CHAPTER 13

6 3 0
                                    

SHE WOKE UP feeling good. Parang ang ganda ng araw para sa kanya. Binuksan niya ang bintana ng kwarto at tinamasa ang sariwang hangin at ang init ng araw na tumatama sa mukha niya.

This was the first time, medyo nanibago siya pero lihim niyang hiniling na sana ganito na lang palagi.

Napangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi, Tydeus really takes care of her. Sabi pa nito babantayan siya nito hanggang sa makatulog siya.

Bigla siyang napaisip, kung nakauwi na ba ito. Kaya naman ay kinuha niya ang cellphone, kaagad na pagbukas niya ay nakita ang isang mensahe galing kay Tydeus.

From: Tydeus :<
— Hey, Good morning, baby. Hindi na ako nagpaalam kanina 'cause you are in a deep sleep. xd. btw, I prepared a breakfast for you, kumain ka pag nabasa mo na ito. <//3

Napangiti siya sa mensahe nito. 'Jusko, Umagang umaga kinikilig ako' Nagsimula na siyang magtipa sa cellphone.

To: Tydeus :<
— Good morning to you too, handsome. Salamat sa pa-breakfast, magpahinga ka at matulog alam kong napagod ka kakabantay HAHAHAHA.

Then she send her message.

Dala dala ang cellphone, pumunta siya ng kusina at nakita nga roon ang niluto na breakfast ni Tydeus para sa kanya. May sticky note pa sa gilid kaya kinuha niya iyon. 'You're beautiful when you smile.' that was the words written on the sticky note.

She can't help but to smile, she knows she was blushing. 'oh god, ano ba ito.'

Habang kumakain biglang tumunog ang cellphone n'ya, ibig sabihin may mensahe. Tiningnan niya iyon at napangiti nang makitang si Tydeus iyon.

From: Tydeus :<
— Well, flash news, baby. I'm on the way.

She gulped, muntik na siyang mabilaokan. 'Baliw na.' Alam niyang puyat ang binata pero mas pinili nitong bumalik dito kaysa ang magpahinga.

Magtitipa na sana siya para sa reply niya kay Tydeus nang bigla itong tumawag. Kaya naman agad niya iyong sinagot.

"Hello, baby—"

"Hello baby ka diyan! Anong on the way pinagsasabi mo, puyat ka." Saad niya.

"Magpapahinga naman ako eh." Sagot ng nasa kabilang linya.

"Paano ka makakapag pahinga eh pupunta ka rito. Dapat matutulog ka—"

"Diyan ako magpapahinga sa bahay mo, boss. So calm down, don't be mad at me and open the door for me." Hindi siya sumagot, agad siyang pumunta sa pinto at binuksan iyon.

Tumambad sa kanya si Tydeus. May dala itong grocery ng mga pagkain.

"Hey." Ngumiti ito sa kanya. 'Kahit kailan napaka gwapo talaga ng hudyo.' "Hindi mo man lang ba ako ihu-hug?"

She rolled her eyes, sumimangot siya rito. "Hug mo mukha mo, pasok."

Nilawak niya ang pagkabukas ng pinto para makapasok si Tydeus tsaka niya sinarado nang makapasok na ito. Tinulungan niya itong magbuhat sa mga groceries at nilagay sa lamesa sa kusina.

Iiwan niya na sana ito nang bigla siya nitong hilahin sa braso at niyakap. "Good morning again, baby."

Her heart skip a beat. She was unable to move dahil yakap yakap siya ni Tydeus.

"G-good morning." Saad niya tsaka nagkalakas ng loob na itulak ito.

Tydeus just chuckled. Pinagtatawanan siguro nito ang pagblu-blush niya. Kaya naman nag iwas siya ng tingin.

Iniwan siya nito sa kusina at pumunta sa sofa sa sala.

"Pwede ba ako rito matulog ngayon at mamayang gabi?" Nanlaki ang mga mata niya at sinundan ito sa sala.

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now