CHAPTER 19

1 1 0
                                    

LUMIPAS ANG ILANG ARAW, she haven't seen any of Tydeus presence. Hindi man lang ito nagpakita o nag-abala man lang. Nagsisimula na rin siyang mag overthink ng kung anu-ano.

Like, baka nagsawa na si Tydeus o baka naisip na nitong tigilan ang panliligaw sa kanya. Baka nagbago na ang nararamdaman nito o baka hindi totoo ang sinabi na mahal siya nito.

Naiiyak na rin siya dahil sa mga iniisip niyang 'yon. Ilang araw na rin niyang inaabala ang sarili sa cafè at the end nag ooverthink pa rin siya.

Kailangan niyang malaman ang totoo, kailangan niyang puntahan si Tydeus.

"WHAT? ARE YOU AN IDIOT?!" sigaw sa kanya ni Keith. "Ano bang iniisip mo, hindi mo dapat sinabi 'yun sa kanya!"

"You don't understand–"

"Anong you don't understand, hampasin ko ulo mo eh!" Nagpapadyak ito. Parang ito pa ang mas naapektohan kaysa sa kanya. Napakamot na lang siya ng ulo.

Tumingin ulit ito sa kanya at naningkit ang mata. "She already said she loves you."

"Yes, I know but I want to make sure. Assurance, indeed." Nag-iwas siya ng tingin tsaka bumuntong hininga. Tiniis niya ang ilang araw na hindi ito makita, inabala niya ang sarili sa kompanya ng dad niya para mawala sa isip niya ang pag-aalala sa dalawa.

He makes her overthink. Napabuntong hininga siya ulit. "It's my fault." Nasapo niya ang noo habang nag-iisip. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya, 'yon ay puntahan si Charnel.

Kaya naman ay tumayo siya at kinuha ang suit na nasa swivel chair niya. Pero bago pa man siya makalabas sa office niya ay pinigilan siya ni Keith.

"You want assurance? I can help you, couz." Saad nito kaya napatingin siya rito na chill lang na nakaupo sa sofa.

"How?" kunot noo niyang tanong.

Keith just smirked. "I'll tell you." Lumapit ito at bumulong sa kanya.

SHE READIED HERSELF, mahigit one week na. Sakto ang araw nato para komprontahin at puntahan si Tydeus.

Besides, day off niya ngayon. Susulitin niya ang araw na ito, at kung ano man ang kalalabasan. Sa kanya na lang iyon. Hindi pa siya handa pero kailangan niyang makasiguro.

Nagpababa siya sa taxi driver sa tapat ng isang malaking building na pagmamay-ari ng pamilya ni Tydeus.

Hindi na siya nag-abala pang magtagal kaka tingin sa malaking building. Agad siyang pumasok doon, ang alam niya no'ng isang araw pa nag start ang pamamahala ni Tydeus dito dahil iyon ang nasabi ng binata sa kanya.

Bumungad sa kanya ang malaking hall. Pumunta siya doon sa may mga naka linyadang mga babae na abala sa telepono at mga papeles na nakikita niya.

"Excuse me, pwede magtanong?" Tawag niya sa isang babae na naka uniporme. Actually, naka formal attire lahat ng nandito. Siya lang ata ang naiiba.

Ngumiti ang babae sa kanya at nag bow. "Hello, Ma'am. Good morning, what can I do for you?" Pormal nitong bati at tanong sa kanya.

"Uhm. Nandito ba si uhm, Mr. Tydeus?" Nalilito siya kung tatawagin niya bang Mr. si Tydeus o hindi. 'Hindi bagay sa kanya' sa isip isip niya.

Ngumiti ang babae. "Yes, Ma'am. Nasa conference room po siya for meeting."

"Ah, okay. Hihintayin ko siya. Saan ba ang conference room?"

"Nasa 15th floor po, may waiting area po doon." Ngumiti ulit ang babae sa kanya.

Ngumiti din siya dito kahit kinakabahan na siya. "Ah sige, salamat."

AGONY IN DISGUISEWhere stories live. Discover now