CHAPTER 12

7 3 0
                                    

ISANG BAD DAY para kay Charnel ang araw na ito. Kung kahapon napaka saya niya habang kasama si Tydeus. Ngayon naman ay ang init init ng ulo niya.

Naiinis siya sa binata kagabi. Matapos nitong mag-aya umuwi kagabi ni wala man lang itong sinabi sa kanya. Nag text siya dito ngunit walang ni isang reply.

Ano ng nangyari sa usapan nilang maging updated sa isa't isa. In disguise na nga itong relasyon nila tapos gano'n pa umasta ang binata.

Hindi siya makapag pokus sa trabaho dahil naiisip niya ang nangyari kagabi, bigla-bigla nawala ang mood nito at ang seryoso kung tumitig sa kanya.

'Nagsawa na ba agad siya?' Naiinis na talaga siya kakaisip. Kaya naman inabala niya ang sarili sa trabaho kahit patingin tingin siya sa cellphone niya.

Hanggang sa matapos na ang oras ng trabaho niya at pauwi na siya. Hindi pa rin nawawala ang inis niya.

Hanggang sa makalabas siya ng càfe ay may biglang humarang na kotse sa kalsada at bumusina.

Napatingin siya roon nang dumungaw mula sa loob ang driver. Ngiti ni Tydeus ang bumungad sa kanya. At kumaway pa sa kanya ang hudyo.

"Hey baby, come on in. hatid na kita." Saad nito na parang walang nangyari sa kanila. Nagpaikot na lang siya ng mata tsaka sumakay sa passenger seat.

Habang bumabyahe, panay ang sulyap sa kanya ni Tydeus.

"Hey, okay ka lang ba?" tanong nito ngunit hindi niya pinansin.

Ilang minutong nakalipas...

"Galit ka ba sa'kin, baby?" Sa mga oras na 'yon gusto niyang lamunin siya ng lupa dahil nagsisimula ng mag-init ang pisngi n'ya. Ngunit hindi pa rin siya nagsalita.

Hanggang sa marating nila ang harap ng apartment niya. Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit naka lock iyon. Sumama ang hitsada ng mukha niya at pagbubuntungan na sana si Tydeus.

Lumingon siya rito pero huli na para bumawi nang tingin dahil napakalapit ng mukha nito sa kanya.

Umiwas siya ng tingin at pilit itong itinulak. Sinundan nito ang tingin niya at sinilip siya nito.

"Galit ka ba? May nagawa ba ako? Please tell me, baby." Nakakapanghina talaga ang endearment nito para sa kanya.

Tydeus hold her chin and their eyes met. "Tell me, Charnel. Ayokong tahimik ka."

Tumawa siya ng mapakla. "Tahimik? eh ikaw nga itong walang sinabi na kahit na ano sa'kin kagabi at isa pa! Nag text ako sa'yo, wala ka man lang nireply!" Hindii niya mapigilang bulalas, gulat itong napatingin sa kanya kahit siya ay gulat din.

'Shit, Charnel!' Mura niya sa sarili.

Doon lang lumayo sa kanya si Tydeus. "Galit ka sakin dahil doon?"

"Hindi ako galit, naiinis lang ako." Sagot niya.

"Charnel." Tawag nito sa kanya kaya agad siyang lumingin dito medyo nabigla siya ng bigla siya nitong yakapin.

"I'm sorry, may iniisip lang kasi ako kahapon." Hingi nito ng patawad habang hinahaplos ang buhok niya.

"Ano ba ang iniisip mo?" malumanay niyang tanong. Pinakawalan siya nito ng yakap at hinaplos ang pisngi niya.

Ngumiti ito. "Soon you will know, baby. But for now, gusto kong bumawi sa'yo. Just tell me kung ano'ng gusto mong ipagawa o gawin."

Nag-iisip siya kung ano'ng pwedeng ipagawa kay Tydeus. At nang makaisip suya ay ngumisi siya. "Gusto ko ng pizza." Demand niyang sabi.

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now