"CHARNEL." tawag niya sa pangalan nito habang kumakatok sa pinto ng guest room.
Ilang segundo ay agad nitong binuksan ang pinto, bumungad sa kanya ang bagong ligo na si Charnel. Suot-suot nito ang damit niya na iniwan dito sa Beach house. Gano'n siya, nag iiwan suya ng mga damit dito baka kung sakaling pumunta siya ay may pamalit.
Ngumiti siya dahil bagay dito ang damit niya kahit pa sabihing over size 'yon. Pinapatuyo nito ang buhok gamit ang tuwalya.
Kanina pagkatapos nilang kumain ay inaya niya na lang ito sa dalampasigan na magtampisaw, pansamantala munang kakalimutan ang iniisip nilang pareho at mawala ang awkwardness.
At sa hindi malaman na dahilan ay naging masaya ang pagtatampisaw nila, naglaro pa sila sa buhangin at namulot ng mga shells na parang bata. Kahit siya ay limit ang childhood memories niya. Ang tangi niya lang iniisip ay masaya siyang kasama ang babaeng nasa harap niya.
Mabilis lumipas ang oras kaya alas syete na ngayon ng gabi. At aayain niya ulit itong pumunta sa inihanda niya roon sa may hardin.
"Sumama ka sakin." Aya niya.
"Saan?" Puno ng kuryosidad nitong tanong.
"Basta surprise." Ngumiti siya at hinila na ito. Nagpatianod naman ito at hindi na kumontra.
Pumunta sila sa likod ng bahay kung saan ang hardin. Pero bago pa makita ni Charnel ang kung anong nandoon ay tinakpan niya na ang mga mata nito.
"I'll guide you, just walk." Paalala niya at inalalayan itong maglakad.
Nang makarating na sila sa harap ng inihanda niya ay tinanggal niya na ang mga kamay sa mga mata nito at ngumiti.
"Surprise!" Giliw niyang sabi.
Kita niya ulit ang mangha sa mga mata ng dalaga. "W-wow."
Isang malaking tent na gawa sa tagpi-tagping kumot ang tumambad sa harapan nito, na may led lights na nagsisilbing ilaw, may mga unan sa loob ng tent at may mga stuff toys tapos may mini ihawan pa.
Tumingin ang dalaga sa kanya at hindi niya inaasahan ang biglang pagyakap nito sa kanya. Humigpit ang yakap nito sa kanya, at klaro ang mga paghikbi nito.
"Salamat. Salamat talaga, Tydeus." Sumikdo ang bilis ng puso niya dahil 'yon ang unang pagkakataon na tinawag siya nito sa buo niyang pangalan.
Iniyakap niya ang braso rito at hinagod ang likod nito para patahanin.
"Bakit ka ba nagpapasalamat?" Tumingin ito sa kanya, nanatiling yakap-yakap pa rin siya. Pareho silang nagkatitigang dalawa. Tila ba nag slowmo lahat ng nasa paligid.
Kumalas ng yakap sa kanya si Charnel at nagpunas ng luha. "Ahm...ngayon ko pa kasi naranasan ang masurpresa."
Tinungo nito ang tent at komportableng umupo doon. Ngumiti na lang siya at kinuha ang basket sa gilid na may lamang mga barbeque para ihawin sa mini ihawan.
"Ang ganda talaga. Salamat, Tydeus." Ngumiti lang siya rito habang busy sa pag-aasikaso sa kakainin nila.
"Pwede ba ako magpatugtog?" Tanong nito. Tiningnan niya ito at itinuro ang maliit na speaker. Ngumiti ito sa kanya at sa pagkakataong iyon ay hindi iyon peke.
At kagaya ng sinabi nito ay nagpatugtog nga ito.
Love Me Harder by Ariana Grande ft. the Weekend.
"WELL, AHM.." Tumikhim ang katabi niya, parang may gusto itong sabihin hinuha niya.
"Ano ba ang sasabihin mo?" Tanong niya rito, bigla ay naging komportable siyang kasama ito kahit pa sabihin na hindi pa niya ito masyadong kilala.
YOU ARE READING
AGONY IN DISGUISE
Romancehe offers his self to be her in disguise boyfriend, just for her to get out of her agony and loneliness. would she turn him down or accept his (delicate) proposal?