EPILOGUE

16 1 0
                                    

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" sigaw nang lahat sabay nagpalakpakan.

Pati sila ni Tydeus ay pumalakpak na rin. Masaya siya dahil kasal at pamilyado na ang mga kaibigan niya. Si Kate ang sumunod sa yapak ni Yen na tapos nang ikinasal sa nobyo nitong koryano at ngayon ay may paparating ng baby in 5 months. Masaya siya dahil magiging ninang na siya soon at the same masaya siya dahil nakikita niyang masaya ang mga kaibigan.

Dumalo rin sa kasal ang mga kaibigan ni Tydeus na sina Cash, Phycus, and Luhan. Nandito rin ang mga ka dancemate ni Tydeus.

"Let's congratulate them, baby." Rinig niyang bulong sa tenga ni Tydeus.

"Okay, let's go." Ngumiti siya rito at humawak sa kamay nito. Their hands immediately intertwined and they walk like they are the newly wed.

"Congratulations sa inyo ng husband mo, Kate." Greetings ni Tydeus sa kaibigan niya. Ngumiti ang kaibigan at nag thank you sa nobyo niya.

Tiningnan naman siya ni Kate at niyakap. "Masaya ako para sa'yo, Kate."

"Ako rin, masaya rin ako para sa'yo, Charn. You already found your happiness." Saad nito nang maghiwalay sila ng yakap.

Bigla namang sumulpot sa harap nila ang buntis na si Yen.

"Kayong dalawa, kailan kayo ikakasal?" Tukoy nito sakanila ni Tydeus.

Nagulat siya sa tanong nito pero kaagad din na ngumiti. Dahil alam niyang wala pang plano tungkol sa kasal na 'yan. "Kumusta ang buntis?"

Sumimangot ang kaibigan. "Change topic ka! But anyways, me and my upcoming baby is fine. Actually may name na siya." Kwento nito habang kinikilig.

Napangiti siya sa kaibigan.

"Ano naman 'yun? Kwento sa'kin nu'ng hubby mo kung anu-ano na lang daw pinapangalan mo sa baby niyo." Natawa na lang sila sa sinabi ni Kate.

"Hmp! May name na siya. If my baby is a boy his name will be, Regan and if my baby is a girl her name will be Morigan." Proud pa nitong sabi. "Cool, right?"

Tumango tango na lang siya. "Oo cool nga."

"Yeah, so very cool because you have a weird mindset." Saad ni Kate at nagtawanan na naman sila.

Nagkwentuhan pa sila ng nagkwentuhan, hindi niya namalayan na kanina pa pala siya hinihila ni Tydeus sa suot niyang white dress.

Napatingin siya sa binata, may ngiti sa mga labi nito. "Come with me." Saad nito.

"O–okay." Hindi na sila nag abalang magpaalam sa mga kaibigan dahil umalis na lang sila basta basta.

Pumunta sila sa dalampasigan. Beach wedding kasi ang kasal ni Kate at ang venue ay sa resort nila Tydeus kaya naman naka sunday dress at simple lang din na summer white outfit ang suot ni Tydeus.

Papalubog na ang araw at tanaw na tanaw nila ang dagat na kumikinang.

"Ang ganda 'di ba?" Tanong sa kanya ni Tydeus. Pareho silang nakatanaw sa sunset habang hawak hawak ang kamay.

Hindi niya maeksplena ang nararamdamang saya sa mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon, kahit pa-paano ay naging masaya rin siya pagkatapos niyang magdusa sa lungkot noon.

"Charn." tawag sa kanya ni Tydeus na humarap sa kanya. Humarap na rin siya rito at hinintay itong magsalita.

Ngumiti ito sa kanya at hinalikan ang noo niya bago lumuhod sa harap niya na ikinagulat niya, may kinuha itong red na box sa bulsa nito at binuksan sa harap niya.

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now