"LABAS KANA." Sabi nito at pinagbuksan siya ng pinto.
Tumingin siya dito na nagtataka. "Na saan tayo?"
"Tingnan mo ang paligid at sabihin mo sa'kin kung nasaan tayo." Sabi nito at may tiningnan na malaking gate.
Tumingin rin siya roon at nakita ang isang malaking karatula na may nakasulat na 'Star City'
Gulat siyang napatingin sa mukha ng lalaki. "B-bakit tayo nandito?" Nautal pa siya.
Tiningnan ulit siya ng lalaki at ngumiti, biglang sumikdo ang pagtibok ng kanyang puso habang nakatingin din dito.
"Because I want you to have fun. Besides, dito you can shout all of your negative emotions." Paliwanag nito.
"P-pero—"
"Don't worry. Libre ko ito." Tumawa pa ito tsaka mahinang tinapik ang ulo niya. "But before that, let me ask you a thing. What's your name?" Tanong nito.
Hindi siya makaimik at nanatiling nakatingin lang dito. Hindi niya maipaliwanag ang emosyon niya ngayon, kumpara sa mga nakasanayan niyang emosyon araw-araw.
Napakamot sa ulo ang lalaki tsaka inilahad ang kamay. "Okay. I'm Tydeus Valencia, you?" Ngumiti ulit ito.
Tiningnan niya ulit ang kamay nito na nakalahad saka dahang-dahan na inabot. "Charnel Velez."
Kita niyang mas lumawak pa ang ngiti ng lalaki, at may kakaibang emosyon ang dumaan sa mga mata nito. Nagtagal ang shake hands nila at eye contact, kung hindi lang siya ang unang umiwas ay magtatagal pa 'yon.
Tumikhim ang binata. Akala niya ay bibitawan na siya nito ngunit hinila lang siya nito papasok sa mataas na gate ng Star City.
Nang makapasok ay bumungad sa kanya ang mga naglalakihang rides at sigaw ng mga tao. Tumingin-tingin siya sa paligid, maraming tao ang nag-eenjoy at napakasaya.
May magkakapamilya at meron ding mga mag jowa na nagda-date. Napabuntong hininga siya, sa tanang buhay niya hindi pa niya naranasan iyon kasi noon never naman siyang inayang lumabas ni Azi at isa pa wala na rin siyang pamilya.
"Would you mind if ikaw ang pagdedesisyonin ko kung saan tayo sasakay ng rides?" She was stunned by how gentle Tydeus is while asking that to her.
They were in eye contact and their hands are still holding each other. Dahil sa irebocable na pagtibok ng kanyang puso ay inagawa niya ang kamay niya na hawak nito at umiwas ng tingin. Tumingin siya sa roller coaster at itinuro iyon.
"Doon. Doon ko unang gustong sumakay." Desidido niyang sagot dahil doon niya rin ilalabas ang lahat ng sama ng loob niya.
"Then roller coaster it is." kahit hindi niya kita ay alam niyang nakangiti ang lalaki dahil sa klase ng tono nito.
'Bakit ba siya ngiti ng ngiti, hindi ba niya alam na nakaka intimidate bawat ngiti at tingin niya!' Ani niya sa sariling isip.
Nagulat siya nang hilahin na naman siya ni Tydeus. "Let's goo!" Excited nitong sigaw habang hila-hila siya, tumatakbo.
Napangiti nalang din siya dahil sa saya nito. Hindi niya alam na nakakaadik pala ang vibes nito.
And her whole experience in Star City was unbearable of so much fun with Tydeus.
"DALI NA, SAKAY NA!" Aya ni Tydeus kay Charnel na parang nagdadalawang isip pa itong sumakay.
Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa humbe expressions nang dalaga. After nitong makasakay sa higit anim o pitong rides na sinakyan nila, ngayon pa ba ito matatakot?
YOU ARE READING
AGONY IN DISGUISE
Romancehe offers his self to be her in disguise boyfriend, just for her to get out of her agony and loneliness. would she turn him down or accept his (delicate) proposal?