"SAYANG at wala si Keith, siya pa naman nagkwento sa'kin tungkol sa girlfriend ng anak ko." Anang ina ni Tydeus habang nasa hapag kainan silang lahat kasama ang ibang kamag anak nito.
Napaka jamming ng side ni Tydeus hindi mo aakalain na ang yayaman pala ng mga ito. Hindi rin ang mga ito maarte at nakikihalubilo talaga.
Kanina nga tinadtad siya ng tanong ng mga ito, buti na lang talaga at hinila siya ni Tydeus palayo.
"Buti hindi siya pumunta, napaka ingay niya talaga." Anang Tydeus at tinusok ang meat na nasa plato nito.
Tumawa ang lahat habang siya naman ay abala sa pagkain niya. Kahit gaano pa kajamming ang mga ito ay nahihiya pa rin siya.
Siya lang kasi ang naiiba, wala siyang maipagmamalaki eh.
"Well, hija?" rinig niyang tawag sa kanya ng ina ni Tydeus kaya agad siyang napalingon dito.
"Would you mind if you share to us your life, job, hobbies?" Tanong ng ginang na ikinabahala niya.
Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng mga ito. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.
Naramdaman niya ang kamay ni Tydeus na tinapik tapik siya. "It's fine, you don't need to tell them." Saad nito at ngumiti.
Hindi iyon ang ineexpect niyang sasabihin ni Tydeus. She felt disappointed. For her, parang ikinahihiya siya nito.
'Well, I've changed! Wala akong dapat ikahiya.'
Umupo siya ng tuwid at ngumiti ng may confident. Tumingin siya sa ginang, wala ng bahid na hiya.
"Nagwowork po ako as employee sa isang càfe shop." Sagot niya.
Akala niya ay mandidiri o magkakaroon ng disappointed na reaksyon ang mga ito ngunit nagkamali siya, ang ginang at ang ama ni Tydeus at ang iba pa nilang kasama ay ngumiti sa kanya na parang nagagalak pa ang mga ito.
"Where's your parents?" Tanong ng ama ni Tydeus.
Humugot siya ng malalim na hininga bago sinagot ang tanong. "Patay na po sila, bata pa ako noong mawala sila."
"Oh." Nag-aalalang reaksyon ng ina ni Tydeus. "We are sorry, hija."
Matamis siyang ngumiti. "Kaya nga po masaya ako kasi inimbitahan ako ni Tydeys sa ganitong pagtitipon. Kasi po kung hindi niyo naitatanong, hindi pa ako nakapunta sa ganito na tungkol sa gathering ng pamilya. Almost 25 years na rin akong nagtatago at takot sa mga tao, kasi palagi akong sinasaktan nila emotionally." Kwento niya sa mga ito. Natulala lang ang mga ito.
At parang naging awkward ang moment, naiintindihan niya iyon siguro ay ayaw na ng mga ito sa kanya.
Kaya naman ay umiwas siya ng tingin at yumuko, pinipigilan niya ang pag iyak niya, ayaw niya ng umiyak sa maraming tao.
"Charnel..." Tawag ni Tydeus sa kanya.
Bigla namang may presensya na yumakap sa kanya at hinagod ang likod niya, akala niya ay si Tydeus iyon ngunit ang ina pala nito. Hinahagod nito ang likod niya para pagaanin ang pakiramdam niya.
Kaya doon tumulo ang luha niya. Hindi na niya mapigilang humikbi.
Humiwalay ito sa kanya, at lumuhod sa harap niya para magpantay ang mukha nila, ngumiti ito at pinunasan ang luha niya gamit ang daliri nito.
"Don't cry, sweetheart. Shh. I don't know what you've been through a lot, but I am sure...so very sure, sweetheart that your parents in heaven are so proud of you. Your decision of telling who you truly are the best decision you've made." Niyakap ulit siya ng ginang at sa pagkakataon na ito ay yumakap na rin siya dito.
YOU ARE READING
AGONY IN DISGUISE
Romancehe offers his self to be her in disguise boyfriend, just for her to get out of her agony and loneliness. would she turn him down or accept his (delicate) proposal?