CHAPTER 03

3 3 0
                                        

MABILIS na dumaan ang mga araw at sabado na nga ngayon. She was so nervous at the same time she was afraid.

Sinundo siya ng mga kaibigan mula sa apartment niya, nag ayos lang siya ng konti para matabunan ang stress at puyat sa mukha niya. 'Di na siya nag abalang magpaganda, para sa kanya wala namang sense 'yon.

Sakay ng sasakyan nila Yen. Patungo sila sa Galleria Mall. Buong byahe tahimik lang siya, sila Yen at Kate masayang nakikipag usap sa nobyo ni Yen na Koreano na nagpakilala sa kanya kanina na Yuen ang pangalan nito.

Gwapo ito at 'di masyadong mapayat, matikas ang pangangatawan nito at maputi na natural na kulay sa isang koreano.

'Di na niya inabala ang sarili na sumingit o makisali, ang tangi niya lang nararamdaman ay out of place siya sa kinalulugaran niya ngayon.

Kahit na may mga kasama ay nakakaramdam pa rin siya ng pag-iisa. Sumikdo ang lungkot sa kanyang dibdib, namumuo na naman ang luha sa mga mata niya.

Inihilig niya ang ulo sa back rest ng kinauupuan niya at ipinikit ang mga mata, sunod-sunod na bumuntong hininga.

'Makakaya mo ito, Charnel.' Pagpapalakas niya ng loob. Kung pwede lang na sumigaw ng malakas dito para ilabas niya ang lahat ng sama ng loob ay kanina pa niya ginawa ngunit paano?

Maski siya ay hindi alam ang gagawin. 'Dahil ako mismo ang nagkukulong sa sarili ko'

"Oy, we are here!" Rinig niyang tili ni Yen.

Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at tinanaw ang malaking building ng mall sa labas. Nagsimula na naman siyang kabahan at matakot ngunit hinawakan ni Kate ang kamay niya.

"Ayos lang 'yan. Kaya mo 'yan." Pagpapalakas loob nitong sabi sa kanya. Tumango lang siya at limit na ngumiti sa kaibigan.

Pumunta sila sa parking lot at nauna nang bumaba ang tatlo sumunod naman siya. Medyo nangangatog ang tuhod niya hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Pumunta sila sa elevator sa parking lot at doon nagpahatid sila patungo sa top floor kung saan okupado ang event. Hindi pa nga sila nakakarating ay gusto na niyang umatras ngunit bago pa niya gawin iyon ay tumunog na ang elevator nangangahulugang nasa top floor na sila ng mall.

Kinakabahan siyang nakatingin sa dalawang kaibigan na nginitian lang siya at hinawakan sa magkabilang kamay.

"Kaya mo 'yan, Charn. Face your fears." Saad nito, nakasunod sa kanila ang nobyo nito.

"Don't be afraid, kapag may naging problema just tell us, okay?" Ani naman ni Kate at tinapik-tapik ang likod niya.

Tanaw na nila ang center stage ng event. Mas lumawak pa pala ang area 'di tulad noon nung una siyang makapunta sa ganitong pagtitipon. Puno ng mga light effects at dekorasyon ang buong lugar, may mga rooms sa gilid sa bawat group performers para doon sila mag ayos at magbihis, maraming mga nakahilerang bangko sa gitna.

Iginiya siya ng mga kaibigan sa ibang mahabang lamesa, sa tingin niya ay para sa mga judges ang table na iyon.

May nag a-arrange doon na babae, mahaba ang buhok kasi nakalugay ito. Payat ito kaya nakikita ang hubog ng katawan nito. Naka mini skirt ang babae at white croptop ang suot plus naka sneakers ito.

"Llyle!" Tawag ni Kate dito. Agad tumingin ang babae sa direksyon nila. Napahanga siya sa simpleng ganda nito. Naka light make up lang ito pero maganda.

'Sana ganyan rin ako kaganda' Ani niya sa munting isip.

"Oh, Kate! Nagkita ulit tayo, how are you?" Bati nito sa kaibigan niya na para bang matagal na ang dalawang magkakilala.

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now