising niya. She also hopes for him. Araw-araw pumupunta sa apartment niya ang binata, nagdadala ng lunch, minsan doon na natutulog sa apartment niya at kinabukasan gigising siya na pinaglulutuan siya nito ng break fast.

Hinahatid sundo sa trabaho, he never get tired to say compliments to her to cheer her up and makes her feel special towards his words. Niligawan siya ni Tydeus, at kahit alam niyang maikli ang pasensya nito humaharap pa rin ito sa kanya na nakangiti at niyayakap siya ng mahigpit at sasabihing mahal siya nito at maghihintay.

Like a couple there were times na nag aaway sila o hindi nagkakaintindihan, pero at the end of the day madali lang nilang naayos at matatagpuan na lang ang mga sarili nilang nagkukulitan o naglalambingan.

At kahit na nanliligaw pa lang ito, proud na proud ito sa kanya, magkasama man sila o hindi, Tydeus was a fan of PDA and that makes her special. Araw-araw mas lalo siyang nahuhulog sa binata.

He never fails to amuse her everyday. From his very lamest joke to his childish attitude. She was really inlove, madly inlove with this man.

At ngayong araw ang pinaka espesyal because she had already decided to give her yes to Tydeus.

Kaagad siyang nag-ayos ng sarili dahil susunduin siya ngayon ni Tydeus.

Kinuha kasi ang binata for event hosting sa isang dance competition at gusto nito na sumama siya. At dahil hindi siya makatanggi sa pa-cute nito sa kanya kaya ito, napilitan siyang sumama.

Unlike before, she's not scared nor afraid anymore. Wala na siyang pake kung makita man niya si Azi o si Vanessa. She will be confident, she had changed and that's because of the help of Tydeus.

Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok nang may marinig siyang pagkatok sa pinto. She immediately smile of the thought it was Tydeus, kaya naman dali-dali siyang pagbuksan ito at hindi naman siya nagkamali ng ine-expect because it was indeed Tydeus.

As usual, sa bawat araw na magkasama sila mas lalo itong gumwapo sa paningin niya. At mas lalo pa itong naging gwapo sa suot nitong white tux.

She was stopping herself from reddening. Presensya pa lang nito kinikilig na siya, nababaliw na ata siya.

"Hey, good morning."  bati nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Ang ganda mo." compliment nito sa kanya, na halos Araw-araw niyang naririnig.

Ngumiti siya rito nang humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at niyakap ang braso nito sa beywang niya. Ngumiti siya rito at mahinang tinapik ang balikat nito.

"Ikaw ah. Baka maging spoiled brat na ako sa ginagawa mo." saad nya at tumawa.

Tumawa na rin ito at pinisil ang tungki ng ilong niya. "Well, hindi ako magsasawang sabihin 'yun sa'yo Araw-araw." he said making her reddened. Tydeus kissed her cheeks at by now, nararamdaman niyang kinakamatis na ang mukha niya sa pula.

Umiwas siya ng tingin dito at nauna nang lumabas. "Tara na nga."

Narinig niya lang ang pagtawa nito, ito na ang nagsara ng pinto ng bahay niya sa pagmamadali niya.

At hanggang sa byahe hindi siya nilulubayan ng kilig dahil sa lalaking 'to na ngayon ay hawak hawak ang kamay niya habang nagmamaneho.

"Malapit na tayo."  saad nito. Tiningnan niya ang labas ng kotse, at sa unahan nakita na niya ang mall kung saan ang venue ng event nila Tydeus.

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now